Naranasan mo na bang hindi ka dinatnan, pero iniisip mong epekto lang ito ng stress, birth control, o pagkakaroon ng PCOS? Paano kung buntis ka pala, at hindi mo ito nalalaman? Maaaring ikaw ay may cryptic pregnancy. Ito ay isang uri ng pagbubuntis na hindi agad natutuklasan kahit na ikaw ay nasa ikalawa o ikatlong trimester na.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang cryptic pregnancy, mga sanhi, sintomas, at ang mga posibleng epekto nito sa kalusugan ng ina at sanggol.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Cryptic Pregnancy?
Ang cryptic pregnancy na tinatawag ding stealth pregnancy, ay ang pagbubuntis na hindi agad natutukoy ng karaniwang pregnancy tests o medical scans. Dahil kadalasan ay walang malinaw na sintomas, o iniuugnay ang mga nararamdaman sa ibang kondisyon, kadalasan ay hindi alam ng isang babae na siya ay buntis. Umaabot pa ito minsan hanggang siya ay manganak.
Bagama’t bihira, hindi ito imposible. Ayon sa mga pag-aaral, isa sa bawat 475 na pagbubuntis ay hindi natutuklasan hanggang sa ika-20 linggo (limang buwan), habang isa sa 2,500 ay nadidiskubre lang sa mismong araw ng panganganak.
Mga Sanhi ng Cryptic Pregnancy
Ano ang Cryptic Pregnancy? Alamin ang Sanhi, Sintomas, at Posibleng Panganib
Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi agad natutukoy ang pagbubuntis. Narito ang mga pangunahing kondisyon o lifestyle factors na madalas konektado sa cryptic pregnancy:
1. Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)
Ang PCOS ay nagdudulot ng hormonal imbalance na maaaring maging sanhi ng irregular menstruation. Dahil dito, hindi napapansin ang missed period, isa sa mga unang palatandaan ng pagbubuntis. Maaaring maging sanhi rin ito ng negatibong resulta sa pregnancy test.
2. Perimenopause
Ang yugto bago ang menopause ay nagdudulot ng mga sintomas na kahawig ng pagbubuntis gaya ng mood swings, pagbigat ng timbang, at hot flashes. Dahil dito, maaaring ipagkamali ang tunay na sintomas ng pagbubuntis bilang normal na bahagi ng menopausal transition.
3. Paggamit ng Birth Control Pills
Marami ang naniniwalang protektado na sila sa pagbubuntis dahil sa pills. Ngunit hindi ito 100% effective. Maaaring ma-misinterpret ang mga sintomas ng pagbubuntis bilang side effects ng contraceptives, kaya hindi agad naiisip na buntis sila.
4. Pagbabago ng Hormones Matapos Manganak
Pagkatapos manganak, lalo na sa mga nagpapasuso, maaaring hindi agad bumalik sa normal ang menstrual cycle. Kapag hindi dumating ang period, madalas itong ipagpalagay na dahil lang sa breastfeeding, ngunit maaaring buntis na pala ulit.
5. Athletic Lifestyle
Ang sobrang aktibong pamumuhay ay maaaring magdulot ng delayed or missed periods. Maaaring bumaba ang estrogen levels na nagreresulta sa irregular cycles. Dahil dito, hindi agad naiisip ng atleta o physically active moms na sila ay buntis.
Mga Sintomas ng Cryptic Pregnancy
Sa isang typical pregnancy, may malinaw na sintomas gaya ng:
-
Missed period
AdvertisementLoading...You got lucky! We have no ad to show to you! -
Paglaki ng dibdib
-
Mood swings
-
Fatigue
Ngunit sa cryptic pregnancy, maaaring:
-
Hindi ka magkaroon ng missed period dahil irregular na ito.
AdvertisementLoading...You got lucky! We have no ad to show to you! -
Hindi mo maramdaman ang typical pregnancy symptoms.
-
Negative ang resulta ng pregnancy tests kahit buntis ka.
Minsan, ang konting sintomas ay naipagkakamali sa ibang bagay tulad ng stomach flu, stress, o epekto ng birth control.
Psychological Connection ng Cryptic Pregnancy
Ayon sa isang review mula sa Medical News Today (2011), may ilang psychological factors ding kaugnay ng cryptic pregnancy. Ayon sa mga eksperto, may dalawang pangunahing uri:
-
Psychotic denial – Konektado ito sa mga mental health disorders gaya ng schizophrenia o bipolar disorder. May mga sintomas ng pagbubuntis, ngunit hindi tinatanggap ang katotohanan.
AdvertisementLoading...You got lucky! We have no ad to show to you! -
Nonpsychotic denial – Nahahati ito sa tatlong:
-
Pervasive denial: walang ideya na buntis sila.
-
Affective denial: alam na buntis, pero walang emosyonal o pisikal na paghahanda.
-
Persistent denial: nalaman lang sa huling trimester pero hindi pa rin humihingi ng tulong medikal.
-
Kadalasan, ito ay konektado sa unplanned pregnancy, kung saan ang babae ay emotionally overwhelmed o psychologically unprepared.
Mga Posibleng Problema sa Panganganak
Ano ang Cryptic Pregnancy? Alamin ang Sanhi, Sintomas, at Posibleng Panganib
Isa sa pinakamalaking epekto ng cryptic pregnancy ay ang kawalan ng paghahanda. Kung hindi mo alam na buntis ka:
-
Hindi ka makakapag-prenatal check-up.
-
Walang sapat na nutrisyon para sa sanggol.
-
Posibleng manganak ka nang walang doktor o midwife.
-
Mataas ang risk ng komplikasyon sa labor at delivery.
May mga kaso kung saan ang unang senyales ng pagbubuntis ay ang mismong pag-labor na maaaring magdulot ng psychological distress at physical danger.
Puwede Bang Maiwasan ang Cryptic Pregnancy?
Oo, may mga paraan para mabawasan ang posibilidad:
-
Mag-monitor ng menstrual cycle lalo na kung irregular.
-
Gumamit ng pregnancy test kung may kakaibang nararamdaman.
-
Magpatingin sa doktor kung may sintomas pero negatibo ang test. Maaaring kailangan ng ultrasound.
-
Alagaan din ang mental health. Huwag ipagwalang-bahala ang stress o trauma na maaaring makaapekto sa katawan.
Ang cryptic pregnancy ay maaaring mukhang kwento lang sa pelikula o balita, pero ito ay totoong kondisyon na maaaring makaapekto sa kahit sinong babae. Mas mataas ang chance na magkaroon nito ang mga may irregular cycle, hormonal imbalance, o emotional stress.
Kung pakiramdam mo ay may kakaibang nangyayari sa iyong katawan, huwag ipagwalang-bahala. Magsagawa ng regular na check-up at kumonsulta agad sa doktor. Sa pagbibigay ng pansin sa sariling katawan, mas mapapangalagaan mo ang iyong sarili at ang iyong magiging anak.