Bagamat bihirang nangyayari, ang mga ari ng lalaki ay maaring makaranas ng injury o penile fracture dahil sa pagtatalik.
Nangyari nga ito sa isang painter at decorator na si Sean Marsden habang nakikipagtalik sa kaniyang girlfriend na si Louise Gray noong December 22.
Ayon kay Sean, 48 years old, kasulukuyan silang nagtatalik ng kaniyang girlfriend na si Louise, 36 gamit ang doggy style ng biglang madulas ang kaniyang penis at tumama sa balakang ng kaniyang girlfriend.
Dito ay bigla siyang nakarinig ng crack at namilipit sa sakit. Matapos nga nito ay nakita niyang unti-unting namaga ang kaniyang penis na naging kasing laki daw ng isang wine bottle.
Image from SWNS:SOUTH WEST NEWS SERVICE
Dahil sa nangyari ay agad na tumawag sa 999 ang girlfriend ni Sean para humingi ng tulong. Pagdating sa ospital ay binigyan agad si Sean ng morphine para sa sakit habang nagsasagawa ng penile exploration ang mga doktor para matukoy kung ano ang nangyari sa ari niya.
Dito napag-alamang nakaranas ng penile fracture at torn urethra si Sean na kinailangang dumaan sa isang surgery para ma-repair.
Pagkabali ng ari ng lalaki o penile fracture
Ang penile fracture ay isang injury sa ari ng lalaki na kadalasang nararanasan habang nakikipagtalik. Ngunit hindi tulad ng fracture sa buto o bone, ang penil fracture ay nangyayari sa dalawang bahagi ng ari ng lalaki na responsable sa erection. Ito ay ang corpora cavernosa at ang penile sheath.
Kapag ang lalaki ay nakakaranas ng erection ang kaniyang ari ay napupuno ng dugo. Kaya ang biglaan o pwersahang pag-bend dito ay maaring makapagdulot ng trauma o pagkaputok ng isa sa mga lining na pumapaligid dito at maaring magdulot ng penile fracture.
Ngunit maliban sa pagtama ng penis sa matigas na bagay o parte ng katawan ng isang babae gaya ng pubic bone na tulad ng nangyari kay Sean, ang penile fracture ay maari ring maranasan dahil sa aggressive masturbation.
Mga sintomas ng penile fracture
Ang mga sintomas ng penile fracture sa ari ng lalaki ay ang sumusunod:
- Moderate-to-severe pain
- Bleeding o pagdurugo sa penis
- Maitim na pasa o dark bruising sa ari ng lalaki
- Hirap sa pag-ihi
- Pagkarinig ng crack or popping sound habang nakikipagtalik
- Pagkawala ng erection habang nakikipagtalik
Ang isang penis na nakaranas ng fracture ay mag-iiba ang hugis o mededeform na parang isang talong na kung saan magkukulay purple rin ito at mamamaga.
Paano ginagamot ang penile fracture
Ang sinumang lalaki na nakaranas ng penis fracture ay dapat mabigyan agad ng kaukulang medikal na atensyon dahil ito ay maaring makadamage sa kaniyang sex life at urinary function.
Samantala, ang paraan para malunasan ang penis fracture ay sa pamamagitan ng isang surgery para marepair ang mga damaged at pumutok na blood vessels. Hindi naman kinakailangang magtagal o maconfine sa ospital ang mga lalaking dumaan sa surgery dahil dito. Ngunit ipinapayong huwag muna makikipagsex sa loob ng isang buwan para tuluyang maghilom at bumalik sa dati ang nainjured na ari nito.
Ganito nga ang eksaktong nangyari kay Sean.
Matapos maisagawa ang surgery sa kaniya ay agad naman siyang nadischarged sa ospital at niresetahan lang ng painkillers. Pinayuhan din siyang gumamit ng temporary catheter para mailabas ang ihi sa kaniyang katawan habang nagpapagaling pa ang kaniyang urethra mula sa injury.
Kinailangan din ibalot ang kaniyang ari ng bandages na may plastic rod para masiguradong marerepair ng maayos at straight ang mga muscles sa ari niya. Mahigpit din sinabi ng mga doktor na kailangan niya munang iwasang makipagtalik sa loob ng isang buwan para pagalingin ang ari niya mula sa injury.
Image from Facebook
Ngunit hindi na nakapagpigil si Sean at nakipagtalik na sa kaniyang girlfriend 3 weeks pagkatapos ng kaniyang surgery. Noong una daw ay naisip ni Sean na hindi na muling makipagtalik dahil sa nangyari.
Ngunit ang sex drive niya daw ay napakataas at ang madalas na erection daw na nararasan niya ay palantandaan na nakarecover na ang ari niya mula sa injury. Kaya kahit namamaga pa ng kaonti ay sinubukan na ni Sean na makipagsex ulit sa kaniyang girlfriend na ayon sa kaniya ay masakit daw noong una.
Ayon parin kay Sean, ang nangyari ay nagturo sa kaniya na maging maingat dahil ayaw niya ng maulit pa ito.
Samantala, natrauma naman daw ang girlfriend niya na si Louise sa nangyari at nangangambang baka makaapekto ang penile injury na dinanas ni Sean sa kaniyang fertility at sa pangarap nilang magkaanak.
Samantala sa isang pag-aaral na pinangalanang “Relationship between sexual position and severity of penile fracture” na nafeature sa International Journal of Impotence Research napag-alaman ng mga researchers na ang doggy style ang pinakadelikadong position sa pakikipagsex. Ito ay dahil sa 41% ng mga kaso ng penile fractures habang nasa position na ito. Sumunod naman dito ang missionary na may naitalang 25% ng kaso ng penile fractures.
Sources: Mayo Clinic, Medical News Today, Daily Mail, The Sun
Basahin: Toddler “breaks” dad’s penis: What do you know about penile soft tissue injury?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!