Hands-on ba si Daddy? 8 ways kung paano siya nakakatulong sa development ng anak

Ano ang tungkulin ng ama sa pamilya? Alamin rito ang mga benepisyo kapag hands-on si Tatay sa pag-aalaga ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ba ang tungkulin ng ama sa pamilya? Limitado lang ba ito sa paghahanap-buhay at pagbibigay ng mga pangangailangan ng anak? Alamin rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang tungkulin ng ama sa pamilya?
  • Paano nakakatulong ang mga tatay sa child development?
  • Nakakatulong ba ang pagiging rough ni daddy sa pakikipaglaro?

Malaki ang papel na ginagampanan ng isang ama sa kaniyang pamilya. Bilang haligi ng tahanan, inaasahan na itataguyod niya ang kaniyang pamilya at sisiguruhin ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa kaniya rin nakapasan ang malaking responsibilidad ng paghahanap-buhay para sa pangangailangan ng kaniyang mga anak. Subalit limitado lang ba sa pagiging provider at tagapagtanggol ang papel ng mga tatay? Ano ang tungkulin ng ama sa pamilya?

Sa panahon ngayon, hindi lang paghahanap-buhay ang inaasahan mula sa mga lalaki ng tahanan. Mas maraming tatay ang nagiging mas hands-on sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Hindi lang ito dahil may kakayahan din ang nanay na maghanap-buhay, kundi dahil nakakabuti para sa bata ang pag-aalaga at presensya ng isang ama.

Napakaraming pag-aaral tungkol sa pagiging magulang ang nagsasabi na ang presensya ng isang ama sa buhay ng kaniyang anak ay may mahalaga para sa kaligayahan, at kalusugan. Pati na rin ang social at academic success ng isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8 ways na nakakatulong ang hands-on dad sa development ng kaniyang anak

Larawan mula sa Freepik

Sinasabi rin sa mga pag-aaral na ito na ang pagiging involved o hands-on ng tatay sa buhay ng kanilang anak sa paglalaro at pag-aalaga. Tulad din ng pagpapalit ng diaper, pagpapakain, pagbibihis, o paggising sa gabi para kargahin si baby. May kaugnayan ito sa napakaraming positibong epekto sa paglaki ng bata.
Narito ang ilang bagay na nagpapakita ng papel ng isang ama sa child development:
  • Nagiging mas malawak ang vocabulary ng kanilang anak.

Bagamat sa mga mommy kadalasang natututo ang mga bata na magsalita (kaya nga mayroon tayong tinatawag na mother tongue), ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong si daddy para lumawak ang vocabulary ng ating mga anak.

Ito ay dahil bilang nanay, pinipili nating kausapin ang ating anak gamit ang mga salitang alam nating maiintindihan nila. Pero ang mga tatay ang madalas na nagpapakilala at gumagamit ng mga bagong salita sa pakikipag-usap sa kanilang anak.

  • Nagiging mas matalino ang bata kapag involved si Tatay.

Isang pag-aaral naman na isinagawa noong 1990 ang nagpapakita na mas mataas ang cognitive (o ang kakayahan ng bata na matuto at maka-intindi) scores sa edad na 1 kung ang kanilang mga ama ay involved sa pag-aalaga sa kanila mula sa kanilang unang buwan.

Ganoon din ang naging resulta sa mga batang 3-taong gulang. Mas mataas ang nakuhang cognitive scores ng mga batang may mga tatay na involved sa kanilang paglaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mas nauna pang pag-aaral ang nagsabi na mas magaling sa problem-solving ang mga bata kapag involved at nagagampanan ng ama ang tungkulin niya sa kaniyang pamilya.

  • Mas madaling makapag-adapt ang bata kapag nakakasama sa bonding ang ama.

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang The Relationship Between Father Involvement in Family Leisure and Family Functioning: The Importance of Daily Family Leisure, ang pangunahing bagay na nakakaapekto sa kakayahan ng isang bata at pamilya para maging adaptable o matutong makibagay ay ang presensya ng ama sa kanilang mga leisure activities bilang pamilya.

Sa mga bonding activities napapansin ng bata kung paano nakakapag-adapt si tatay.  Kung paano rin niya sinosolusyunan ang mga biglaang suliranin na kanilang hinaharap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

  • Mas natututo ang bata ng social skills kapag kasama si Tatay.

Kapag si Daddy ay mas madalas makipaglaro kay baby, natututo ang kaniyang anak ng social skills. Ito ay dahil nakikita ng kaniyang anak ang kaniyang emotional cues. Nalalaman din niya kung ano ang tama at maling paraan para makipaglaro at makitungo sa ibang tao.

Mayroon ding mga pag-aaral na nagsasabing ang mga kapag ang tatay ay mapagmahal, mapagkalinga at mahinahon sa pagdidisiplina kapag ang kanilang anak ay nagkakamali.

Ang mga anak nilang lalaki ay lumalaki ring mahinahon at ang mga anak na babae naman ay nagkakaroon ng mas positibong pakikitungo sa iba.

  • Nahihikayat niya ang anak na mag-explore at maging independent.

Ang mga nanay ang pangunahing nagsisiguro na ang kaniyang anak ay ligtas at malayo sa kapahamakan. Kaya naman mas epektibo raw ang pagiging mas mapusok sa pakikipaglaro o “rough play” ng mga tatay sa paghihikayat sa mga bata na maging independent at sumubok ng mga bagong bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas napapansin din kasi ng bata na hindi natatakot si daddy na masaktan sila. Kumpara sa kanilang mga ina na laging nakabantay kaya hindi sila natatakot na mag-explore at maging mas independent kapag nakikipaglaro sila  kasama si tatay.

  • Nakakaiwas ang bata sa mental health problems.

Ipinapakita rin ng mga pag-aaral na kapag ang tatay ay involved sa pag-aalaga sa kanilang anak mula sa kapanganakan, mas mababa ang posibilidad na magkaroon sila ng problema sa kanilang mental health sa edad na 9.

BASAHIN:

5 tungkulin na kailangan gawin ng mga Daddy para sa mga anak na babae

10 na bagay na ginagawa ng mabuting tatay para sa kaniyang mga anak

Ang mga dapat mong malaman at asahan sa development ng iyong anak

  • Natututo silang makiramay sa iba.

Ayon din sa isang 26-year long na pag-aaral, ang numero unong factor sa pag-develop ng empathy o pakikiramay sa mga bata ay ang presensya ng isang ama.

Kapag ang tatay ay nagbibigay ng sapat na oras para sa alone time kasama ang kaniyang anak, mas nagiging compassionate at marunong makiramay ang bata paglaki.

  • Nahihikayat niya ang kaniyang anak na maging aktibo at physically fit.

Dahil mas mataas ang energy ng ama sa pakikipaglaro, sila rin ang karaniwang nagtuturo sa kanilang anak ng kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na katawan at humihikayat sa kanila na sumubok ng mga physical activities gaya ng sports.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, may mga pag-aaral na nagsasabing malaki ang papel ng mga tatay sa pagsali ng kanilang anak (lalo na sa mga anak na babae) sa mga laro at sports.

May mga research din na nagsabing mas epektibo kung si tatay ang magtuturo sa batang lumangoy dahil mas matapang ito kumpara sa mga nanay na mag-aaalala lang.

Kaya hayaan mong makipagtakbuhan si baby kay Daddy, o matutong mag-basketball.

  • Mas nagiging confident ang bata kapag malambing si Daddy.

Daddy’s girl ba ang iyong anak? Makakatulong pala ito sa kaniyang confidence paglaki.

May mga pag-aaral rin na nagpapakita ng kaugnayan ng pagkakaroon ng tatay na mapagkalinga at mabilis tumugon sa kanilang mga anak na umiiyak sa self-confidence at pag-uugali ng isang bata.

Larawan mula sa Freepik

Paano mahihikayat si Tatay na maging hands-on?

Ano ang tungkulin ng ama sa pamilya? Siya ang magtataguyod sa kanila para mapunta sila sa tamang landas. Pero hindi lang ito natatapos sa pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan. Malaki rin pala ang papel niya sa development ng kaniyang anak.

Paano mo ba mahihikayat si Tatay na maging involved sa paglaki ng inyong anak?

  • Ayain siyang sumama sa iyo sa iyong mga prenatal checkups. Ayon sa research, mas maganda ang prenatal care ng isang babae at nakakaiwas sa mga komplikasyon ng pagbubuntis kapag kasama niya ang partner sa pagpunta sa doktor. Makakatulong rin kapag kinakausap niya si baby sa iyong sinapupunan.
  • Gayundin, pwede mo rin siyang hikayating sumama kapag may checkup si baby sa kaniyang pediatrician.
  • Bigyan siya ng oras kasama iyong anak na siya lang. Hayaan mong si daddy muna ang mag-alaga sa inyong anak habang nagpapahinga ka at nagkakaroon ng me-time.
  • Bigyan din siya ng kalayaan na magplano ng activities para sa buong pamilya. Nang sa ganoon, mas maging excited siya na makisali at makipagbonding sa mga bata. Hikayatin mo si Tatay na turuan ang mga batang mag-basketball o kung ano mang isports ang alam niya. Pwede rin silang magbonding habang naglalaro ng online games.
  • Higit sa lahat, iwasan ang pag “micromanage” sa iyong asawa o partner kapag inaalagaan niya ang iyong anak. Maaring iba ang paraan niya, pero kung hindi naman ito makakasama kay baby, hayaan mo siyang gawin ito. Tandaan, dapat ay partners o magkatuwang ang ama at ina sa pagpapalaki sa anak. Kung gusto mong maging mas involved o hands-on siya sa mga bata, ipakita mo sa kaniya na pinagkakatiwalaan mo siya sa aspektong ito.

Source:

Fatherly, AAP, Researchgate

Sinulat ni

Camille Eusebio