Arny Ross: “Happy, Contented and Proud Breastfeeding Mom at 32❤”

Ayon kay Arny, naging struggle man sa una ang pagpapasuso sa kaniya, ngayon ay nai-enjoy niya na ito at super proud siyang maging exclusive breastfeeding mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Arny Ross proud na ibinahaging siya ay exclusive breastfeeding mom sa edad na 32-anyos.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Arny Ross experience as a breastfeeding mom.
  • First birthday ng anak ni Arny na si Baby Jordan Franco.

Arny Ross experience as a breastfeeding mom

Larawan mula sa Facebook account ni Arny Ross

Sa kaniyang nagdaang 32nd birthday, ginawang espesyal ng aktres na si Arny Ross ang kaniyang selebrasyon sa pamamagitan ng isang photoshoot. Ang ginawang photoshoot ni Arny ay kaugnay sa kaniyang pagiging isang ina at ang pride na ibinibigay sa kaniya ng pagiging exclusive breastfeeding mom sa anak na si Jordan Franco.

Karga ang isang taong gulang na anak, ay nag-pose si Arny ng topless sa camera. Ang caption ng kaniyang post ay patungkol sa nararamdaman niya bilang isang breastfeeding at first-time mom.

“Happy, Contented and Proud Breastfeeding Mom at 32❤️ Everything has changed, and yet, I am more than “me”, I am now a mother. Enjoying and treasuring every minute of motherhood, breastfeeding my baby every single day. Haaaayyy best feeling, best accomplishment, best moments of my life!”

Ito ang bahagi ng post ni Arny sa Instragram.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa anak na bumuo daw ng kaniyang sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank You Baby Franco for making me feel complete and whole! Thank you for making me a Mom!”

Ito ang sabi pa ni Arny.

Sa isang hiwalay na IG post ay ibinahagi ni Arny na nahirapan siya sa unang beses na siya ay nagpasuso sa anak. Pero dahil sa suporta ng kaniyang mister na si Franklin Banogon ay nalampasan niya ito. At sa ngayon ay ini-enjoy niya ang eksklusibo niyang pagpapasuso sa isang taong gulang na niyang anak.

“SENDING HUGS TO ALL BREASTFEEDING MOMS. WE DID IT. I remember my Day 1 breastfeeding my little one, struggle is real, but look at us now Baby.
#1yearexclusivebreastfeeding

Ito ang bahagi ng post ni Arny na kalakip din ang pasasalamat niya sa napaka-supportive niyang mister na isa sa dahilan kung kabit nai-enjoy niya ang pagiging.

Larawan mula sa Facebook account ni Arny Ross

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“He’s the main reason why I enjoyed this motherhood! My very hands-on husband @franklinbanogon ❤. I couldn’t ask for more. Thank you so much Daddy for always being the best Dad and hubby, thank you for taking care of us everyday! He’s a very supportive partner, buti na lang talaga na-Mine ko to 15 years ago❤.”

Ito ang sabi pa ni Arny.

First birthday ng anak ni Arny na si Baby Jordan Franco

Nitong August 3 ay ipinagdiwang rin ni Arny at kaniyang ang mister ang first birthday ng anak nilang si Franco. Ito ay may sarafi theme na ayon kay Arny na ginawa nilang mag-asawa para sa anak. Dahil sa nais nilang maiparanas dito ang hindi nila naranasan noong sila ay mga bata pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Anak, parehas kmi n Daddy, hindi kami nag karon ng ganitong party nung bata kmi, kaya pinangarap namin maibigay sayo, paglaki mo babalik-balikan natin tong mga photos na to! We love you Anak! Happy 1st birthday!”

Ito ang mensahe ni Arny sa anak na si Franco sa 1st birthday nito.

Larawan mula sa Facebook account ni Arny Ross

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement