Ano ang implantation bleeding: Mga sintomas na kailangang bantayan
Ano ang implantation bleeding at kaibahan nito sa menstruation?
Lahat ng nanay ay naghahangad ng good news lalo na kung nais na nilang magbuntis ulit. Gayunpaman, may pagkakataon talaga na maaaring buntis kana ng hindi mo nalalaman. Ano ang sintomas ng implantation bleeding? Buntis na bang maituturing ang isang babae sa ganitong sitwasyon?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang implantation bleeding?
- Ano ang sintomas ng implantation bleeding?
- Pagkakaiba ng implantation bleeding, spotting at menstruation
- Mga dapat iwasang pagkain ng buntis
Narito ang ating usapin patungkol sa sintomas ng successful na implantation. Pero bago ang lahat..
Ano ang implantation bleeding?
Ang unang parte ng pagbubuntis ay kapag ang sperm ay nakapasok na sa egg na nasa loob ng fallopian tube. Pagkatapos nito, ang cell ay mahahati sa maraming parte hanggang tumaas ang numero nito.
Ang fertilized egg na ito ay pupunta sa uterus at dito na lalaki hanggang maging blastocyst. “The blastocyst then burrows and embeds itself into the uterine tissue: and this is known as implantation.”
Sa katunayan, nangyayari ang implantation kapag malapit na ang petsa kung kailan ka nagkaka-period. Kaya naman marami ang nalilito kung ito ba ay menstruation o maagang sintomas ng pagbubuntis.
‘Wag mag-alala moms-to-be! Sasagutin natin isa-isa ang sintomas ng implantation at kung ano ang pagkakaiba nito sa regular na period.
BASAHIN:
Think you’re pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!
Sintomas ng implantation bleeding
Narito ang sintomas ng successful na implantation:
1. Cramps
Kapag matagumpay na nag-implant ang blastocyst, makakaramdam ka ng kaunting cramps o discomfort. Ito ay dahil ang blastocyst ay ibinaon na ang sarili sa uterine wall.
Kumpara sa cramps na nararanasan kapag menstruation, ang sintomas na ito ay mas mild at maaari lang tumagal ng isa hanggang dalawang araw.
2. Spotting
Ang implantation bleeding ay kilala rin bilang spotting. Isa itong senyales ng maagang pagbubuntis. Maaaring maranasan ito mula 10 hanggang 14 days ng conception. Kadalasan itong dumadating kapag malapit na ang petsa kung kailan ka nagkaka-period.
Ano ang pagkakaiba ng bleeding, spotting at period?
May pagkakaiba ang implantation bleeding sa regular na menstruation. Narito ang ilan sa kanila:
- May pagkakaiba sa kulay. Ang dugo ng period ay kadalasang dark red. Habang ang implantation bleeding naman ay pale pink o rust-brown.
- Walang clot. Kumpara sa regular na period, ang implantation bleeding ay hindi gumagawa ng blood lot.
- Mas maiksi kaysa sa menstruation. Ang normal na period ay tuamtagal ng tatlo hanggang pitong araw. Habang ang implantation bleeding naman ay mas maiksi. Maaaring tumagal ng ilang oras hanggang tatlong araw.
- Hindi malakas kaysa sa menstruation. Kayang punuin ng dugo mula sa period ang sanitary pad o tampon. Ngunit ang implantation bleeding naman ay hindi ganito kalala. Ang salitang “bleeding” ay dahila sa kulay na pinkish o brownish discharge na lumalabas dito. Kung malakas man, maaaring hindi kayanin nito ang pantyliner.
Ano ang implantation bleeding? Iba pang sintomas nito
Implantation, sa madaling salita, isang senyales ng kompirmasyon ng ikaw ay buntis na. Ang cramps at spotting na nararanasan mo ay dahil sa matagumpay na implantation na siyang unang senyales ng pagbubuntis.
Narito ang ilang early signs ng pregnancy na mararanasan mo.
- Delayed na period. Kung regular naman ang iyong period o dumadating buwan-buwan at bigla ka na lamang hindi dinatnan, maaaring ikaw ay buntis na.
- Sensitibong suso. Kung mapapansin mong tila namamaga ang iyong suso o kaya naman masakit, isa itong maagang senyales ng pagbubuntis. Sapagkat ito sa pagbabago ng hormone secretion.
- Pagiging moody. Mararamdaman mong naging sensitibo ka kumapara dati. Ang pagiging moody ay isang maagang senyales ng pagbubuntis. Ang pagbabago ng emosyon na ito ay dahil sa hormonal adjustments.
- Pag-ayaw sa ibang pagkain. Hindi maiiwasan sa pagbubuntis ang pagiging sensitibo ng kanilang panlasa o pang-amoy. Partikular na pagdating sa pagkain.
- Pakiramdam na ikaw ay bloated. Hindi lang nararanasan ito bago ang regular menstruation. Maaaring maranasan din ito ng ibang nanay sa unang araw o linggo ng kanilang pagbubuntis. Gawa ito ng hormonal alterations.
- Baradong ilong. Sa patuloy na pagbabago ng iyong hormones, ito ay maaaring magdulot ng pagbabara ng membrane sa iyong ilong. Asahan na rin ang nose bleed.
- Constipated. Ang pagbabago ng iyong hormones ay maaaring maka-epekto sa digestive system ng isang babae. Hanggang sa magdulot na ng indigestion.
Ugaliing bisitahin ang iyong doktor kung mayroon kang pag-aalala tungkol sa iyong period. Makakatulong ito para mabigyan ka ng wastong guidance kung ikaw ay buntis.
5 early signs ng pregnancy
1. Labis na pagkapagod
Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.
Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”
2. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.
Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.
3. Pagiging sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone.
Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.
4. Cramps
Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception.
Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.
5. Pagkahilo
Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na.
Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.
Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.
Mga dapat iwasang pagkain ng buntis
Narito ang mga pagkaing maaaring magdulot ng pagkakunan:
1. Kape at iba pang caffeinated drinks
May ibang doktor na nagsasabing okay lang na uminom ng black coffee, tea at soft drink ang isang buntis. Ngunit tandaan, ito ay hindi pwede sa lahat. Kung ang iyong pagbubuntis ay sensitive, mas makakabuti kung iwasan mo muna ang mga caffeinated drinks.
Kung ang iyong doctor naman ay binigyan ang approval na uminom ng kape o tea sa isang araw, laging isaisip lamang na ang caffeine ay diuretic. Ibig sabihin ay madaling makapagpalabas ng fluid sa iyong katawan. Kaya mas mabuting uminom ng maraming tubig para na rin mapunan nito ang mga fluid na nilababas dahil sa caffeine.
2. Madumi at hindi hugas na pagkain
Ugaliing hugasan ang mga pagkaing ihahain. O kaya naman lutuin ito ng mabuti. Hindi ito namamalayan ng lahat ngunit may masamang epekto rin sa pagbubuntis ng isang babae ang hindi hugas o hundi lutong pagkain.
3. Raw food
Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain din ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby.
Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.
4. Raw egg
Maraming pagkain ang kalahok ay hilaw na itlog. Ngunit alam mo ba na ito ay maaaring sanhi ng salmonella? Ang mga sintomas nito ay pananakit ng tyan at pagtatae. Kapag nakaramdam ka na parang may iba sa tiyan mo, hindi maaalis sa isang buntis ang makaramdam ng stress o pagkabahala.
Iwasan na ang hilaw na itlog na maaaring makapagdulot ng Salmonella
5. Isda na may mataas na mercury content
May benefits sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.
Ayon sa Mayo Clinic, ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackaerel o tile fish.
6. Alak
Ayon sa mga medical experts, lahat ng uri ng alak ay talagang makakasama sa kalusugan ng baby mo. Mayroon rin itong negative benefits para sa brain cells ng baby mong kasalukuyan mong pinagbubuntis.
Para makasiguro, ‘wag na lang uminom ng alak sa mga buntis. Isa ang alak sa dahilan sa pagkakunan. Maaaring ang anak mo ay magkaroon ng Fetal Alcohol Syndrome.
Sources: