Hindi pa man tapos ang COVID-19, mayroon na namang bagong sakit na nadiskubre sa China. Ano ang hantavirus? Nakamamatay nga ba ito tulad ng COVID?
Ano ang hantavirus?
Ang hantavirus ay isang sakit na dulot ng mga daga. Matagal na itong sakit na ito ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC pero muli lang itong nag-resurface nang isang Chinese ang nagpositibo dito at mamatay kamakailan lang dahil dito. Hindi naman daw dapat mag-alala dahil hindi ito tulad ng COVID na maaring maipasa sa pamamagitan ng human-to-human contact.
Ngumit ang lalaking nagpositibo sa nasabing sakit ay namatay habang nasa byahe siya papuntang Shandong Province at napag-alamang ang mga kasama niyang 32 na pasahero ay tine-test na ngayon para sa naturang sakit. Maaari raw mahawa sa sakit na ito sa pamamagitan ng ihi, dumi at laway ng nagpositibo rito. Sa mga rare na pagkakataon naman ay maari ring makuha ang sakit kapag nakagat ka ng daga.
Image from Twitter
Sintomas ng hantavirus
Ang sintomas ng hantavirus ay hindi agad-agad na nalalaman. Maaring tumagal hanggang 8 linggo at hindi mo pa rin matutukoy kung mayroon ka nito. Ngunit ang mga sintomas na puwede mong pagbatayan ay:
- Lagnat
- Mabilis na pagkapagod
- Muscle aches
Ito naman ang mga dagdag pang sintomas:
- Pagsakit ng iba’t ibang parte ng katawan tulad ng hita, baywang, likod at balikat
- Body chills
- Abdominal pain
- Pagsakit ng ulo
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Pagtatae
Sa malalang kaso ng sakit, mahihirapan ang infected na makahinga at kalaunan ay maaring magkaroon ng tubig sa kanyang baga.
Paano nahahawa rito?
Para maiwasan ang nasabing virus, hindi pa man ito kumakalat, nag-iingat lang. Maari itong makuha mula sa mga daga na infected nito. Hindi ito napapasa ng human-to-human pero mahalaga pa ring huwag ihawak sa mukha at bibig ang kamay dahil maari ring ma-infect kung aksidente kang makahawak sa dumi ng daga.
Image from Freepik
Hindi naman dapat mag-alala dahil hindi katulad ng COVID-19 ang sakit na ito. Mag-ingat lang tayo at palaging paalala na maghugas ng kamay palagi. Panatilihin lang na malinis din ang kapaligiran lalo na kung malapit ang inyong bahay sa mga estero o lugar kung saan madalas naglalagi ang mga daga.
SOURCE: CNBC TV
BASAHIN: Research explains why some people still go outside amid COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!