Sepsis: Sanhi, sintomas, lunas at paano maiiwasan ang karamdamang ito
Importanteng malaman kung ano ang sepsis at ang sintomas nito, upang agad na maagapan at mapigilan bago pa lumala. Sapagkat maaari itong makamatay.
Mayroon tayong kasabihan na ang kalusugan ay kayamanan. At para sa mga magulang, tunay na kayamanan ang pagiging malusog at malakas ng kanilang mga anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang sepsis?
- Anu-ano ang mga sintomas ng sepsis?
- May long-term effects ba ito?
Kaya importanteng alamin ng mga magulang kung anu-ano ang mga sintomas ng iba’t-ibang karamdaman, lalo na ang sintomas ng sepsis, upang masiguradong ligtas ang kanilang mga anak.
Ngunit bago ang lahat, ano nga ba ang sepsis?
Ano ang sepsis?
Ang sepsis ay isang kondisyon na nangyayari dahil sa pag-responds ng katawan sa isang infection. Madalas, kapag nagkakaroon ng sakit ang isang tao ay naglalabas ng mga kemikal ang katawan upang labanan ang sakit.
Ngunit sa sepsis, sumosobra ang mga kemikal na ito. At sa halip na makatulong ay ang mga kemikal pa na ito ang sisira sa katawan at magdudulot ng mas matinding sakit.
Hindi nakakahawa ang sepsis sa ibang tao. Gayunpaman, ang isang impeksyon ay maaaring humantong sa sepsis, at maaari maihawa impeksyon sa ibang mga tao.
Ayon sa impormasyon ng Centers for Disease Control and Prevention, kahit sino ay maaaring makakuha ng impeksyon at halos anumang impeksyon at halos anumang impeksyon, kabilang ang Covid-19 ay maaaring humantong sa sepsis.
Nakamamatay ang sakit na ito kapag napabayaan. Ang sepsis ay posibleng mangyari kahit kanino, ngunit madalas itong tumama sa mga sumusunod:
- Mga matatanda
- Mga buntis
- Batang edad 1 pababa
- Mga mayroong mahinang immune system
- Taong may diabetes, sakit sa kidney o baga, at cancer
Inilabas noong September 9, 2020 ng World Health Organization (WHO) ang kauna-unahang ulat tungkol sa global epidemiology ng sepsis, tinataya na 1 sa 5 na tao ang namamatay sa buong mundo dahil sa impeksyon na dulot nito.
Ipinapakita ng data mula 2017 na ang sepsis ay nakaapekto sa 49 milyong katao at humigit kumulang 11 milyong pagkamatay sa buong mundo – halos 20% ng annual global deaths.
Inihayag din ng ulat na ang sepsis ay kadalasang tumatama sa mga batang naninirahan sa middle-income countries.
Dalawampung milyon ng lahat ng tinatayang mga kaso ng sepsis sa buong mundo, at 2.9 milyong pagkamatay, nangyari sa mga batang wala pang 5 noong 2017, habang humigit kumulang na 85% ng mga kaso ng sepsis at mga kaugnay na pagkamatay ang naganap sa mga bansang may low-resource setting.
Sanhi ng sepsis
Ayon sa Christopher and Dana Reeves Foundation ang sepsis – tinatawag din na pagkakalason ng dugo o systemic inflammatory response syndrome (SIRS) – ay isang nakakamatay na kondisyon na buhat sa pagtugon ng katawan sa mga impeksyon na nagpinsala sa sarili nitong mga tissue at organ.
Ang kondisyong ito ay humahantong sa shock, hindi paggana at kamatayan ng maraming mga organ, lalo na kung hindi natutuklasan nang maaga at agad na nagamot.
Sa mga indibidwal na may paralysis, maaari itong mag-umpisa bilang isang urinary tract (bladder o pantog) na impeksyon, pneumonia, isang sugat, pressure ulcer o iba pang impeksyon. Kung hindi makontrol kung nasaan mismo ang impeksyon, ito ay maaaring kumalat sa buong katawan.
Ang Septic shock ay matinding sepsis na dulot ay biglang pagbaba ng presyon ng dugo at hahantong sa ‘di paggana ng organ. Ang parehong sepsis at septic shock ay parehong nakakamatay. Pinakanagtatagumpay ang paggamot sa loob ng unang oras ng onset.
Ang bacterial infection ay ang pinakakaraniwang sanhi ng sepsis. Maaari ring sanhi ng fungal, parasitic, o viral infection. Ang pinagmulan ng impeksyon ay maaaring magmula sa alinamang bahagi ng katawan.
Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng katawan na karaniwang pinagmumulan ng sepsis:
-
Tiyan
Impeksyon ng apendiks (apendisitis), mga problema sa bituka, impeksyon ng lukab ng tiyan (peritonitis), at impeksyon sa gallbladder o atay.
- Central nervous system
Mga impeksyon sa utak o utak ng galugod.
-
Baga
Mga impeksyon tulad ng pulmonya.
-
Balat
Ang bakterya ay maaaring pumasok sa balat sa pamamagitan ng mga sugat o pamamaga ng balat, o sa pamamagitan ng mga bukana na ginawa gamit ang intravenous (IV) catheters (tubes na ipinasok sa katawan upang ibigay o maubos ang mga likido). Ang mga kundisyon tulad ng cellulitis (pamamaga ng nag-uugnay na tisyu ng balat) ay maaari ding maging sanhi ng sepsis.
-
Urinary tract
Ang mga impeksyon sa ihi
BASAHIN:
Sintomas ng Sepsis
Sa maagang stage ng sepsis, ay madalas hindi agad kapansin-pansin ang mga sintomas nito. Kaya nga mas nakababahala ang sakit na ito, dahil madaling mapagkamalan na sintomas lang ito ng ibang karamdaman.
Ang sepsis ay madalas na nangyayari matapos gumaling sa sakit ang isang tao, kaya importanteng bantayan pa rin ang kalusugan ng iyong anak, lalo na kung kagagaling lang sa sakit.
Heto ang ilang mga sintomas na dapat tandaan:
- Pagbabago ng ugali na hindi maipaliwanag
- Pagbagsak ng blood pressure
- Mabilis na paghinga
- Pagiging drowsy o kaya inaantok
- Nahihirapang kumain o uminom
- Pagkakaroon ng lagnat
- Kaunti lang ang ihi
- Pag-iiba ng kulay ng balat
Kung mayroong ganitong sintomas ang iyong anak, ay mabuting pumunta na agad sa doktor upang magamot at malaman kung mayroon nga siyang sepsis. Mabuti na ang maaga pa lang ay maagapan ang sakit, bago pa ito lumala.
Paano ginagamot ang Sepsis?
Ang mga pasyente na nasuri na may matinding sepsis ay karaniwang inilalagay sa intensive care unit (ICU) ng hospital para sa espesyal na gamutan.
Susubukan munang alamin ng doktor ang pinagmulan at uri ng impeksyon, kumuha ng mga pagsusuri sa dugo at ihi at X-ray o mga pag-scan sa CT, at bigyan ang mga pasyente ng antibiotics upang gamutin ang impeksyon.
Ang IV (intravenous) ay nagbibigay ng mga likido upang maiwasan ang presyon ng dugo na bumaba ng masyadong mababa. Sa ilang mga kaso, ang pasyente ay maaaring mangailangan ng mga gamot na vasopressor (na nagpapahigpit sa mga daluyan ng dugo) upang maabot ang tamang presyon ng dugo.
Samantala, kung may organ failure, makakatanggap ang pasyente ng supportive care (halimbawa ay dialysis para sa kidney failure, mechanical ventilation para sa respiratory failure at iba pa).
Narito ang mga paraan kung paano ginagamot ang sepsis:
-
Antibiotic
Ang paggamot ay dapat magsimula sa loob ng unang oras pagkatapos ng diagnosis. Kailangang injection ng doktor ang mga gamot na ito nang direkta sa ugat.
Karaniwang magsisimula sila ng paggamot gamit ang broad-spectrum antibiotics na pumapatay laban sa bacteria na maaaring maging sanhi ng impeksyon.
Kailangan i-blood test ang pasyente upang malaman ang tiyak na dahilan ng impeksyon upang malapatan ng pinakaangkop na antibiotic.
-
Vasopressor
Ang mga gamot na ito ay kailangan upang mapanatiling mababa ang presyon ng dugo. Karaniwang sinasagawa ito ng taong may sepsis shock. Gagawin lamang ito kung ang pasyente ay masyado pa ring mababa ang dugo matapos maturukan ng gamot.
-
Corticosteroids
Ginagamit ito ng mga doktor ang anti-inflammatory drugs na ito kung ang blood pressure at heart rate ng pasyente ay hindi pa rin stable sa kabila ng binigyan na sya ng antibiotic at vasopressors.
May long-term effects ba ito?
Sa kabutihang palad, nagagamot naman ang mga batang mayroong sepsis. Ngunit mayroong mga pagkakataon kung saan nagkakaroon ng long-term effects ang sakit na ito.
Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Nahihirapan sa pagtulog
- Pagkakaroon ng PTSD o post-traumatic stress disorder
- Panghihina
- Nahihirapang kumain
Paano maiiwasan ang Sepsis?
Prevention is better than cure. Bilang mga magulang, dapat alam natin kung paano mapoprotektahan ang ating mga anak sa nakamamatay na sakit na ito.
Narito ang mga pwede mong gawin upang labanan at maiwasan ang pagkakaroon ng sepsis:
- Magbakuna laban sa trangkaso, pulmonya, at anumang iba pang mga potensyal na impeksyon.
- Puksain ang mga impeksyon na maaaring humantong sa sepsis sa pamamagitan ng: Paglilinis ng mga gasgas at sugat at pagsasanay ng mabuting kalinisan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at paliligo nang regular
- Pangalagaan at linisin ang anumang mga sugat na na nakabukas
- Gamutin ang fungal at parasitic infections sa lalong madaling panahon.
Sa nagdaang 2 dekada, ang Surviving Sepsis Campaign (SSC) ay naglabas ng alituntunin na naglalayong gawing pamantayan at pagbutihin ang pamamahala ng mga pasyente na may matinding sepsis at septic shock. Ang mga patnubay na ito ay nakatulong sa pagtaas ng kamalayan ng sepsis sa buong mundo.
Karagdagang ulat mula kay Kayla Zarate
Source:
CDC, WebMD, Mayo Clinic, Cleveland Clinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Halak ng 11-buwan baby, sintomas na pala ng nakamamatay na sepsis
- Mum's Horror As 4-Year-Old Son With Leg Pain Gets Diagnosed With Sepsis
- 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."