Enhanced Community Quarantine extension, kailangan pa nga ba? Ilang araw bago tuluyang matapos ang ECQ, gobyerno nagde-desisyon pa kung ie-extend ito.
Enhanced community quarantine extension
Image from Freepik
Ayon kay President Rodrigo Duterte, nais muna niyang pag-isipan ang desisyon na ito. Kaya naman bigyan siya hanggang April 23, Huwebes para magdesisyon.
Sa naganap na pagpupulong kasama ang mga health experts, hindi umano naging sang-ayon ang karamihan na i-extend ang Luzon-wide lockdown. Para sa kanila, ang modified community quarantine ay sapat na. Ang ibig sabihin nito ay mare-relax ang quarantine at ang mga lugar na lubos na apektado na lamang ang magpapatuloy sa quarantine. Ito ay para makabalik na rin sa kani-kanilang mga hanapbuhay ang ating mga kababayan.
Sa pag-aaral ng University of the Philippines tungkol sa enhanced community quarantine extension, ganito rin ang kanilang naging suhestyon. Bukod kasi sa bumaba o bumagal na ang transmission ng COVID simula noong nagsimula ang quarantine, bumaba na rin ang fatality rate ng sakit. Ibig sabihin ay mas marami na ang nakaka-recover dito kaysa sa namamatay.
Posible bang umabot hanggang August?
Sa graph na ipinakita sa press conference ng Pangulo kahapon, makikita na naka-project hanggang August ang ECQ at nang dahil dito, makakamit natin na ma-flatten ang curve. O maubos ang kaso ng COVID at matapos ang transmission nito. Ito naman ay sa pamamagitan ng patuloy na intervention ng gobyerno.
Giit naman ng gobyerno, ang lockdown period kasi ay mahalaga para makapag-test pa ng mas maraming tao at ma-improve ang treatment capacity. Nangangamba rin ang Pangulo sa posibleng second wave ng sakit kung saan maraming maaring mas maapektuhan o mamatay dahil sa sakit.
Sakaling gawing modified ang community quarantine, narito ang mga lugar na mataas ang risk level at dapat umanong magpatuloy sa quarantine.
Image from up.edu.ph
48-hour hard lockdown
Bago tuluyang matapos ang enhanced community quarantine extension sa April 30, ilang lugar isinailalim naman sa hard lockdown.
Sa Sampaloc, Manila, nagdeklara na si City Mayor Isko Moreno ng 48-hour hard lockdown. Ang ibig sabihin nito ay hindi talaga puwedeng lumabas ng bahay ang mga tao. Maliban na lamang kung siya ay:
Image from Freepik
- Healthcare worker
- Police o militar
- Government employee
- Service worker, katulad ng mga pharmacist
- Barangay officials
- Media practitioners na aprubado ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force
Dahil sa pagtaas ng kaso sa distrito na ngayon ay nasa 99 na, magkakaroon umano ng disease surveillance, testing at rapid risk assessment sa distrito.
Ilang mga LGU, nagpapasiya rin kung dapat bang sumailalim sa 48-hour lockdown para magawa ang mga intervention.
Source:
University of the Philippines, GMA News, Rappler
Basahin:
Extended o modified quarantine? Maaaring mangyari sa susunod na buwan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!