Nagpromise si Arjo Atayde na kapag kinasal sila ng kanyang fiancee, ito na daw ang priority ng aktor.
Maine Mendoza, ang top priority ni Arjo Atayde pag kinasal na
Pangako ni Arjo na pamilya pa rin ang magiging priority niya kapag nagsama na bilang mag-asawa.
Si Arjo ay isang actor, producer at public servant. Nainterview ito kung paano nga ba niya nababalanse ang mga trabaho at ang personal life.
Siniguro ng aktor na kahit busy siya sa pagiging congressman.Sisiguraduhin niya na mabibigyan niya ng sapat na oras at atensyon ang magiging asawa na si Maine.
Maine at pamilya ang priority ni Arjo Atayde kahit busy ito sa trabaho. |Larawan mula sa Instagram ni Maine Mendoza
“Definitely once we’re married, Maine is definitely my priority. Then family and Congress. But definitely, Maine will always be my priority,” ayon sa panayam sa congressman.
Si Maine pa rin ang uunahin ng aktor sa lahat dahil ito ang kaniyang future wife. Ang fiancee, pamilya at trabaho daw ang focus ni Arjo sa kanyang buhay ngayon.
Si Arjo ay bida at producer sa palabas na “Cattleya Killer” habang ito ay congressman rin.
Ang kanyang palabas ay umani ng papuri galing sa mga manonood. Ito ay mapapanood sa Amazon Prime Videos
Kaya marami ang napapatanong kung paano nga ba nito nababalanse ang oras.
“It’s really time management. And we just really balance it.” Ayon pa sa award winning actor.
Nangako si Arjo na kaya niya pa rin mag time management sa trabaho at personal life. | Larawan mula sa Instagram ni Arjo Atayde.
Ang kasal ng dalawa ay wala pang siguradong date pero usap usapan ay ngayong taon o next year.
Sa isa pang inteview ay nabanggit ni Arjo ang kagustuhan sa pagkakaroon ng tatlong anak sa fiancee na si Maine.Pero kung ano daw ang ibibigay ni God ay tatangapin nila ng buong puso.
“I always work for the future of my family and not for myself.”
Ayon pa sa actor ay ito ay nagtratrabaho para sa future ng kanilang pamilya at magiging asawa na si Maine.
Focus daw muna sa trabaho sa congress, acting at sa pagiging boyfriend ni Maine ang mindset ni Arjo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!