Sa panahong tulad ngayon, marami sa atin bilang magulang ang nag-aalala dahil sa iba’t ibang sakit na naglilipana ngayon sa ating paligid. Bukod sa sustansya na nakukuha ng ating mga anak sa kanilang kinakain, sapat kaya ito para maprotektahan sila sa banta ng hindi nakikitang mga virus at bacteria? Dapat ba magbigay ng vitamins sa babies? Kung oo, anong magandang vitamins para sa baby?
Ano ang magandang vitamins para sa baby?
Kung ang isang adult na tulad natin ay nagkakaroon ng tinatawag na vitamins deficiency, hindi malabong maranasan din ito ng mga anak natin na hindi sapat ang nakukuhang nutrients sa kanilang iniinom na gatas (formula) o kinakain (kung lagpas na sa anim na buwang gulang ang sanggol).
Minsan, akala natin sapat na ang mga sustansyang naibibigay natin sa kanila. Kaya mas nakakabuting sumangguni sa kanilang pediatrician kung anong magandang vitamins para sa baby, ano-ano ang dapat inumin o kainin upang maiwasan ang vitamin deficiency.
Ilang sa mga Vitamin na karaniwang kinukulang sa mga sanggol ay ang Vitamin A, B, C, at Vitamin D. Ang mga ito ang isa sa mga pinakamahalagang nutrients sa isang indibidwal.
Anong magandang vitamins para sa baby? | Image from Shutterstock
Top 3 Products ng Vitamin A, B, C, D
Ano ang vitamin A at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin A ay isa sa pinakamahalang nurients na kinakailangan ng ating katawan upang tayo ay maging malusog at maiwasan ang sakit na dala ng Vitamin A deficiency.
Narito ang ilan sa magandang benepisyo sa ating katawan ng Vitamin A.
- Maayos na paningin o malinaw na mata.
- Matibay at malakas na buto sa katawan.
- Para sa malakas na immune system panlaban sa sakit na dala ng mga bacteria at virus.
- Mas mababang chance na magkararoon ng cancer.
Anong magandang vitamin A para sa baby?
Tiki-Tiki Star Syrup

Contents
Ang Tiki-Tiki Star Syrup ay naglalaman ng Lysine at B complex. Bukod pa rito, mayroon din itong kasamang mga sumusunod na vitamins:
- Vitamin B1
- Vitamin B2
- Niacin
- Vitamin B6
- Vitamin C
- B12 Vitamin
- Vitamin D
- Vitamin E
Dosage
Para sa 1-3 years old, maaring magbigay ng 2.5-5 mL sa kada araw. Mas mabuting sumangguni sa inyong pediatrician para sa mas tamang dosage before magpainom sa inyong anak.
Cherifer Drops with Taurine and CGF

Contents
Mayroon din itong mga sumusunod na Vitamins na kailangan din ating mga baby upang maging malusog.
- CGF (Chlorella Growth Factor)- nagpapalakas ng immune system at para sa mabilis na recovery ng katawan sa anumang sakit
- Vitamin B1
- Vitamin D
- Niacinamide
- Vitamin B2
- Taurine- essential amino acid at para sa maayos na function ng ating katawan
- Vitamin B6
- Vitamin C
Dosage
Para sa baby na 6 months pababa, magpainom ng 0.3mL. Sa 6 months pataas, magpainom ng 0.6mL. Para sa tamang pagpapainom at paggamit, mas nakabubuting sumangguni muna sa inyong Pediatrician before painumin si baby.
Eurivit Syrup Multivitamins

Contents
Ito ay may Vitamin A (4,000 IU), Ergocalciferol (VitamiB2), Pyridoxine (Vitamin B6), Cyanocobalamin (Vitamin B12), at Ascorbic Acid (Vitamin C).
Dosage
Para sa baby na 0-1 year old, maaaring magpainom ng 2.5mL araw-araw. Magsabi sa inyong Pediatrician before painumin ang inyong anak ng Eurivit para sa tamang instruction at dosage.
Ano ang vitamin B at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin B Complex ay binubuo ng mga sumusunod:
- B-1 (thiamine)- para sa maayos na function ng organs sa katawan
- B-2 (riboflavin)- para sa breakdown ng fats sa katawan
- B-3 (niacin)- para sa malusog na balat, nerves, at maayos na panunaw ng katawan
- B-5 (pantothenic acid)- para sa maayos na brain at nervous system
- B-6 (pyridoxine)- para sa pagbuo ng bagong red blood cells at sa pagpapalakas ng immune system
- B-7 (biotin)- para sa malusog at matibay na buhok
- B-9 (folic acid)- para sa brain development ng baby
- B-12 (cobalamin)- para rin sa pagbuo ng red blood cells sa katawan
Bukod sa mga sumusunod, napatunayan na ang Vitamin B complex ay higit na kailangan ng baby habang siya ay lumalaki para development ng brain, body, at pampalakas ng immune system. Binibigay rin ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng stress ng baby habang siya ay lumalaki.
Ano ang magandang vitamin B para sa baby?
Ferlin Iron + Vitamin B Complex

Contents
Bukod sa Iron, alam nyo ba na ang Ferlin ay mayroon ding Vitamin B Complex na binibigay sa inyong mga anak. Kung kaya’t Mabuti itong ibigay sa baby habang siya ay lumalaki.
Dosage
Para sa tamang dosage ng inyong mga baby, mas nakakabuting sumangguni sa inyong Pediatrician. Kailangan ang timbang at edad ng baby sa tamang pagbibigay ng supplement na ito.
Nutrilin Orange Flavor

Contents
Nutrilin Oral Drops ang isa sa mga multivitamins na may mataas na Vitamin B Complex. Mayroon ding itong kasamang Vitamin A, Vitamin D, at Vitamin K.
Dosage
Para sa tamang dosage ng baby na 0-12months, hingiin ang payo ng inyong Pediatrician. Kinakailangan ito para sa tamang dosage bago painumin ang inyong baby.
Polynerv Syrup

Contents
Ito ay para sa tamang paglaki, pagbawas ng stress ng baby, at maiwasan ang malalang sakit. Binibigay din ito sa mga baby na may digestive tract diseases at ilang sakit na may kinalaman sa nervous system.
Dosage
Para sa tamang dosage, sumangguni sa inyong Pediatrician before painumin ang inyong baby. Mas makabubuting sundin ang payo ng mga eksperto bago painumin ng anumang Vitamins o gamot ang inyong mga anak at anong magandang vitamins para sa baby.
Anong magandang vitamins para sa baby? | Image from Shutterstock
Ano ang vitamin C at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin C ang pinakakilala na bitamina na mabibili sa mga drugstore. Ito ay kilala bilang ascorbic acid. Mayroon itong antioxidant properties na nagpoprotekta sa cells sa pagkasira. Mahalaga ito sa baby dahil nakakatulong ito sa pag-produce ng protein collagen at pag-absorb ng iron sa katawan.
Isa rin ito sa nagpapalakas ng immune system lalo na sa baby. Ang Vitamin C din ang dahilan kung bakit napapabilis ang paghilom sa sugat ng ating katawan.
Anong magandang vitamin C para sa baby?
Ceelin Plus Drops Vitamin C + Zinc

Contents
Bukod sa Vitamin C, mayroon din itong Zinc na tumutulong para makaiwas sa sakit ang ating mga anak.
Dosage
Para sa tamang dosage, kailangan timbangin ang baby at kunin ang edad nito at sundin lang ang payo ng Pediatrician sa tamang pagpapainom nito.
Pedzinc Plus Vitamin C Drops

Contents
Mayroon din itong Zinc para sa dagdag proteksyon ng baby. Nakakatulong ang pagpapainom nito para sa matibay na katawan, malakas na resistensya laban sa sakit, at nilalabanan ang common infections.
Dosage
Para sa mga baby na 6months pataas, maaaring magpainom ng 0.6mL araw-araw. Hingin ang payo ng Pediatrician sa tamang dami o sukat ng ibibigay sa baby na mas may mababang edad.
Poten-Cee Drops (Ascorbic Acid)

Content
Nagbibigay ito ng proteksyon sa baby laban sa anumang sakit at common infections sa kapaligiran.
Dosage
Para sa mga baby na may edad 3-12months, magbigay ng 0.3mL hanggang 0.7mL. Sa baby na 3months pababa, maaaring painumin ng 0.1-0.3mL. Nakakabuting magpkonsulta muna sa Pediatricia bago painumin ang inyong baby.
Ano ang Vitamin D at bakit ito mahalaga?
Ang Vitamin D o kilala rin bilang Sunshine Vitamin ay nakukuha mula sa araw o pagpapaaraw. Mahalaga ito dahil, ito ang dahilan ng pag-absorb ng katawan ng calcium. Ang calcium ang siyang nagpapalakas ng buto at ngipin para sa maayos na development ng isang baby.
Anong magandang vitamins para sa baby? | Image from Shutterstock
Kung panahon ng tag-ulan, karamihan sa mga baby ang hindi napapaarawan ng maayos, at kinukulang sa Vitamin D. May mga supplement na gawa sa Vitamin D ang rekomendado ng mga Pediatrician upang sumapat ang Vitamin D sa katawan ng isang baby especially ng mga baby na hindi gaanong napaparawan.
Anung magandang vitamin D para sa baby?
Ostelin Infant Vitamin D3 Drops

Content:
Safe sa mga baby na dumedede sa kanilang mga ina. Ito ay may cholecalciferol na tumutulong sa pag-absorb ng calcium at phosphorus sa katawan ng baby. Ito rin ay sugarless at walang preservatives kaya ideal itong ipainom sa mga baby especially sa mga baby na hindi madalas makakuha ng sapat na init mula sa araw.
Dosage:
Para sa edad 12 months pababa, maglagay ng isang patak sa nipple ng breastfeeding mom, at ipadede ito sa baby. Para naman sa 12months pataas, ihalo ang isang patak sa kanilang inumin. Maaari itong ibigay before o after kumain.
California Gold Nutrition, Baby Vitamin D3 Drops

Contents
Nagtataglay rin ito ng cholecalciferol na tinatawag ding Sunshine Vitamins kaya mainam din itong supplement sa mga baby na hindi madalas naaarawan.
Dosage
Para sa tamang dosage, sumangguni sa inyong Pediatrician.
Ddrops Baby 600 IU Vitamin D3 100 drops

Content
Ito ang dahilan sa tamang pag-absorb ng calcium sa ating katawan. Ito rin dahilan para maiwasan ang pagkawala ng amino acid sa katawan. Binibigay ito sa baby especially ng mga baby na hindi madalas mapaarawan dahil sa panahon.
Dosage
- Sa baby na 0-12months, isang patak ng Ddrops sa kada araw ang pinakasafe na dosage.
Siguraduhing sapat ang kaalaman before painumin ang inyong baby ng anumang Vitamins o supplement. Hingiin ang payo ng Pediatrician o pumunta sa pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar upang malamang kung anong magandang vitamins para sa baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.