Maaaring magkaroon daw ng factor ang pagkakaroon ng anxiety habang buntis upang mapaaga ang panganganak, ayon sa pag-aaral ng eksperto.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- STUDY: Anxiety maaaring magresulta ng early birth sa mga buntis
STUDY: Anxiety habang buntis, posibleng magresulta ng early birth
Maraming challenges ang maaaring ma-experience ng isang mommy during pregnancy. Kaya nga hindi matatawaran talaga ang sacrifices ng pagiging ina. Ang bawat hamon na ito ay may epekto hindi lamang kay baby kundi pati kay mommy.
Katulad na lamang ng pagkakaroon ng anxiety. Sa pag-aaral ng American Psychological Association na nailathala sa Health Psychology, napag-alaman nilang ang mga kababaihang nakakaranas ng pagiging anxious ay mas nanganganak nang maaga kaysa sa mga wala nito.
Kinuha nila ang datos mula sa 196 na pregnant women sa Denver at Los Angeles na nagmula sa iba’t ibang lahi. Forty-five percent dito ay mga non-Hispanic white, thirty-six percent ang Hispanic white. Ten percent ang Asian habang nine percent naman ang Black o African American. Sinukat nila ang anxiety sa iba’t ibang phase ng pregnancy magmula sa early to late hanggang sa second trimester.
Gumamit din ang mga researchers ng apat na magkakaibang anxiety scales para sa kanila during sa first at third trimester. Ito ay ang mga sumusunod:
- Five-question screener para sa general anxiety during first and third trimester
- Ten-question and four question scale ng pregnancy related-anxiety
- Nine-question assessment sa iba’t ibang range ng maaaring makapagbigay stress sa pagbubuntis (Halimbawa medical care, finances, etc.)
Nakita nilang isa sa bawat apat na buntis na babaeng mayrong sintomas ng pagiging anxious at may mataaas na risk para sa preterm birth o panganganak ng mas maaga sa 37 weeks. Lalo na raw ang mga nanay na mayroong anxiety sa third trimester.
Para sa lead study author ng pag-aaral na si Christine Dunker Schetter, PhD, sa University of California Los Angeles, tinindigan niya ang resulta ng pag-aaral na may epekto talaga sa birth outcome ang anxiety.
“Anxiety about a current pregnancy is a potent psychosocial state that may affect birth outcomes.”
Marami na raw ang pag-aaral para sa anxiety at iba pang mental health issues matapos manganak, kailangan din daw ngayon na maging habang nagbubuntis pa lamang ay nasusukat din ito.
“These days, depressive symptoms are assessed in many clinic settings around the world to prevent complications of postpartum depression for mothers and children. This and other studies suggest that we should also be assessing anxiety in pregnant women.”
Bukod dito, nakagugulat din daw malaman na maging ang general anxiety sa first trimester ay mayroon ding factor sa mas maagang panganganak. Narito ang ilan sa maaaring dahilan kung bakit:
- Pagkakaroon ng takot sa iba’t ibang medical risks
- Pag-aalala sa kalagayan ni baby
- Pagkatakot sa dadanasing labor
- Pag-iisip sa magiging delivery
- Pag-iisip sa role bilang magulang
- Pagbabago sa nueroendocrine
- Pagkaranas ng inflammation
- Pagkakaroon ng iba’t ibang health factors
Dagdag pa ni Dunkel Schetter, hindi naman daw lahat ng nagbubuntis ay nagkakaroon kaagad ng sintomas ng anxiety. Pero kung sakaling makaranas man, lumalaki ang posibilidad sa mas maagang delivery.
“Although not all women who begin pregnancy with general anxiety symptoms will later experience pregnancy-specific anxiety. Our results suggest that women who do follow this progression are likely to be especially at risk for earlier delivery.”
Dahil dito, nakita raw nila na mahalaga ring nagkakaroon ng screening para sa kababaihan para sa sintomas ng general anxiety sa panahon na buntis sila gaya kung paano nagi-screen para sa depression. Kinakailangan din daw na ang mga pregnant women na may mataaas na scrore at namo-monitor upang malaman kung ano ang maaaring maitulong para sa kanilang pagbubuntis na hindi mauwi sa early delivery.
Maaari raw kasing maging epekto ng early delivery ang pagkakaroon ng underdevelopment o iba pang health risk factors para sa sanggol.
Suggestion din ng researchers na mahalaga raw na nauunawaan ang maaaring maging epekto ng anxiety sa buntis. Sa pamamagitan daw kasi nito lang matutulungan na magkaroon ng ibang hakbangin upang masolusyunan ang early delivery.