Ano nga ba ang katangian ng mabuting tatay? Naniniwala ako na kahit sino ay maaaring maging isang ama pero hindi lahat ng ama o tatay ay mabuti. Mula noon hanggang ngayon ang aking ama ang tinuturing kong “role model” ng pagiging isang mabuting ama.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng maging isang tatay? Ang pagiging tatay ay nagbabago lalo na sa pabago-bagong lipunan at pabago-bagong tradisyon ng pamilya.
Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime
Katangian ng mabuting tatay
Maraming taon na ang nakalipas nang maunawaan ko ang pagkakaiba ng pagiging tatay at pagiging mabuting ama.
Maaaring pareho silang bumabangon araw-araw para magtrabaho at mag-provide sa kanilang pamilya, kahit hindi nila gusto ang kanilang trabaho. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kasama rin dito ang pagbibigay ng extra—tulad ng pang-tuition para sa mga lessons ng anak o paglaan ng oras para sa family vacation.
Pareho man silang pisikal na naroon sa mga mahahalagang okasyon ng kanilang mga anak, may mas malalim na aspeto ang pagiging mabuting ama.
Para sa akin, ang pagkakaibang ito ang tunay na kahulugan ng pagiging “tatay.”
1. Ang mga mapagmahal na tatay… mahal ang ina ng kanilang mga anak
Ang unang katangian ng isang mabuting ama ay ang pagiging mapagmahal.
Mahalin ang iyong asawa nang walang reserbasyon—wala kang magagawang mas mabuti para sa iyong mga anak kaysa dito. Kung kayo naman ay hiwalay na, igalang pa rin ang ina ng iyong mga anak, kahit hindi man ito masuklian. Sabi nga nila, “Never return disgrace with disgrace.”
Mas mainam kung mapanatili ang isang maayos na ugnayan sa ina ng iyong mga anak kahit kayo’y naghiwalay na. Sa ganitong paraan, matutulungan mong lumaki nang maayos ang inyong anak, kahit na magkahiwalay na kayo ng kaniyang ina.
2. Ang mabuting ama, mahal ang mga anak nang walang pasubali
Tiyaking alam ng iyong mga anak na mahal mo sila, anuman ang mangyari. Huwag itong ipagkamali sa tinatawag na “permissiveness” dahil ang pag-ibig na walang kondisyon ay hindi nangangahulugang pinapahintulutan ang maling pag-uugali.
Sa katunayan, ang mga batang siguradong mahal sila ng kanilang tatay ay mas nagiging masunurin at maayos ang asal, hindi mas suwail.
Maraming paraan upang ipakita ang pagmamahal, tulad ng pagbo-bonding sa kanila—kumain kayo sa labas, makipaglaro, maglaan ng oras para magkwentuhan, at marami pang iba.
Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime
3. Umastang grown-up at maging magandang modelo o halimbawa
Ang mga bata ay hindi lang nangangailangan ng isa pang kaibigan; kailangan nila ng tatay—isang magandang halimbawa. Nais ng mga anak na magkaroon ng tatay na nag-iisip nang mabuti, gumawa ng mahihirap na desisyon, at aktibong nakikilahok sa kanilang buhay na may responsibilidad. Isang tatay na maaari nilang asahan, masandalan, at magabayan.
Ipinapakita ng isang tatay ang pagmamahal, pakikiramay, at pasensya, hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa ibang tao. Mahalaga rin ang pakikinig ng tatay sa kaniyang anak bilang isang tanda ng pagiging mabuting ama.
Kapag pinapakinggan mo ang iyong anak, mas napapalapit ang kanyang loob sa iyo. Ituturing ka niya bilang kaibigan at tatay, na nagreresulta sa mas bukas na komunikasyon. Sa ganitong paraan, hindi siya maglilihim sa iyo at mas madali siyang magagabayan sa tamang landas.
4. Katangian ng mabuting tatay: Laging nandiyan para sa mga anak
Ang “quality time” ay mahalaga sa anumang relasyon, ngunit hindi ito mapapalitan ng “quantity time.” Maglaan ng oras.
Ang bawat tao ay may pare-parehong 24 na oras sa isang araw, kaya’t mahalagang gawing makabuluhan ang bawat minuto. Isang magandang katangian ng mabuting tatay ay ang kakayahan nitong balansehin ang kaniyang oras.
Tandaan na kahit gaano ka pa kabusy sa trabaho, laging maglaan ng oras para sa quality time kasama ang iyong anak. Mahalaga ito, lalo na kung bata pa ang iyong anak. Habang siya ay lumalaki, mahalagang magkaroon ng tatay na gumagabay sa kaniya.
BASAHIN:
Para sa tatay na hindi paborito ng kaniyang mga anak
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa
5 na hindi dapat sinasabi ng tatay sa kanyang anak
5. Katangian ng mabuting tatay ang kakayahang mag-provide para sa pamilya
Mag-provide as best as you can, ika nga nila. Ang mga materyal na bagay ay maaaring maging mahirap makuha, lalo na kung biglang nawawalan ng trabaho o dumarating ang mga pagsubok sa pamilya.
Gayunpaman, maaari ka pa ring magbigay at magtayo ng isang matatag na tahanan na puno ng pag-ibig at pagmamahal. Ang mga materyal na bagay—malaki man o maliit, mayroon man o wala—ay hindi ang pangunahing sukatan ng halaga ng pamilya. Ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng isang pamilyang buo at may pagmamahalan, kahit sa gitna ng hirap.
6. Katangian ng mabuting tatay ang marunong mag-disiplina ng mga anak
Pinahahalagahan ng mga bata ang pantay na pagdidisiplina, balanse, at pananagutan, pati na rin ang tinatawag na “tough love.”
Disiplinahin ang iyong anak sa paraang mauunawaan niya kung bakit mo ito ginagawa o kung bakit mo siya pinagbabawalan. Sa ganitong paraan, magagabayan at mapapalaki mo siya nang maayos.
Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime
Payo sa mga tatay para maging mabuting ama
7. Ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa iyong anak
Huwag lamang basahin sa kanila; basahin kasama nila. Huwag mag-alala lamang tungkol sa kanilang mga marka sa paaralan; makisali rin sa kanilang mga homework o assignment. Huwag lang basta pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral o kaalaman; maging tagapagtaguyod mismo nito.
Ituro rin sa kanila na bukod sa edukasyon, mahalaga rin ang pagiging mabuti sa kapwa. Tandaan na hindi laging nasusukat sa marka o grado sa paaralan ang tunay na galing ng isang tao.
Ika nga nila, “Be always present when it comes to your children’s education.”
8. Palakihin ang mga anak nang maayos upang maging ready sila pag-alis nila ng bahay
Palakihin ang mga bata nang maayos at well-equipped upang maging handa silang umalis ng bahay at magtatag ng sarili nilang buhay.
Turuan sila tungkol sa reyalidad ng buhay at ihanda sila sa mga posibleng hamon na kanilang kakaharapin kapag lumaki na sila at nagkaroon ng sariling pamilya.
9. Turuan silang maging responsableng mga tao
Ang mga bata na natututo kung paano iwasan ang responsibilidad ay kalaunan ay mabibigo sa kanilang mga sarili. Tinitiyak ng mapagmahal na mga tatay na alam ng kanilang mga anak kung paano tumayo sa sarili nilang mga paa, linisin ang kanilang mga kalat sa buhay, at, siyempre, magpatuloy sa buhay pagkatapos ng mga pagkakamali.
Isang mahalagang katangian ng isang ama ay ang pagwawasto sa mga maling nagagawa ng anak.
10. Turuan silang mahalin ang buhay na ito at ang buhay nila
Katangian rin ng isang ama ang pagiging pinakamahusay na prediktor ng kaligayahan sa mga bata at kaligayahan sa kanilang mga magulang. Kung matututunan natin kung paano mahalin ang buhay na ito at pagkatapos ay ibigay ang blessing na iyon sa ating mga anak. Magiging handa sila at malalaman nila kung ano talaga ang tunay na kaligayahan na may satisfaction.
Ang pagiging isang ama ay madali at nangangailangan ng kaunting emosyonal na pamumuhunan. Ang pagiging isang mabuting tatay naman para sa akin ay isang dedikado, mahirap, at habambuhay na responsibilidad—na hanggang ngayon nga ay ginagampanan ng aking tatay sa akin kahit ako’y may sarili nang pamilya.
Paalala sa mabuting ama: Mahalaga ang pag-aalaga sa sarili at relasyon sa asawa
Bilang isang mabuting ama, mahalagang huwag kalimutan ang iyong sarili at ang iyong relasyon sa iyong asawa. Ang pagiging isang ama ay nagdadala ng maraming responsibilidad, ngunit hindi ito dapat mangahulugan na isinasantabi mo ang iyong sariling pangangailangan at kaligayahan. Ang iyong kalusugan, pisikal man o mental, ay may direktang epekto sa iyong kakayahang maging mabuting magulang. Maglaan ng oras para sa iyong sarili—maging ito man ay sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, pagninilay, o pagkakaroon ng mga hilig na nagbibigay ng kasiyahan sa iyo.
Gayundin, ang isang malusog na relasyon sa iyong asawa ay mahalaga hindi lamang para sa inyo, kundi pati na rin sa inyong mga anak. Ipinapakita mo sa kanila ang kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilya. Ang pagtutulungan sa mga responsibilidad, pagbibigay ng suporta sa isa’t isa, at paglaan ng oras para sa inyong dalawa ay nag-uugat ng magandang halimbawa sa mga bata. Kapag nakikita ng mga anak ang pagmamahalan sa pagitan ng kanilang mga magulang, natututo silang pahalagahan ang mga ugnayan at nagkakaroon sila ng matibay na pundasyon para sa kanilang sariling mga relasyon sa hinaharap. Sa huli, ang pag-aalaga sa sarili at sa iyong asawa ay hindi lamang nagiging sanhi ng iyong sariling kaligayahan kundi pati na rin sa kabuuang kasiyahan at katatagan ng inyong pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!