Pamilya ni Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza!

Ang tanong kailan nga ba ang petsa ng kasal?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Arjo Atayde at Maine Mendoza isinagawa ang isa sa mga Filipino tradition ng mga magkasintahang malapit ng ikasal, ang pamamanhikan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Arjo Atayde, Maine Mendoza pamamanhikan.
  • Nalalapit na pagpapakasal ni Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Arjo Atayde, Maine Mendoza pamamanhikan

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Mukha wala na nga talagang makakapigil sa nalalapit na kasal nila Arjo Atayde at Maine Mendoza. Dahil ang pamilya nilang dalawa ay isinagawa ang isa sa traditional na practice sa kasalang Pilipino. Ito ang pamamanhikan na kung saan ang pamilya ng ikakasal na lalaki ay pormal na hinihingi ang kamay ng ikakasal na babae sa kaniyang pamilya.

Matanda man na itong kaugalian, hindi naman nag-atubili ang pamilya ni Arjo na gawin ito para kay Maine. Ibinahagi nga ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang mga larawan sa kanilang pamamanhikan sa Casa Mendoza o bahay nila Maine sa Bulacan.

“June 25, 2023

Pamamanhikan

The Ataydes & Mendozas will soon merge as one family

Excited ”

Ito ang caption ng post ni Sylvia sa Facebook tampok ang petsa kung kailan nila isinagawa ang pamamanhikan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Sylvia, na maliban sa kaniyang asawa at mga anak ay kasama rin nilang namanhikan sa pamilya ni Maine ang iba pa nilang kapamilya. Ganoon rin sa kampo ni Maine na kung saan present din sa pamamanhikan ang kaniyang mga pamangkin, lola, lolo at mga pinsan.

Base nga sa post ni Ria Atayde, kapatid ni Arjo, talagang all-out support ang kanilang pamilya sa nalalapit na kasal ng dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“But I mean, would it be a proper introduction if we weren’t the entire Barangay Atayde? A first for our little barangay.”

Ito ang caption ni Ria sa family photos nila sa naganap na pamamanhikan.

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza

Nalalapit na pagpapakasal ni Arjo Atayde at Maine Mendoza

Wala pang eksaktong petsang ibinabahagi sila Maine at Arjo kung kailan sila ikakasal. Pero minsan ng ibinahagi ni Arjo na ang kanilang kasal ay magaganap ngayong taon. Sila ay na-engage Hulyo ng nakaraang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maine Mendoza