11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito
What is preterm labor? Narito ang listahan kung ano ang mga dapat malaman at paano maiwasan ang preterm labor. Mabuting alamin ito!
Lahat ng pagbubuntis ay may binibigay na due date. Mas magandang malaman ng isang mother-to-be kung kailan siya manganganak at kung kailan niya na makikita ang kanyang anak. Ngunit kadalasan, hindi nasusunod ang inaasahang due date ng isang ina. Minsan, mas napapaaga ng 2 weeks o higit pa ang panganganak ng isang buntis. Ito ang kailangan mong malaman patungkol sa kung ano ang preterm labor.
“Preterm labor is having labor pains or uterine contractions that lead to the opening up of the cervix between 20 weeks and less than 37 completed weeks of pregnancy,” -Dr. Katleen Del Prado, obstetrician-gynecologist
Ang maagang panganganak ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng premature baby.
Ano ang preterm labor? 11 na bagay na dapat tandaan sa preterm labor
Ano nga ba ang preterm labor at mga bagay na dapat tandaan tungkol rito? Inilista namin ang ilan patungkol sa kung ano ang preterm labor. Ito ang mga sumusunod:
1. Ang preterm labor ay hindi nakakasama sa ina
Ayon sa World Health Organization (WHO), halos 15 million na mga baby ang ipinapanganak na premature kada taon. Ang 1 million naman sa kanila ay namamatay sa komplikasyon na dulot ng preterm birth.
Dagdag pa nila na ang prematurity ang nangungunang sanhi ng mga namamatay na bata sa edad na lima pababa sa buong mundo.
2. Ang pagbubuntis sa twins o triplets ay may mataas na tiyansa sa preterm labor
Ang pagdadala ng maraming baby sa sinapupunan ay dahilan ng pagiging overstretch ng uterus.
Iba pang factors:
- Kapag ang ina ay mayroong high blood pressure, preeclampsia, diabetes, anemia, o blood clotting disorders
- Pagkakaroon ng premature baby dati
- Pagbubuntis sa gamit ng vitro fertilization (IVF)
- Pagkakaroon ng problema sauterus, cervix at placenta
- Pagbubuntis agad ng maaga ng wala pang 6 months pagkatapos manganak
- Kulang sa prenatal care
- Pagiging overweight at underweight bago magbuntis
- Pagsisigarilyo, pag inom ng alak o paggamit ng illegal drugs habang nagbubuntis
- Chronic stress
Ayon sa American Pregnancy Association, ang premature labor ay kadalasang nangyayari sa 12% ng ibang pagbubuntis. Ngunit mataas ang tyansa na magkaroon ng ganito ang isang ina kung mayroon siya ng mga sumusunod:
- Pagdadala ng maraming anak (triplets o highit pa)
- Nakaranas na ng premature birth
- Abormal na cervix
3. Maaaring makaranas ng preterm labor ang isang buntis kahit na wala itong mga ganitong sintomas.
4. Maaaring makapagdulot ng preterm labor ang infections.
Ayon kay Dr. del Prado,
“The most common causes are urinary tract infection (UTI) and cervico-vaginal infections, but infections elsewhere, like in the lungs for pneumonia or in the mouth for periodontal disease, can trigger preterm labour as well.”
Ang iba pang maaaring makapagdulot ng preterm labor ay:
- Matinding pagstretch ng uterus. Katulad ng pagkakaroon ng madaming tubig o masyadong malaki ang baby.
- Pagbuka ng cervix kahit na walang nangyayaring uterine contractions. “This is actually not under the classification of preterm labour but is a very significant cause of preterm delivery,” ayon kay Dr. del Prado
- Tuloy-tuloy na panganganak ng preterm.
Marami ang maaaring maging sanhi ng preterm labor. Dagdag pa ni Dr. del Prado,
“We must understand how labour works. Labour happens because of uterine contractions and opening up of the cervix. The basic mechanism is that of inflammation, muscle stretch, and opening of the cervix either spontaneously or secondary to the contractions.”
5. Ang mga warning signs ng preterm labor ay katulad din ng sintomas kapag manganganak
Ito ang mga:
- Menstrual cramps
- Pananakit ng likuran
- May lumalabas na tubig sa iyong ari. Ito ay dahil pumutok na ang iyong panubigan
- pelvic or lower abdominal pressure
- Vaginal spotting o pagdurugo
- Pagbabago ng vaginal discharge (maaaring tubig, dugo o mucus)
- Diarrhea, nausea o pagdurumi
Makakaramdam ng pananakit ang isang babae katulad na lamang sa nanganganak na babae.
“The contractions usually happen hourly, then the interval in between shortens, until it becomes every two to three minutes. The pain is like the pain we feel during menses in the lower belly and radiates to the lower back. There is watery or a bloody-mucoid type of vaginal discharge. There are contractions of the uterus and opening up of the cervix upon digital internal examination by the doctor.”
Agad na ipaalam ito sa iyong doctor kung sakaling makakaranas ka ng sintomas ng preterm labor.
6. Maaaring mapigilan ng doctor ang preterm labor
Ayon kay Dr. del Prado, maaaring magbigay ang isang doctor ng medication para ma delay ang delivery o mapanatili ang sanggol sa sinapupunan hanggat wala pa ito sa tamang oras ng paglabas.
“Choice of medications is highly individualised because these are not without side effects, and hence, cannot be overly prolonged. Response to these medications depends also on the patient, who may or may not be admitted depending on the case,”
7. Minsan, tumitigil ng kusa ang preterm labor
Ayon sa American College of Obstetrics and Gynecology (ACOG). The Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Nangyayari ito sa 3 out of 10 na mga kababaihan.
8. Maaaring ma-schedule ang preterm labor
Oo, ang ganitong uri ng pangangak at hindi laging biglaan. Ayon sa National Health Service (NHS), ang ibang baby ay mas ligtas na ipanganak ng maaga. Nangyayari ito kung ang nanay ay may high blood pressure katulad ng preeclampsia.
9. Isinasagawa ang pelvic exam ng iyong doctor upang makumpirma ang preterm labor
Ang iyong doctor ay titignan ang iyong cervix at imomonitor ang maaring pagbabago. Katulad na lamang kung ang iyong cervix ay numipis. O kaya naman bumukas ang iyong cervix na makakapagdulot sa sanggol na pumasok sa birth canal. Susuriin ka ng iyong doctor ng ilang beses bago ang iyong panganganak.
10. Management of preterm labor is highly individualised
Ang mga nanay ay may kanya-kanyang history, risk factor at experiences sa panganganak. May iba na hindi agad nanganganak katulad ng kailangan pa ng cervical cerclage or a cervical stitch. Isa ito sa mga treatment kung mahina ang iyong cervix. Maaari itong mapigilan ang miscarriage at premature birth.
Maaari kang makatangggap ng isa o madaming treatment at medication sa iyong doctor upang mapatigil o ma-delay ang iyong maagang panganganak. Mas mabuti kung makaktanggap ka ng professional medical care sa iyong pagbubuntis.
“Those with previous preterm birth/s must be managed by obstetricians and deliver their babies in the hospital.” -Dr. del Prado.
11. Maaari mo itong mapigilan kung magiging aware ka sa mga risk factor
Umpisahan sa pagkakaroon ng maagang prenatal care sa iyong perinatologist o high risk pregnancy expert.
Ito ang mga steps na maari mong gawin upang mapababa ang tyansang mapaaga ang iyong panganganak.
- Magsagaw ng balance diet at kumain ng healthy foods.
- Uminom ng vitamins/supplements kung kinakailangan.
- Magsumikap upang makuha ma-achieve ang iyong ideal weight bago mabuntis. Lalo na kung kailangan mong magbawasng timbang o magpataba.
- Iwasan ang tobacco, illegal drugs at alak.
- Magpakonsulta sa iyong doctor tungkol sa iyong high blood pressure and diabetes.
- Magpahinga at matulog
- Iwasan ang stress, mabigat na gawain at matagal na pagtayo.
Sa kabuuan, mahalagang laging puntahan ang schedule sa iyong OB kapag buntis ka. Para hndi magkaroon ng mga kumplikasyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng prenatal care para masiguro na malusog ang iyong pagbubuntis. Gayundin, maging healthy kayo ni baby.
Obstetrician-gynecologist Katleen del Prado, MD, FPOGS, FPSMFM is a perinatologist and high risk pregnancy specialist who practices in Lucena City, Quezon, Philippines. You can find her on Facebook: Katleen Del Prado, MD-ObGyn
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote