Ano ang binat, at paano ito maiiwasan?

Share this article with other moms

Ano ang binat, at ano ang puwedeng gawin ng mga ina upang hindi sila magkaroon nito pagkatapos nilang manganak? Basahin at alamin!

Mga mommies, alam niyo ba kung ano ang binat? Marahil narinig niyo na ito dati, pero hindi malinaw sa inyo kung ano ba talaga ito.

Halina’t alamin kung ano ang binat at kung paano ito maiiwasan pagkatapos mong manganak.

Ano ang binat?

Ang tinatawag na binat ay ang pagkakaroon ng matinding pagod o panghihina ng katawan na madalas nararanasan pagkatapos manganak.

Nagkakaroon ng binat ang mga ina na kakapanganak pa lamang dahil sa matinding trauma na nangyari sa kanilang katawan dahil sa panganganak, at hindi nagkaroon ng panahon para makapagpahinga.

Kadalasan, ang mga ina na sumailalim sa caesarean section o C-section ay nakakaranas ng binat, lalo na at ito ay isang major operation.

Ang iba rin ay nagsasabi na konektado ang postpartum depression sa pagkakaroon ng binat, ngunit hindi pa rin tiyak kung bakit nagkakaroon ng binat ang mga inang may postpartum depression.

Ang anemia din, o pagkakaroon ng mababang bilang ng red blood cells sa dugo ay posibleng maging sanhi ng binat.

Posible rin naman na ang binat ay epekto ng pagkakaroon ng aktibong thyroid glandhypothyroidism.

Ito ang mga sintomas ng binat na kadalasang nararamdaman ng mga ina:

  • Pagkakaroon ng matinding sakit ng ulo.
  • Nakakaramdam ng pagkaginaw
  • Mataas na lagnat
  • Paggalaw ng mga ugat sa katawan, lalo na sa may mata
  • Pagdurugo ng sugat pagkatapos manganak
  • Pagkakaroon ng hilo at pagsusuka

Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang binat?

Mahalaga para sa kahit sinong ina ang maagapan ang binat. Importante na maging malakas at malusog ang ina upang maalagaan niya ang kanyang bagong silang na sanggol.

Heto ang ilang mga paraan upang maiwasan at gamutin ang binat:

  1. Magpahinga ng mabuti. Wag puwersahin ang sarili, dahil importante na magkaroon ng panahon upang makapagpahinga at manumbalik ang lakas ng iyong katawan.
  2. Matutong mag-relax. Wag ka masyadong ma-stress, dahil ito ay nagdudulot ng pagod at hirap sa iyong katawan.
  3. Kumain ng masustansiyang pagkain. Ang wastong pagkain ay importante upang maging malakas ang iyong katawan at upang makabalik ka sa dati mong lakas.
  4. Makakatulong ang prutas na mayroong fiber upang mapalambot ang iyong dumi. Dahil minsan, nagkakaroon ng matinding sakit sa puwerta ng ina kapag dumudumi, lalo na kung hindi pa gumagaling ang sugat ng panganganak.
  5. Wag mahiyang humingi ng tulong sa iyong asawa o kamag-anak, lalo na sa pag-aalaga sa iyong anak. Importante na magkaroon ka ng panahon na matulog at magpahinga, at wag mong akuin ang buong responsibilidad sa pag-alaga ng iyong anak.
  6. Kung mayroon kang postpartum depression wag mahiyang humingi ng tulong sa doktor o therapist. Hindi ka nag-iisa, at maraming ina ang nakakaranas ng ganitong kondisyon. Walang dapat ikahiya, o ikatakot, dahil mas importante ang iyong paggaling.

Source: pagbubuntis.com

READ: Ilang gabay na pwede mong subukan para mapadali ang pagbubuntis

Sign up for the

Your weekly Pregnancy guide

Receive weekly personalized updates on your pregnancy! More details on the Plus One here

Pregnancy Health Pregnancy Becoming a Mom