Malungkot man ang TV-radio host at amang si Anthony Taberna sa pinagdaraanang sakit ng kaniyang anak. Proud naman siya sa pinapakitang tapang at lakas nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbabahagi ni Anthony Taberna sa sitwasyon ng kaniyang anak
- Karanasan nila ng kaniyang asawa nang malaman ang sakit ng anak
- Mensahe ng pasasalamat ni Anthony
Anthony Taberna with wife Rossel and daughter Zoey./Image from Anthony Taberna’s Facebook account
Paglaban sa sakit na leukemia ng anak ni Anthony Taberna
Sa pamamagitan ng isang lengthy Instagram post ay ibinahagi ng TV reporter na si Anthony Taberna ang sakit na pinagdaraanan ng kaniyang anak. Ayon kay Taberna ay nakikipaglaban sa sakit na leukemia ang kaniyang panganay na si Zoey. Ito ay kanila lang nalaman Disyembre noong nakaraang taon. Nang bigla magising si Zoey sa kaniyang pagtulog dahil sa napakasakit niyang binti at mga hita.
“Eksaktong isang taon na pala mula nung subukin ang aking pamilya ng isang karanasang hindi namin makakaya kung kami lamang. Bandang alas dos ng madaling araw, ginising ako ni Zoey na umiiyak dahil napakasakit daw ng kaniyang mga binti hanggang sa kaniyang hita.”
Ito ang pahayag ni Taberna sa kaniyang Instagram account.
Dahil sa pag-aalala at awa sa anak na nakakaranas ng sakit ay agad daw nilang dinala sa ospital si Zoey. Noong una akala nila, ito ay dulot ng sakit sa buto. Ngunit ito ay mas malubha pala at dulot ng sakit na leukemia.
“Akala kasi namin ay isang sakit na may kinalaman sa buto ang sanhi ng mga kirot na idinadaing ni Zoey. Ngunit mas malubha pala 😭😭😭. Si Zoey ay inilipat namin sa katabing hospital na St Lukes sa pangangalaga ni Doc Allan Racho. Doon nakumpirma, ang aming panganay ay may bone marrow disease na sa bandang huli ay natukoy bilang LEUKEMIA.”
Anthony Taberna: “Kung puwede ay ako na lamang bilang ama ang magdanas para sa aming anak.”
Ayon kay Taberna, ay parang guguho ang mundo nila ng kaniyang asawang si Rossel ng malaman nila ang sakit ng kanilang anak na 11-anyos palang noon. Kahit nga daw gusto nilang maging malakas sa harap nito ay hindi nila mapigilang umiyak ng malaman ang sakit na pinagdaraang ng anak. Bilang ama ay nasabi niya na sana siya nalang ang may sakit at hindi ang anak niya.
“Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan. Walang tigil ang aming pananalangin. Kahit gusto sana naming ikubli sa aming anak ang pagluha upang ipakita sa kaniya na kami’y matapang at malakas subalit tuwing kami’y dudulog sa Diyos ay hindi maiwasan na kami’y tumangis. Ang pangunahing laman ng aming mga pagdaing – alisin ang kirot at hapdi at kung puwede ay ako na lamang bilang ama ang magdanas para sa aming anak.”
Taberna: Hanga ako sa tapang ng aming panganay.”
Kahapon sa isa paring Instagram post ay ibinahagi naman ni Taberna ang itsura ngayon ng anak na si Zoey. Dahil sa naglalagas na ang buhok nito dulot ng chemotherapy ay minabuti nilang kalbohin nalang ito. Isang bagay na alam niyang magdudulot ng insecurity sa anak. Ngunit sa kuhang larawan ng anak, ito ay nakangiti. Isang bagay na nagpahanga sa radio at TV host. Dahil sa kabila ng sakit na pinagdaraanan ng anak ay nanatili itong masayahin at malakas.
Anthony Taberna’s daughter Zoey./Image from Anthony Taberna’s Facebook account
“Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag-umpisang malagas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy.”
“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala.”
“May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay.”
Ito ang pahayag pa ni Taberna.
BASAHIN:
Buntis na may leukemia, tinanggihan ang chemo para mabuhay ang baby
Mensahe ng pasasalamat ng anak ni Taberna
Samantala, sa isa paring Instagram post ay ibinahagi rin ni Zoey ang kuwento sa kung paano niya nalaman ang tungkol sa kaniyang sakit. At sa dulo nito ay nagpasalamat siya sa kaniyang mga magulang na sina Rossel at Anthony Taberna sa walang sawang pag-aalala sa kaniya. Pati na sa kaniyang kapatid na si Helga at higit sa lahat sa Panginoon.
“Thank you, mom and dad, for helping me always. Thank you for listening to me when I am having a hard time. And thank you po for working hard for me and our whole family. I know you have problems now but I’m sure you will overcome them very soon!”
“Also want to thank my sister, Helga. I know I always fight and argue with you but I hope you know that I am very grateful for you. Thank you for taking care of me when I’m not feeling well. Thank you for listening to me when I am overthinking or when I am having a hard time expressing my feelings. And thank you din for always having my back. lastly and most importantly, I want to say thank you to God.”
Ito ang mensahe ng pasasalamat ni Zoey.
Si Zoey ay ang panganay na anak ni Anthony Taberna at asawa nitong si Rossel Velasco. Siya ngayon ay 12 taong gulang. Ang isa pa nilang anak ay si Helga na 11-anyos na ngayon.
Zoey with her sister Helga./Image from Anthony Taberna’s Facebook account
Ano ang sakit na leukemia?
Ayon sa Mayo Clinic, ang sakit na leukemia ay isang uri ng cancer na tumatama sa blood-forming tissues ng katawan. Kabilang na ang bone marrow at lymphatic system. Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng siyensya ang pinagmumulan ng sakit. Ngunit ito daw ay nag-dedevelop mula sa kombinasyon ng genetic at environmental factors.
Maraming uri ng leukemia, ngunit ang mga pangunahing sintomas ng sakit ay magkakatulad at ito ang mga sumusunod:
Early symptoms ng leukemia
- Lagnat at pangangatog ng katawan.
- Madalas na pagkapagod at panghihina ng katawan.
- Madalas at malalang mga impeksyon.
- Biglang pagbawas ng timbang.
- Kulani o kaya naman ay enlarged liven o spleen.
- Mabilis na pamamasa o pagdurugo.
- Paulit-ulit o napapadalas na pagdurugo ng ilong.
- Malilit na red spots sa balat.
- Matinding pagpapawis lalo na sa gabi.
- Paninigas at pananakit ng buto.
Kung sakaling makaranas ng mga nabanggit ay mabuting magpunta at magpatingin na sa duktor. Ito ay upang agad na matukoy ay iyong kondisyon at malapatan na ito ng lunas na kinakailangan.
Source: