Mahalagang magkaroon ng maayos na nutrisyon ang ating mga anak habang lumalaki. Ang mga nutrients kasi na nakukuha nila mula sa gatas o pagkain ay ginagamit ng kanilang katawan para sa kanilang growth at development, maging pamprotekta mula sa iba't ibang sakit.
Sa kabilang banda, maaaring hindi sapat ang nutrients na kanilang nakukuha mula sa gatas o pagkain. Kaya naman malaking tulong ang pagpapainom sa kanila ng vitamins o supplements upang mapunan ang pang araw-araw nilang nutritional requirements.
Ano ang magandang vitamins para sa baby?
Kung ang isang adult na tulad natin ay nagkakaroon ng tinatawag na vitamin deficiency, hindi malabong maranasan din ito ng mga bata. Hindi kasi sapat ang nakukuha nilang nutrients sa kanilang iniinom na gatas (formula) o kinakain (kung lagpas na sa anim na buwang gulang ang sanggol).
Minsan, akala natin sapat na ang mga sustansyang naibibigay natin sa kanila. Kaya mas makakabuting sumangguni sa kanilang Pediatrician kung ano ang best baby vitamins for them at kung anu-ano ang mga nutrients na dapat ay taglay nito.
Best Baby Vitamins in the Philippines
[product-comparison-table title="Best Baby Vitamins"]
Best Baby Multivitamins
[caption id="attachment_494701" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Tiki-Tiki[/caption]
Isa ang Tiki-Tiki sa mga vitamins na madalas ay inirerekomenda ng mga Pediatricians na ipainom sa mga babies. Ito ay multivitamins na ginawa para sa maayos na growth at development. Naglalaman ng supplement na ito ng iba't ibang essential nutrients na kinakailangan ng baby habang lumalaki.
Mayroon itong Vitamins A, C, D at E na maganda para sa overall health. Nakakapagpalakas ito ng resistensya, nakakapagpatibay ng tubo at ngipin at nakakapagpaganda pa ng kutis. Sinamahan pa ito ng Gana booster nutrients gaya ng Lysine at B Vitamins kaya naman tiyak na magiging magana dumede o kumain si baby.
Hindi rin naman problema ang pagpapainom nito sa baby dahil sa masarap na orange flavor nito.
Features we love:
- Recommended ng mga Pedia
- Multivitamins
- Gana booster nutrients
Best Baby Vitamin A
[caption id="attachment_489042" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Enfamil[/caption]
All-in-one supplement din ang Enfamil Brain and Body Multivitamins. Siksik ang formulation ng baby vitamins na ito sa iba't ibang vitamins at minerals gaya ng B-Vitamins, C, D, E at Iron na nakakatulong upang mapalakas ang immune system ni baby.
Bukod pa riyan ay naglalaman din ito ng Vitamin A na maganda para sa development ng paningin ni baby. Ang Iron naman na taglay nito ay nakakatulong para sa brain development.
Wala itong halong artificial sweeteners o flavors kaya naman ligtas ito ipainom sa mga 6-month-old babies at pataas. Maaari rin itong ihalo sa kanilang gatas o pagkain.
Features we love:
- Naglalaman ng vitamin A
- May iron for brain development
- Walang halong artificial sweeteners
Best Baby Vitamin B
[caption id="attachment_494702" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Nutrilin[/caption]
Mahalaga rin ang Vitamin B para sa brain development at red blood cells production ni baby. Kaya't magandang painumin din siya ng supplement na naglalaman ng bitaminang ito gaya na lamang ng Nutrilin.
Ang kombinasyon ng Vitamin B at iba pang vitamins at minerals na taglay ng Nutrilin ay mabisa para sa pagpapalakas ng resistensya at pampagana kumain. Bukod pa rito, may kakayahan din itong mapalakas ang buto, muscles at ngipin ng babies at kids, maging ang pagpapalinaw ng mata at pagpapanatili ng malusog na kutis.
Ginamitan pa ito ng TasteRite technology kaya't tiyak na magugustuhan ng mga bata ang lasa nito.
Features we love:
- Nagtataglay ng Vitamin B
- Maganda para sa overall health
- TasteRite technology
Best Baby Vitamin C
[caption id="attachment_490946" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Ceelin Drops[/caption]
Hindi rin dapat mawala sa mga supplements na iniinom ng iyong anak ang Vitamin C. Kaya naman kung kasalukuyan kang naghahanap ng Vitamin C drops for your little one, subukan ang Ceelin Plus. Isa ang brand na ito sa mga expert at parents trusted brands ng Vitamin C kaya't siguradong subok na ito sa matagal na panahon.
Nakakapagbigay ito ng dobleng proteksyon mula sa sakit dahil sa taglay nitong Vitamin C at Zinc. Makakasigurado ka ring makukuha ng mga bata ang tamang dose na kinakailangan ng kanilang katawan dahil ginamitan ito ng ZincPlus Technology upang masiguradong stable ang kombinasyon ng Vitamin C at Zinc.
Mayroon pa itong masarap na apple flavor kaya naman hindi mahirap ipainom sa baby.
Features we love:
- Vitamin C at Zinc
- ZincPlus technology
- Apple flavor
Best Baby Vitamin D
[caption id="attachment_463805" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Nordic Naturals[/caption]
Para naman sa healthy brain, eye at nervous system development ang Nordic Natural Baby's DHA. Magandang source ito ng Omega-3 DHA na nagmula sa 100% wild arctic cod fish, na sinamahan pa ng 300 IU Vitamin D3. Mahalaga ang Vitamin D sa mga babies para sa pagpapatibay ng kanilang mga buto dahil nakakatulong ito sa absorption ng Calcium at Phosphorus.
Ang kagandahan pa sa supplement na ito ay ginamitan ito ng puro at natural na sangkap. Bukod pa riyan, ang brain vitamins na ito ay certified non-GMO at nakasunod sa international standards for product purity and freshness.
Gluten at dairy-free rin ito at hindi hinaluan ng anumang artificial colorant or preservatives.
Features we love:
- May DHA na nagmula sa wild arctic cod fish
- 300 IU Vitamin D3
- All natural, unflavored, and non-GMO
- Pure at fresh
Best Baby Vitamins with CGF
[caption id="attachment_494830" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Cherifer[/caption]
Para naman sa maayos na paglaki ni baby, magandang isama sa mga supplements na iniinom niya ang Cherifer. Mayroon itong CGF or Chlorella Growth Factor na nakakatulong upang mas maging matangkad si baby paglaki.
Karagdagan, hindi lamang pampatangkad ang vitamins na ito. Naglalaman din ito ng mga immune-boosting Vitamins gaya ng A, B, C at D. Sinamahan pa ito ng Taurine na nakakatulong sa pagpapalinaw ng mata at Lysine naman para pampatibay ng buto.
Features we love:
- Vitamins na may CGF
- Pampatangkad at pampatibay ng buto
- Nagtataglay ng Taurine
Best Baby Vitamins with Iron
[caption id="attachment_494831" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online | Ferlin[/caption]
Ang Ferlin drops ay supplement na ginawa para makaiwas o magamot ang iron deficiency anemia sa mga bata. Naglalaman ito ng kombinasyon ng Iron o Ferrous Sulfate at B complex na nakakatulong sa hemoglobin production na may mahalagang papel sa ating sistema.
Nakakatulong din ang pag inom ng vitamins na ito para magkaroon ng sapat na energy si baby araw-araw at mas madaling matuto. Mayroon itong masarap na cherry-orange flavor na siguradong magugustuhan ng bata.
Features we love:
- Supplement para sa iron deficiency anemia
- Kombinasyon ng Iron at Vitamin B Complex
- Cherry-orange flavor
Price Comparison Table
Brands |
Pack size |
Price |
Tiki-Tiki |
120 ml |
Php 125.00 |
Enfamil |
50 ml |
Php 1,350.00 |
Nutrilin |
30 ml |
Php 137.00 |
Ceelin |
30 ml |
Php 159.00 |
Nordic Naturals |
60 ml |
Php 1,049.00 |
Cherifer |
30 ml |
Php 166.00 |
Ferlin |
15 ml |
Php 154.00 |
Mga nutrients na dapat hanapin sa baby vitamins
Ilan sa mga Vitamin na karaniwang kinukulang sa mga sanggol ay ang Vitamin A, B, C, at Vitamin D. Ang mga ito ay ilan sa mga pinakamahalagang nutrients sa katawan.
[caption id="attachment_406540" align="aligncenter" width="1200"] Best Baby Vitamins: Top Expert-Trusted Brands Na Mabibili Online[/caption]
Ano ang vitamin A at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin A ay isa sa pinakamahalang nurients na kinakailangan ng ating katawan upang tayo ay maging malusog at maiwasan ang sakit na dala ng Vitamin A deficiency.
Narito ang ilan sa magandang benepisyo sa ating katawan ng Vitamin A.
- Maayos na paningin o malinaw na mata.
- Matibay at malakas na buto sa katawan.
- Para sa malakas na immune system panlaban sa sakit na dala ng mga bacteria at virus.
- Mas mababang chance na magkararoon ng cancer.
Ano ang vitamin B at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin B Complex ay binubuo ng mga sumusunod:
- B-1 (thiamine)- para sa maayos na function ng organs sa katawan
- B-2 (riboflavin)- para sa breakdown ng fats sa katawan
- B-3 (niacin)- para sa malusog na balat, nerves, at maayos na panunaw ng katawan
- B-5 (pantothenic acid)- para sa maayos na brain at nervous system
- B-6 (pyridoxine)- para sa pagbuo ng bagong red blood cells at sa pagpapalakas ng immune system
- B-7 (biotin)- para sa malusog at matibay na buhok
- B-9 (folic acid)- para sa brain development ng baby
- B-12 (cobalamin)- para rin sa pagbuo ng red blood cells sa katawan
Bukod sa mga sumusunod, napatunayan na ang Vitamin B complex ay higit na kailangan ng baby habang siya ay lumalaki para development ng brain, body, at pampalakas ng immune system. Binibigay rin ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng stress ng baby habang siya ay lumalaki.
Ano ang vitamin C at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin C ang pinakakilala na bitamina na mabibili sa mga drugstore. Ito ay kilala bilang ascorbic acid. Mayroon itong antioxidant properties na nagpoprotekta sa cells sa pagkasira. Mahalaga ito sa baby dahil nakakatulong ito sa pag-produce ng protein collagen at pag-absorb ng iron sa katawan.
Isa rin ito sa nagpapalakas ng immune system lalo na sa baby. Ang Vitamin C din ang dahilan kung bakit napapabilis ang paghilom sa sugat ng ating katawan.
Ano ang Vitamin D at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin D o kilala rin bilang Sunshine Vitamin ay nakukuha mula sa araw o pagpapaaraw. Mahalaga ito dahil, ito ang dahilan ng pag-absorb ng katawan ng calcium. Ang calcium ang siyang nagpapalakas ng buto at ngipin para sa maayos na development ng isang baby.
Kung panahon ng tag-ulan, karamihan sa mga baby ang hindi napapaarawan ng maayos, at kinukulang sa Vitamin D. May mga supplement na gawa sa Vitamin D ang rekomendado ng mga Pediatrician upang sumapat ang Vitamin D sa katawan ng isang baby especially ng mga baby na hindi gaanong napaparawan.
Siguraduhing sapat ang kaalaman bago painumin ang inyong baby ng anumang vitamins o supplement. Hingiin ang payo ng Pediatrician o pumunta sa pinakamalapit na Health Care Center sa inyong lugar upang malaman kung ano ang magandang vitamins para sa iyong anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.