Ano ang haze at anu-ano ang masamang epekto nito sa kalusugan?
Haze warning sa Pilipinas
Nitong weekend ay kumalat ang paalala tungkol sa haze na nakarating na umano sa Pilipinas lalo na sa parteng Visayas at Mindanao.
Ang haze ay ang epektong dulot ng forest fire mula sa Indonesia at Malaysia. Ito ay nangyayari taon-taon sa mga nasabing bansa mula Hulyo hanggang Oktubre. Ang dry season period ng nasabing mga bansa.
Ayon sa imbestigasyon na naisagawa ng mga nagdaang taon, ang phenomenon na ito ay ginagawa ng sadya ng mga mamamayan ng Indonesia at Malaysia upang patayin ang mga peste sa pananim. Pati narin upang magkaroon ng mas malawak na lupain na kailangan para sa palm oil planting. Ang produkto na kung saan ang Indonesia ang itinuturing na biggest producer sa buong mundo.
May magandang epekto man ito sa industriya ng nasabing mga bansa, ang masamang epekto naman ng phenomenon na ito ay kumalakat sa buong Southeast Asia.
Ano ang haze?
Ang haze ay isang uri ng atmospheric phenomenon. Dahil dito ay nababawasan ang visibility ng paligid dulot ng mataas na presence ng usok, alikabok at iba pang airborne particles.
Kung titingnan ito ay parang fog o mist, ngunit ang haze ay hindi dulot ng weather condition kung hindi ng air pollution. At ito ay nagtataglay ng maliliit at dry air particles na maaring magdulot ng sakit kung mai-inhale ng mga tao.
Ayon sa Department of Health o DOH, ang haze na dulot ng forest fire mula sa Indonesia at Malaysia ay nagtataglay ng mga air pollutants tulad ng sulfur dioxide, nitrogen dioxide, ozone at carbon monoxide. Ang mga ito ay sobrang liliit na particles na maaring pumasok sa ating baga at maaring humalo sa ating dugo.
Ilan sa epekto ng short-term exposure mula sa mga nasabing air particles ay ang pag-atake ng existing lung conditions tulad ng asthma, pagkakaroon ng acute bronchitis na maari ring magdulot ng sakit sa puso sa isang tao.
Maari ring makaranas ng ubo, nasal congestion, sore throat, conjunctivitis, headache, dizziness, fatigue, skin irritation, eczema pati na mild eye irritation ang sinumang mai-expose dito.
Kaya naman paalala ng DoH ay mag-ingat ang lahat sa masamang epekto ng haze. Lalo na ang mga buntis, bata, matatanda pati na ang mga mayroong sa sakit sa baga at puso.
Mga dapat gawin para maiwasan o mabawasan ang exposure sa haze
Ayon kay Health Secretary Dr. Francisco Duque III, makakabuti kung babawasan muna ng publiko ang kanilang outdoor activities lalo na sa mga lugar na kumpirmadong naapektuhan ng haze. Kung hindi naman ito maiiwasan ay dapat gumamit ng dust mask tulad ng N95 mask para sa kanilang proteksyon.
Iwasan din daw ang pamamalagi sa mga low-lying areas. Dito kasi maaring matipon ang usok na may taglay ng mga nasabing suspended particles na masama sa kalusugan.
Dagdagan rin daw ang pag-iingat sa pagmamaneho lalo na sa mga low-visibility areas.
Sa oras naman na nakaranas ng hirap sa paghinga at iba pang sintomas na dulot ng haze ay agad na magpunta sa pinakamalapit na health facility upang mabigyan ng karapatang medikal na atensyon.
“I ask the public to minimize their outdoor activities and refrain from strenuous physical activities once haze is confirmed in their area. If this is unavoidable, use a dust mask such as an N95 mask.”
“I advise patients with difficulty of breathing, chest pain and increased tearing of the eyes to consult a doctor or go to the nearest health facility immediately. Our health facilities are ready to address their concerns.”
Ito ang mga pahayag ni Duque.
Source: AirGo2, Department of Health, BBC News
Photo: Alex Gindin on Unsplash
Basahin: The effects of haze on our health
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!