Marami ang nagtatanong kung ano ba ang Mycoplasma Genitalium (MG). Ang kondisyon na ito ay sexually transmitted infection (STI) na may pagkakatulad sa chlamydia.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang mycoplasma genitalium?
- Paano ko malalaman kung mayroon na akong mycoplasma genitalium?
- Paano nagagamot ang mycoplasma genitalium?
Maaari kang magkaroon ng Mycoplasma Genitalium nang hindi mo nalalaman. Maaaring magkaroon nito ang lalaki at babae. Ngunit ‘wag mag-alala dahil may ibang kaso naman na nagagamot ito sa tulong ng antibiotics.
Gayunpaman, hindi katulad ng chlamydia, bilang lang ang ating antibiotics para magamot ito. Sa kasamaang palad, ang mga antibiotics na maaaring magamit natin sa MG ay maaaring magkaroon din ng seryosong side effects.
Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa STI.
Ano ang mycoplasma genitalium?
Maaaring tamaan ng Mycoplasma Genitalium ang mga babae at lalaki. Pwede rin itong maipasa gamit ang body fluids sa pamamagitan ng pagtatalik (via penile-vaginal sex o via penile-anal sex). Habang ang transmission via oral sex naman ay hindi masyadong dapat ikabahala.
Maraming pag-aaral ang nagsasabing common disease ang MG katulad ng chlamydia.
Ayon sa datos mula sa UK and US, nasa 1-2% ng populasyon ng mga matatanda ay mayroon nito. Pangkaraniwang nakikita ito sa mga babae at lalaki.
Sa research na isinagawa, ang mga babaeng dumaan sa pagsusuri, 6% sa kanila ay nagkaroon ng MG. Pangkaraniwan ito katulad ng chlamydia (7%). 10% naman ang kinalabasan ng pagsusuri sa mga gay na nagkaroon ng MG na walang naranasang sintomas.
BASAHIN:
STD (Sexually Transmitted Disease): Mga karaniwang sintomas nito
Paano ko malalaman kung mayroon na akong mycoplasma genitalium?
May pagkakatulad ang sintomas ng MG sa chlamydia. Kaya naman mas mabuting kumunsulta sa iyong GP o sexual health clinic para sa checkup. Ito ay dahil halos magkatulad ang sintomas ngunit magkaiba ang paraan ng paggamot.
Kung ikaw ay lalaki at may nararanasang kakaiba, maaari ang sintomas na ito ay maging mild hanggang moderate:
- Mild irritation, pagkati o burning feeling kapag umiihi
- Penile discharge na maaaring malinaw o parang nana
Kung ikaw ay babae ay may nararanasang sintomas:
- Vaginal discharge
- Pagdudugo o nakakaranas ng sakit kapag nakikipagtalik
- Abdominal pain (maaaring senyales din ng pelvic inflammatory disease)
Kung ikaw naman ay babae o lalaki na nakaranas ng anal sex, narito ang maaaring maranasang sintomas:
- Pangangati o pananakit ng puwit
- Anal discharge
- Pagdudugo ng puwit
Bilang bahagi ng pagsusuri, ang iyong doktor ay kukuha ng urine sample sa lalaki at vaginal swab naman sa mga babae. Habang ang parehong kasarian na nakaranas ng anak sex ay dadaan sa rectal swab. Maaari namang ikaw mismo ang gumawa nito. Ang makukuhang samples ay dadalhin sa laboratory upang masuri.
Paano ito nagagamot?
Kapag ikaw ay na-diagnosed na sa impeksyon na ito, kinakailangan mong uminom ng oral antibiotics sa loob ng dalawang linggo. Sa kasamaang palad, asahan mo nang dadaan ka sa maraming pagsusuri para tuluyang magamot ang impeksyon.
Ang ilang antibiotics ay may side effects katulad ng abnormal na pagtibok ng puso, pagkasira ng tendon o nerve.
Paano kung hindi ito magamot?
Kung hindi magagamot ang impeksyon sa mga babae, maaaring mag-iwan ito ng maraming komplikasyon. May iba na pwedeng magkaroon ng pelvic inflammatory disease.
Ang sakit na ito ay may kaugnayan sa infertility. Kung ikaw naman ay buntis, maaaring makaranas ng premature birth o miscarriage kung papabayaan na lamang ang impeksyon sa katawan.
Kung hindi magagamot ang impeksyon sa mga lalaki, wala namang naitalang komplikasyon sa kanila. Subalit ang pangunahing risk nito ay maaaring maapektuhan ang mga partner nila. Para naman sa mga gay men, may mga datos na nagpapakita ng ugnayan ng MG at HIV ngunit wala pang konkretong paliwanag dito.
Kailangan ko bang magpa check-up kahit hindi nakakaranas ng sintomas?
Sa screening, kailangan ay handa at confident ka sa mga mangyayari katulad sa paggamot ng impeksyon. Hindi naman delikado ang mangyayaring medikasyon kumpara sa impeksyon na kailangang tanggalin. Buksan ang isip at intindihin ang mga maaaring mangyari.
Ang MG ay wala masyadong sintomas at hindi pa nalalaman ng buo kung paano nakapagdadala ng pinsala ang impeksyon. Ngunit gaya ng nabanggit sa taas, hindi ito nalalayo sa chlamydia.
Mabilis lumaban ang mga microorganism sa antibiotics kapag nagpapagaling kaya naman marami ang kailangang pagdaanan na gamot. Hindi katulad ng chlamydia na talagang mabilis gamutin.
Hindi lang antibiotics ang may side effects kundi pati na rin kung paano apektuhan ng bacteria ang bituka ng tao. Ang bacteria na ito ay healthy sa katawan at sa pag-inom ng antibiotics, pati sila ay naaapektuhan din.
Catriona Bradshaw, Professor, Head of Research Translation and Head of the Genital Mycoplasma and Microbiota Group, Monash University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano