Para sa mga mahihilig kumain ng itlog, alamin kung bakit ito maganda para sa puso ayon sa mga experts.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Itlog maganda ba para sa puso? Heto ang tingin ng mga experts
- How to have a healthy diet?
Itlog maganda ba para sa puso? Heto ang tingin ng mga experts
Larawan kuha ng Pixabay mula sa Pexels
Sa pagkaing Pilipino, patok talaga sa bawat almusal ang itlog. Niluluto ito sa iba’t ibang paraan gaya ng scrambled eggs, sunny side up, at boiled eggs. Marami tuloy ang curious kung maganda nga ba sa kalusugan ang pagkain nito nang madalas.
Ang isang itlog ay nagtataglay ng halos 78 na calories at 6 grams ng protein. Maaari rin itong maging source ng protein at iba’t ibang nutrients gaya ng Vitamin D. Ito ay nakatutulong sa bone health at immune system ng tao. Mayroon din itong choline na nakatutulong naman sa metabolism, maaayos na pag-function ng liver at maging sa brain development.
Sa isang pag-aaral noong taong 2018 na published sa Heart Journal, nakita sa halos kalahating million ng Chinese adults na may magandang epekto ang pagkain nila ng itlog araw-araw.
Napag-alaman na bumaba ang risk nila ng pagkakaroon ng heart disease. Maging ang risk ng stroke kaysa sa mga mas bihira ang pagkain ng itlog.
Nakita nila sa pag-aaral na mayroong higher levels of protein sa blood ang mga participants na kumakain madalas ng itlog na tinatawag na apolipoprotein A1. Kilala rin ito bilang ‘good lipoprotein’.
Nakatutulong ito na maalis ang cholesterol sa blood vessels kaya naiiwasan ang blockages sa puso na nagiging dahilan upang ma-stroke at heart attack.
Mula dito ay pinili nila ang 4,778 na adults kung saan binubuo ito ng 3,401 na mayroong cardiovascular disease at 1,377 naman ang wala. Isang technique ang ginamit nila na kung tawagin ay targeted nuclear magnetic resonance upang masukat ang 225 na metabolites na nakuha sa lood ng participants.
Nakita nilang 24 dito ay associated sa pagkain ng itlog. Dito rin nila natagpuan na mas mababa ang beneficial metabolites ng mga hindi palakain ng itlog kaysa sa mas madalas kumain nito.
Gumawa ng pag-aaral na si Canqing Yu na Associate Professor sa Department of Epidemiology and Biostatistics sa Peking University. Nakita na ang moderate na pagkain ng eggs ay may positibong epekto para malabanan ang problema sa puso.
“Together, our results provide a potential explanation for how eating a moderate amount of eggs can help protect against heart disease.”
May pag-aaral din sa The American Journal of Clinical Nutrition. Nakita rin nila dito ang benepisyo ng pagkain ng itlog. Nalaman nilang ang pagkain ng at least 12 eggs kada linggo sa loob ng 3 buwan ay hindi nakapagpataas ng cardiovascular risk para sa mga taong may sakit na diabetes.
BASAHIN:
Do nursing moms need more calories? A mom’s guide to healthy breastfeeding diet
STUDY: Low-meat o meat-free na diet ay maaaring magpababa ng tiyansa sa pagkakaroon ng cancer
STUDY: Pagkain ng breakfast, mas nakakataba para sa mga gustong mag-diet
How to have a healthy diet?
Masarap nga naman ang kumain, lalo kung nasa-satisfy nito ang cravings mo. Kasabay ng pagkain, ano pa kaya ang kailangang gawin para maging malusog? Paano nga ba magkaroon ng healthy diet?
Narito ang ilang tips para sa iyo!
- Laging kumain ng prutas at gulay – Puno ng nutrients gaya ng antioxidant, minerals, fiber, at vitamins ang mga prutas at gulay. Makatutulong ito upang ma-maintain ang healthy na timbang at makaramdam ka ng pagiging busog nang mas matagal.
- Pagkain ng mga mayaman sa protein – Nakatutulong ang pagkain ng mga mayaman sa protein na mapangalagaan ang buto, muscles at balat mo. Ilan sa maaaring subukan ay pagkain ng at least two servings ng isa kada linggo at pagpili ng plant-based foods. Mayaman din sa protein ang nuts, tofu, shellfish, poultry produce, at dairy products.
- Pag-iwas sa mga processed foods – Ang mga processed foods ay kadalasang may added ingredients na hindi maganda sa kalusugan dahil sa labis na salt at sugar nitong taglay. Ang ilan sa mga ito ay hotdogs, fast foods, at junk foods.
- Pag-inom ng maraming tubig – Maraming benefits ang pag-inom ng mraming tubig sa araw-araw. Bukod sa hindi ka dehydrated, maraming sakit ang maaaring maiwasan sa pag-inom nito. Mahalagang iwasan din ang sugary drinks. Tulad ng mga fruit juice, soft drinks, at mga flavored coffees dahil labis ang sugar na mayroon dito.
- Kumain ng maliliit na portion ng meal – Kada kakain, mas magandang maliit na portion lamang ang kainin ngunit kumain ng talong beses sa isang araw na mayroong snack sa bawat pagitan. Ang paggutom sa sarili ay maaaring magresulta sa unhealthy habits.
- Gumawa na ng meal plan every week – Para maiwasan ang pagkain ng unhealthy foods sa tuwing nagugutom, gumawa na kaagad ng meal plan bago pa man mag-start ang week upang planado na ang kakainin. Siguraduhin na ang bawat meal ay puno ng nutrients.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!