Pagkatapos manganak ng isang babae, normal na marami ang maranasan nilang pagbabago—pisikal na anyo man ito o sariling pamumuhay. Ngunit kung partikular na pag-uusapan ang ari ng babae pagkatapos manganak, ano nga ba ang dapat malaman ng ating mommies?
Mababasa sa artikulong ito:
- Nangyayari sa vagina ng babae matapos manganak
- Pangyayari sa pelvic floor ng babae
Ari ng babae pagkatapos manganak: Mga dapat mong malaman
Isa sa mga imporante at dapat bigyan ng pansin ay ang “pagbabago” sa ari ng babae pagkatapos manganak. Ngayon, pag-usapan natin ang pelvic floor, isang parte sa loob ng katawan ng babae.
Ayon kay Ryan Bailey, isang maternal pelvic health specialist, mahalaga ang pelvic floor lalo na sa mga babae. “Everyone should be acquainted with it, even before getting pregnant.”
Pero una sa lahat..ano ba ang pelvic floor?
Mahalaga ang pelvic floor sa mga babae lalo na kapag magbubuntis sila. Ito’y nagsisilbing higaan o duyan ng mga sanggol sa perineal area ng iyong tiyan. Nakakonekta ito sa iyong pantog, ari at puwit. Sa makatuwid, ang iyong bladder at uterus ay nakapatong dito.
Bago man ‘yan o pagkatapos manganak, labis na naapektuhan o nagkakaroon ito ng matinding pressure. Nararanasan nitong humaba o lumawak sa sanhin ng pagkasira ng tissue.
BASAHIN:
12 bagay na maaaring mabago sa buhay mo kapag may anak ka na
STUDY: Stress sa pagbubuntis, maaaring may epekto sa brain development ni baby
Mom confession: “Naalala ko pa ang nakakahiyang nangyari sa’kin noong may prenatal depression ako.”
6 na nangyayari sa vagina at pelvic floor after manganak
Moms, maging maalam! Narito ang anim na kailangan mong malaman sa ari ng babae at pelvic bone.
1. Pananakit sa bandang singit
Kilala ito sa tawag na perineal pain. Normal at kadalasan itong nararanasan pagkatapos manganak pero hindi ibig sabihin ay hindi na ito dapat pansinin. Maaari itong maranasan kapag buntis at pagkatapos manganak. Paglilinaw ng mga eksperto, kinakailangan ng agarang aksyon kapag nakakaramdam ka ng anumang sakit sa katawan sa loob ng isang araw.
Safe naman ang katawan kung babalik sa mga pisikal na gawain ngunit tandaan na ang tuloy-tuloy na pananakit ay hindi dapat balewalain.
2. Pagtatalik pagkatapos manganak
Ayon kay Azzaretto Michitsch, ang karamihan ay nakakaramdam ng matinding pressure sa pagtatalik pagkatapos manganak. Ngunit laging tandaan na iba-iba ang paggaling ng mga babae.
Dagdag pa ni Azzaretto Michitsch,
“If the pelvic floor muscles are very tight or have high muscle tone, you might have more trouble orgasming. If the muscles are not as strong, insertion wouldn’t be a problem, but climaxing could be.”
Nagiging problema sa pagpapagaling ng babae ang episiotomy o dryness.
3. Maging alerto
Kinakailangang maging alerto ng mga mom sa pagtingin sa kanilang katawan. Ito’y dahil hindi natin namamalayan na may sira na pala ang pelvic floor natin.
Importante rin ang magpatingin sa iyng ob-gyn pagkatapos ng anim na buwan pagkatapos manganak. Alamin kung may mga sintomas kang katulad nito:
- Hirap makaihi
- Matinding pressure sa perineal area
- Pagbigat ng perineal area
- Constipated lagi
- Hirap sa pagdumi
4. Walang kontrol
Pagkatapos manganak literal na mawawalan ka ng kontrol sa iyong katawan. Katulad na lamang ng biglang paglabas ng ihi kapag tumatawa o umuubo. Nasa loob ito ng “six week postpartum” ng mga bagaong panganak.
5. Dryness
Habang ang buntis ang isang babae, ang lebel ng kaniyang hormones na kung tawagin ay estrogen ay tumataas. Ngunit agad ding bumababa pagkatapos manganak na pangunahing dahilan kung bakit nagiging tuyo ang babae.
6. Pagbabago ng kulay ng vulva
Isa pang aasahan sa iyong ari ay ang pagbabago ng kulay ng vulva.
Ayon kay Dr. Dweck,
“We often see pigment changes on the vulva—not necessarily inside the vagina—specifically on the labia and on the perineum (the area between the vaginal opening and anus).”
Kung mayroon kang malaking tahi, ito’y tuluyang magbabago na. “They might see blotches of darker pigmentation.”
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.