Ano ang general community quarantine? Bakit nga ba ito itinaas sa ibang lugar at ano ang pinagkaiba nito sa Enhanced Community Quarantine?
Ano ang General Community Quarantine?
Ang General Community Quarantine o GCQ na inanunsyo ng gobyerno ay isang version ng Enhanced Community Quarantine na mas maluwag ang guidelines. Ito ay ipinatupad sa mga lugar na low-risk sa pagkalat ng COVID-19.
Ang pinagkaiba ng GCQ sa ECQ ay maaari nang mag-operate ang mga sektor sa ilalim ng agrikultura, fisheries, at forestry. Maari na ring magbukas ang mga tanggapan at opisina ng mga utility services at media companies.
Para naman sa mga pribadong sektor o ibang opisina tulad ng mga BPO, 50% ang papayagan na bumalik sa normal. Gayunpaman, ito ay naka-depende pa rin at maari pa rin silang abisuhan na mag-work from home.
Kaugnay naman ng pagbubukas ng mga malls, magkakaroon lamang ng limited operations at hindi pa rin puwedeng mamasyal. Maari lamang pumunta dito para bumili ng mga necessities.
Bagama’t mayroon pa ring social distancing, pinagbabawal pa rin ang mga nasa edad 1-20 at 60 pataas na lumabas ng bahay. Ganun na rin ang mga may sakit sa baga, puso o diabetes.
Mga lugar na nakasailalim sa GCQ
Mayroong tatlong dibisyon na ginamit para sa pagpapatupad ng GCQ. Ito ay ang moderate-risk areas, low-risk ares at moderate-risk areas na ine-evaluate pa lamang para sa GCQ.
Moderate-risk areas kung saan ipinapatupad na ang GCQ:
- Negros Occidental
- Negros Oriental
- Siquijor
- Davao del Sur
- Davao Oriental
- Sultan Kudarat
- Lanao del Sur
Low-risk areas kung saan ipinapatupad na ang GCQ:
- Apayao
- Mountain Province
- Ifugao
- Kalinga
- Ilocos Sur
- Batanes
- Quirino
- Aurora
- Palawan
- Romblon
- Camarines Norte
- Sorsogon
- Masbate
- Guimaras
- Bohol
- Biliran
- Eastern Samar
- Leyte
- Northern Samar
- Southern Leyte
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga Sibugay
- Bukidnon
- Camiguin
- Davao Occidental
- Sarangani
- Agusan del Sur
- Dinagat Island
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Basilan
- Sulu
Narito naman ang mga lugar na kasalukuyan pang ine-evaluate kung maaring ipasailalim sa GCQ:
- Abra
- Ilocos Norte
- La Union
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Marinduque
- Camarines Sur
- Aklan
- Capiz
- Samar
- Western Samar
- Zamboanga del Sur
- Lanao del Norte
- Misamis Occidental
- Misamis Oriental
- North Cotabato
- South Cotabato
- Maguindanao
Enhanced Community Quarantine extended hanggang May 15 sa Metro Manila
Sa kaugnay na balita, muli namang na-extend ang Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila at iba pang lungsod na high-risk sa COVID. Ito ay base sa pinaka-latest na salaysay ng pangulo. Ang COVID-19 Inter-Agency Task Force naman o IATF ay nakabantay sa mga pagbabago sa sitwasyon at dito matutukoy kung maari na nga bang ma-lift ang ECQ sa isang lugar o ibaba ito sa GCQ.
Gayunpaman, pinapayuhan ang lahat na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay at maging maagap sa panahong ito.
Source:
Basahin:
ECQ hanggang August, makakatulong sa hindi pagkalat ng COVID-19