Third trimester (28-40 linggo ng pagbubuntis)
Larawan mula sa iStock
8. Stretch marks.
Sa stage na ito ng pagbubuntis ay nagpapatuloy pa rin ang mga pagbabago sa suso na nararanasan mula sa first trimester. Mas lumalaki pa rin ang suso at bumibigat at patuloy pa rin ang pagbabago sa itsura ng utong ng isang buntis. Mabilis din ang tissue growth dito na nagiging dahilan upang mag-stretch ang suso at magkaroon ng
stretch marks ang buntis.
Ayon sa mga research, ito ay nararanasan ng 50-90% ng mga babaeng nagdadalang-tao. Subalit hindi lang sa suso maaari itong mapansin. Maaari rin itong mapansin sa tiyan at binti ng babaeng buntis.
Ang mga pagbabagong nabanggit sa suso habang buntis ay paghahanda sa pagdating ng iyong sanggol. Ito ay ang normal na reaksyon ng katawan upang maihanda ang iyong suso sa breastfeeding.
Kaya naman pagkapanganak ay huwag magdalawang-isip na pasusuin ang iyong sanggol. Ibigay sa kaniya ang mga nutrients mula sa iyong suso na mas magpapatibay ng kaniyang resistensya at katawan.
Karaniwang sintomas at iba pang dahilan ng pag-itim ng nipples ng babae kahit hindi naman buntis
Kasama ang pagbubuntis sa ilang dahilan ng pag-itim ng nipples niyo mga mommies. Alamin ang iba pang dahilan at mga sintomas ng pag-itim ng nipples.
-
Puberty o panahon ng pagdadalaga
Unang mapapansin ang pag-itim ng nipples sa panahon ng puberty o pagdadalaga ng mga babae. Kasabay nito ay ang pag-produce ng hormone na estrogen ng iyong mga ovaries.
Ang pagbabagong hormonal na ito ay nagtutulak rin sa mga suso mo na mag-accumulate ng fats sa breast tissues. Habang lumalaki at nagde-develop ang suso mo, ang mga nipples ay maaaring mas maging tayo at mas umiitim.
Kasabay ng pagdadalaga ay ang pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla. Kapag nagsimula kang mag-ovulate, nagsisimula na ring magkaroon ng pagbabago sa iyong suso.
Nagma-mature ang iyong mga suso at nagkakaroon ang mga ito ng glands sa dulo ng milk duct. Dahil sa estrogen at progesterone, lumalaki ang iyong suso at namamaga bago o pagkatapos ng iyong regla.
-
Paggamit ng oral contraceptives
Ang pag-inom ng birth pills ay nagiging sanhi rin ng pag-itim ng nipples mo dahil naglalaman ito ng estrogen at progesterone. Natural na lumilitaw ito sa iyong katawan.
Kapag umiinom ka ng supplements, naaapektuhan nito ang iyong nipples at areola ng suso, tulad ng nangyayaring pagbabago sa iyong pagdadalaga, regla, o iba pang pagbabago ng hormones.
Kapag ikaw ay nabuntis, naghahanda ang iyong mga suso para mag-produce ng gatas para kay baby. Sa pamamagitan ng estrogen at progesterone, nagde-develop ang suso mo ng milk duct system.
Umiitim ang areolae at sasakit ang iyong suso, malambot, o kaya ay namamaga. Sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis mo, nagpo-produce ang iyong suso ng
colostrum.
Kahit pasusuuin mo man o hindi si baby, mangingitim ang iyong areolae pagkatapos ng panganganak. Ilan sa mga scientist ang nagkaroon ng hinuha na ‘di nakakakita nang mabuti ang mga baby. Ngunit, naaaninag nila ang maliwanag at madilim.
Kaya, ang maitim na areolae ng iyong suso ang naaaninag nila patungo sa iyong nipples na pagmumulan ng kanilang gatas. Kasabay ng iba pang pagbabago sa pigmentation habang nagbubuntis, magbabalik sa normal ang iyong nipples pati ang kulay nito sa paglipas ng panahon.
Ang hyperpigmentation ng balat ng tao ay posibleng sintomas ng diabetes. Nag-dedevelop ang pag-itim o darken ng balat dahil sa pagtanggi sa insulin.
Ang kondisyong ito ay tinatawag na acanthosis nigricans. Madalas na naaapektuhan ng kondisyong ito ang iyong kili-kili, singit, leeg, at mga balat sa binti.
Ang areolae rin ng iyong suso ay mangingitim at pwede ring magkaroon ng velvety plaques o pangingitim na may pangangapal ng balat. Sa ibang pagkakataon, ang pinakadelikadong dahilan ng pangingitim ng nipples ay isang uri ng kanser.
Paano solusyonan ang pag-itim ng utong o nipples?
Mas tatalakayin natin ang ilan sa mga natural na pampaputi ng nangingitim na utong. Pero, ipinapaalala pa rin ang paghingi ng advise sa inyong doktor.
Ang paggamit ng lemon juice at/o kalamansi ay isa sa mga substance na natural na puwedeng gamiting pampaputi sa mga singit-singit. Pahiran ng katas ng lemon o kalamansi gamit ang bulak ilang beses araw-araw ang inyogn areolae at nipples.
Maaari rin ang pag-blender ng almond at gatas saka ipapahid sa area ng areaola at nipples.
Hinihinalang nakakapagpaputi at nakakalambot ng balat ang concoction na ito kapag in-apply sa iyong areaolea at nipples isang oras kada araw.
Ang ilang mga solusyong ito ay parallel lamang sa epekto nito sa balat na posible ring maging pampaputi ng inyong nipples. Itanong pa rin sa inyong doktor kung ito ba ay epektibo at safe na gawin lalo na sa mga buntis.