Bakit mahalaga ang pag-intake ng Vitamin D kapag buntis? Alamin dito ang sagot.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Bakit mahalaga ang Vitamin D sa buntis na mommy.
- Vitamin D deficiency.
- Mga pagkaing mayaman sa Vitamin D
Bakit mahalaga ang Vitamin D sa buntis na mommy
Mga mommies! Mahalagang ma-maintain ng iyong katawan ang vitamin D habang nagbubuntis. Isa ito sa mga essential vitamins na kailangan ni baby sa kanyang paglaki. Ayon nga sa mga experts, ang pinakamahalagang klase ng vitamins na ito na dapat mong makuha tuwing nagdadalang-tao ay ang D2 at D3. Dahil ang mga ito ay nakakatulong sa human development o sa sanggol na iyong ipinagbubuntis.
Ang pagbubuntis ay crucial para sa mga ina. Lalo na at kailangan nila ng mga vitamins at nutrisyon. Kabilang na ang Vitamins D. Ang vitamin D ay isa sa mga bitamina na nagpapanatili at nagme-maintain ng calcium at phosphate. Tumutulong din ito para maiwasan ang mataas na risk ng cardiovascular disease, infectious at auto-immune disease.
Pero, paano kung vitamin D deficient ang mommy na nagbubuntis? Ano ang posibleng maging epekto nito sa kanyang baby sa sinapupunan?
Vitamin D deficiency
Ayon sa nirebyu na pag-aaral ng Science Daily, ang mga bata na ang ina ay may Vitamin D deficiency ay merong mababang tests scores. Kasama sa tests na ito ang muscle coordination tulad ng pagsipa ng bola, balancing, pati pagtalon. Dagdag pa, nasa test din ang paggamit ng muscle, paghawak ng lapis, at pagbuo ng tower bricks.
Sa kabilang banda, ang mga pag-aaral na ito ay mas nakita sa mas batang edad. Ngunit walang kinalaman ang deficiency ng ina sa mga anak na nagkaroon ng problema sa kalusugan sa mas matandang edad.
Kaagapay din ng pag-aaral na ito, nagkakaroon din ng problema sa social development ang mga anak ng vitamin D deficient moms sa edad na 3.5 taong gulang.
Base naman sa ibang pag-aaral at ayon narin sa pahayag ng mga eksperto, ang kakulangan ng vitamins na ito sa katawan ay nagpapataas ng tiyansa ng isang tao na magkaroon ng cancer, neurological disease at insulin resistance. Sa mga buntis ay nagpapataas rin ng tiyansa ng preeclampsia kung kulang ka sa vitamins na ito sa iyong katawan. Habang kung sapat naman ito ay malaki ang naitutulong nito sa healthy bone development ni baby.
Bagamat may mga prenatal vitamins na ibinibigay sa mga buntis ay hindi sapat ang taglay nitong Vitamin D. Dahil karamihan ng prenatal vitamins ay 400 IU lang ang taglay na vitamin D. Kaya naman payo ng mga experts ay mas mabuting magkaroon ng dagdag na suppplementation ng bitaminang ito araw-araw kung nagbubuntis.
Vitamin D foods at iba pa na pwede kay mommy
Kung magiging problema ang pagiging deficient ni mommy sa vitamin D habang nagbubuntis, mainam na mai-boost ang kanyang sufficiency. May mga pagkain at supplements na maaaring pagkuhanan ng Vitamin D. Gayundin ang mga aktibidad. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Nakukuha ang Vitamin D mula sa sinag ng araw (regulated) at sa mga nutrisyong nakukuha sa iba’t ibang pagkain.
Ayon kay Dr. Andrea Darling ng University of Surrey, hindi dapat binabaliwala ang sufficiency ng kahit sino sa bitaminang ito. Maaaring makuha ang bitaminang ito sa mga sumusunod na foods at supplements:
- oily fish tulad ng salmon, sardinas, mackerel, swordfish at fresh tuna
- maliit na dami ng red meats
- itlog
- fortified fat
- breakfast cereals
- orange juice na fortified ng Vitamin D
Tandaan
Hindi lang sa buntis mahalaga ang mga nutrisyon at bitamina sa katawan. Mahalaga ito para sa lahat. Tiyakin lagi na may maayos na prosyento ng bitamina sa ating katawan mula sa ating mga kinakain hanggang sa ating mga ginagawa. Sumangguni lagi sa doktor upang malaman kung aling nutrisyon ang kailangan ng iyong katawan.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!