Sinong mag-aakala na ang pagsusuot ng sapatos ay magdudulot sa bata na magkaroon ng impeksiyon sa dugo? Paano nga ba ito nangyari?
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 taon gulang na bata, nanganib ang buhay dahil sa pagsusukat ng sapatos
- Paano nakukuha ang impeksyon sa pagsusuot ng sapatos?
- Ano ang sepsis at paano ito nakukuha?
- Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon?
4 taon gulang na bata, nanganib ang buhay dahil sa pagsusukat ng sapatos
Bilang magulang, inaaalala natin parati ang kalusugan ng ating mga supling. Mula sa kanilang mga pangangailangan na nutrisyon araw-araw hanggang sa oras ng kanilang pagtulog. Ngunit may isang bagay na karamihan sa atin ay hindi masyadong iniintindi—ang paltos sa paa.
Kadalasan pinapagsawalang bahala lamang ito. Sapagkat normal itong nangyayari kapag malayo ang nilakad o di kaya’y bago ang sapatos ng bata.
Karaniwang nawawala na lang ang mga ito ng kusa, ngunit sa kaso ng isang bata, naging seryoso ang komplikasyon ng isang simpleng paltos sa paa.
Bagong sapatos
Excited na excited ang isang apat na taong batang babae na si Sienna Rasul nang makuha niya ang bago niyang sapatos. Sinuot niya agad ito. Kinabukasan, bigla na lang siyang nagkaroon ng mataas na lagnat at umiiyak sa sakit.
Nang dinala siya ng kaniyang nanay na si Jodie Thomas sa ospital, mayroon nang sepsis ang bata. Ang sepsis o septicaemia ay isang nakakamatay na kundisyon. Kung saan nag-o-overreact ang immune system upang kalabanan ang impeksyon sa katawan.
Ayon kay Jodie, nang nagsusukat umano si Sienna ng sapatos, hindi raw ito nakasuot ng medyas. Sabi ng mga doktor, malamang daw ay nakuha niya ang impeksyon dahil rito. Sapagkat baka mayroong ibang bata na sinukat ang sapatos na may impeksyon.
Baka nahawa umano si Sienna nang magkaroon ito ng sugat sa pagsuot ng bagong sapatos, kung saan nakapasok ang impeksyon. Para gamutin si Sienna kinailangang tanggalin ang impeksyon mula sa paltos sa paa.
Paltos sa paa
Larawan mula sa Shutterstock
Bukod sa mga sugat at paltos sa paa, maraming puwedeng mangyari kapag hindi nagsusuot ng medyas. Ayon sa College of Podiatry, kailangan talagang magsuot ng medyas ang mga bata. Sapagkat mas malakiang chance na magkaroon ng fungal issues o impeksyon.
Ayon kay Emma Stevenson, isang podiatrist galing sa College Podiatry, nagpapawis umano ang paa kapag gumagalaw umano tayo. Kaya naman nagkakaroon ng fungal infection tulad ng athlete’s foot.
Kailangan din daw tinitignan kung nakakahinga ang paa kapag naka-sapatos para daw hindi ma-trap ang bacteria at init sa loob ng sapatos.
Ito ang mga puwedeng kunsiderasyon kapag bumibili ng sapatos.
Paano nakukuha ang impeksiyon sa pagsusuot ng sapatos?
Saan nga ba nakukuha ang impeksiyon? Ipinaliwanag ni Dr. William Schaffner, MD, isang infectious disease specialist Sa Vanderbilt University Medical City ang tungkol sa naging sitwasyon ni Sienna.
Paliwanag niya, iyon ay dahil lahat tayo ay nagdadala ng maraming strain ng bakterya sa loob at labas ng ating katawan sa lahat ng oras.
Marami sa mga bacteria na iyon, tulad ng Group A streptococcus, ay nabubuhay sa ating mga ilong at lalamunan at sa ating balat na hindi nakapipinsala sa atin.
Ngunit kung ang parehong bakterya ay pumasok sa isang bukas na sugat. Kahit ito ay kasing liit ng kagat ng surot o paltos ay maaari silang magdulot ng malubhang impeksyon.
Pagpapaliwanag niya,
“It can be breathed out and get on a person’s fingers, and then if they’re touching their blister it can get beneath the surface,”
Larawan mula sa Shutterstock
Kung ang iyong paa ay walang sapin, maaaring magdulot ito sa iyong mga paa sa mas maraming bakterya kaysa karaniwan—ngunit hindi ito mas mapanganib kaysa sa bakterya na dinadala mo na sa iyong sarili.
Ang mas malaking panganib ay ang paghawak ng mga matutulis na bagay (tulad ng mga shell sa beach) o friction (nakukuskos sa paa ang sapatos) na maaaring lumikha ng abrasion sa mga naroroon ng bakterya.
Ayon pa kay Dr. Schaffner,
“If we take cultures of all of our feet, 100% of us will have bacteria on them at the present time.
So let’s not implicate the shoe or the shoe store as the source of the bacteria, but rather let’s focus on the important thing—which is to pay attention any time, anywhere we have a break in the skin.”
Ano ang sepsis at paano ito nakukuha?
Na-diagnose ng mga doktor na si Sienna ay may sepsis, isang mapanganib na komplikasyon ng isang impeksiyon na pumapasok sa dugo. Ito ay nakamamatay.
Inakala ng mga kawani ng ospital na kailangan nilang operahan si Sienna ayon sa ina ng bata. Ngunit sa kabutihang palad ay nagawa nilang maalis ang nana mula sa kanyang binti at sinabing ang antibiotic drip ay nakatulong.
Ang Sepsis ay nakukuha kapag ang bacterial infection ay pumasok sa dugo na nagiging sanhi ng inflammation na kumakalat sa buong katawan.
Kung ang impeksyon ay umabot sa vital organs, ang mga organ na iyon ay maaaring masira at ang isang pasyente ay maaaring mamatay. May pagkakataon pang ang limbs ay pinuputol dahil naapektuhan na ito ng kumalat na bakterya.
Maaaring magkaroon ng sepsis pagkatapos ng isang karamdaman, ngunit maaari rin itong mangyari kapag ang bakterya ay pumasok sa katawan sa pamamagitan ng bukas na sugat at ito ang nangyari kay Sienna. Maaaring siya’y nagkaroon ng abrasion sa kanyang paa habang sinusubukang suotin ang sapatos.
BASAHIN:
Sepsis: Sanhi, sintomas, lunas at paano maiiwasan ang karamdamang ito
Mamaso o Impetigo: Impormasyon tungkol sa skin disease na ito
Kurikong o scabies: Sanhi, sintomas, at lunas para sa galis na ito
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon?
Larawan mula sa Shutterstock
Ang pagkakaroon ng impeksiyon dahil sa paltos ay maaaring makuha ninoman – bata o matanda – kaya dapat magkaroon ng sapat na kaalaman upang maiwasan ang mga ito. Narito ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon.
- Hugasan ang sugat ng malinis na tubig at sabon. Mahalagang bigyang-pansin ang mga sugat sa katawan. Linisin ito gamit ang tubig at sabon. Lagyan ito ng benda upang maprotektahan ito mula sa impeksiyon at pangangati.
- Ugaliing magsuot ng medyas. Makakatulong itong maiwasan ang abrasion.
- Pangalagaan ang paa. Ang pag-aalaga sa iyong paa ay mahalaga rin. Ang iyong balat ay ang pinakamalaking parte ng katawan laban sa anumang uri ng impeksyon, kaya naman magmasid sa parte ng balat kung saan may mga gasgas o calluses, o tuyong balat na maaaring pumutok at masira.”
- Regular na paghuhugas ng paa at pagpapatuyo nito. Ang regular na paghuhugas ng iyong mga paa’t pagpapatuyo ng mga ito ng mabuti. Kabilang ang pagitan ng mga daliri sa paa’y maaaring makatulong na mapanatiling malusog ang balat.
- Magpatingin sa doktor. Gawing regular na suriin ang iyong mga paa para sa mga sugat, kalyo, o iregularidad, at makipag-usap sa iyong doktor kung may napansin kang kakaibang sugat o paltos na hindi kusang nawawala.
Makakatulong ba ang pagsusuot ng medyas?
Pagkatapos ng pamamalagi sa ospital ng anak, binalaan ni Jodie Thomas ang mga magulang sa pamamagitan ng isang Facebook post tungkol sa panganib ng pagkakaroon ng impeksisyon sa dugo kung susuotin ang sapatos ng walang medyas sa paa.
“You don’t don’t know [whose] feet has been in them before hand!! Sienna has had one hell of an outing and thankfully and touch wood made a full recovery!
Who would thought trying new shoes on could make someone so ill. So with back to school shopping under way, carry a pair of spare socks!”
Ika nga ni Dr. Schaffner, ang impeksiyon ay hindi nakukuha sa sapatos kundi sa abrasion. Pero ang pagsusuot ng medyas ay makakatulong maiwasan ang impeksiyon dahil sa palto.
Sumang-ayon naman si Grace Torres-Hodges, DPM, isang podiatrist sa Pensacola, Florida at spokesperson sa American Podiatric Medical Association. Ang pagsusuot ng medyas ay isang magandang ideya habang sinusubukan ang mga sapatos na isinuot ng ibang tao.
“Bacteria can lead to cellulitis, fungus can lead to athlete’s foot or nail infections, and viruses can lead to warts. When you see commercials for Clorox or Lysol about what’s living on surfaces, those same germs can absolutely live in shoes.”
Narito pa ang ilang bagay na dapat tandaan partikular na kung magsusuot ng sapatos.
Mga dapat tandaan para maiwasan ang paltos sa paa
- Mag-spray ng antiperspirant sa paa bago magsuot ng sapatos.
- Huwag magsuot ng parehong sapatos araw-araw.
- Patuyuin ang sapatos ng 48 oras
- Gumamit ng tea dry bag upang ma-absorb nito ang moist sa sapatos
- Kung nagsuot ng sapatos ng walang medyas, hugasan at patuyuin ang paa.
- Itigil ang pagsusuot ng sapatos kung ito ay masakit sa paa.
Ang mga ganitong insidente ay bago pa lamang at hindi karaniwang nangyayari. Kaya naman marami pang pag-aaral ang kailangang gawin upang matukoy ang problema sa naturang insidente gaya ng nangyari kay Sienna.
Gayunpaman, ang labis na pawis, hindi magandang kalidad ng tela at kapabayaan gaya ng di pagsusuot ng medyas habang nagsusukat ng sapatos na maaaring nasukat na ng ibang tao ay nagdudulot ng mataas na risk upang kumalat at makapasok ang impeksiyon sa katawan.
Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate
Source:
USA Today, netdoctor.co.uk, Health
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!