Noong ika-18 ng Mayo nagsimula ang implementasyon ng anti-distracted driving law, o ang batas na magbabawal sa mga nagmamaneho na gumamit ng mga cellphone, tablet, at iba pang mga “electronic device” habang nagmamaneho upang bumaba ang dami ng mga aksidente na dulot nito.
Ano ang bawal gawin habang nagmamaneho?
Ayon sa batas, lahat ng mga nagmamaneho ay bawal tumawag, pagpapadala ng text, paglalaro ng “mobile games”, panonood ng palabas, pagbabasa, at pag-browse sa internet.
Ngunit kung ang ang paggamit ng cellphone dahil sa mga emergency tulad ng aksidente, krimen, sunog, atbp., ay pinapayagan.
Nakasulat din sa batas na pwede namang gumamit ng mga hands-free na headphone at microphone, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak at paggamit ng cellphone.
Paano ang gumagamit ng Waze at Google Maps?
Para naman sa mga motoristang gumagamit ng Waze at Google Maps habang nagmamaneho, papayagan pa din ang paggamit nito basta’t hindi nila gagalawin ang app habang nagmamaneho, at hindi dapat nakalagay ang cellphone sa lugar kung saan ito ay nakaharang sa nakikita ng nagmamaneho.
Kapag kailangan ng driver na gamitin ang app, kailangan munang itabi ng driver ang sasakyan bago niya pwedeng gamitin ang kaniyang cellphone.
Ano ang magiging parusa sa mga lalabag sa batas na ito?
Sa mga lalabag sa bagong batas, magkakaroon ng 5,000 pisong multa para sa unang paglabang, 10,000 pisong multa para sa pangalawa, at 15,000 libong multa para sa pangatlong paglabag. Para sa mga patuloy na lalabag sa batas, kukuhanin ang kanilang lisensiya at magmumulta sila ng 20,000 pesos.
Lahat ng mga nagmamaneho, mapa-pribado man o pampublikong sasakyan, ay kinakailangang sumunod sa bagong batas na ito.
Para sa mga operator ng PUV at iba pang pampublikong sasakyan, mananagot din ang may-ari o operator ng sasakyan.
Sources: cnnphilippines.com, news.abs-cbn.com
READ: Senator Risa Hontiveros pushing for anti-catcalling and anti-public harassment law
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!