TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK! Arny Ross pregnant sa first baby nila ni Franklin Banogon!

5 min read
LOOK! Arny Ross pregnant sa first baby nila ni Franklin Banogon!

Ibinahagi ng aktres na si Arny Ross Roque na siya'y buntis sa kanilang 1st baby ng asawang si Franklin Banogon. Tignan dito!

Masayang inanunsyo ng Kapuso celebrity na si Arny Ross Roque na siya ay pregnant sa kaniyang first baby sa asawang si Franklin Banogon.

Nag-post ng picture si Arny sa kaniyang Instagram at ganoon din si Franklin Banogon. Hawak ang picture ng ultrasound ng kanilang first baby ay masayang ipinaalam ng mag-asawa sa mga fan na magiging parents na sila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Arny Ross Roque pregnant sa kaniyang first baby!
  • Paano ipinaalam ni Arny Ross Roque sa asawa ang pregnancy
  • Love Story ni Arny Ross Roque, Franklin Banogon

Arny Ross Roque pregnant sa kaniyang first baby!

Pinost ng mag-asawang Arny Ross Roque at Franklin Banogon sa kanilang mga social media ang new chapter ng kanilang buhay bilang new parents.

Ani Franklin sa kaniyang Instagram post, sa 14 years ng kanilang pagmamahalan, ang chapter na ito ng kanilang buhay ang pinakamasayang bahagi. Hindi aniya maipaliwanag ang nararamdaman niyang saya.

Nag-post din ng picture si Arny habang ipinapakita ang kaniyang baby bump. Sa caption ng post ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nanood ng kanilang vlog kung saan nila inanunsyo ang pregnancy.

Ipinakita rin nina Arny sa kanilang vlog ang mga pictures ng first check-up nila sa kanilang doctor. Ayon sa vlog, 18 weeks nang preggy si Arny.

Nagpasalamat din si Arny na maraming natuwa at umiyak sa galak dahil sa kaniyang pregnancy. Aniya, naiyak din siya sa sobrang saya at excited na siyang mag-upload ng mas maraming pictures at videos ng kaniyang pregnancy updates.

Napa-thank you, Lord naman ang asawa ni Arny dahil perfect timing umano ang pagdating ng baby sa kanilang buhay. Nangako ito na gagawin ang lahat upang maalagaan at mapalaki nang maayos ang baby nila ni Arny.

arny ross roque

Larawan mula sa Instagram ni Arny Ross Roque

Paano ipinaalam ni Arny Ross Roque sa asawa ang pregnancy

Idinetalye nina Arny Ross Roque at Franklin Banogon sa kanilang vlog kung paano nila nalaman na pregnant na ang aktres. Ani Arny dahil sa excitement ay palagi raw tinatanong ng asawa kung dinatnan na siya.

Nang unang mag-pregnancy test si Arny ay may kaunting duda pa siya sa kaniyang pregnancy dahil malabo raw ang ikalawang guhit sa pregnancy test kit. Mapapanood sa video na paulit-ulit kinukumbinsi ni Franklin ang asawa na dalawa ang linya sa pregnancy test.

Sa ikalawang pregnancy test ni Arny ay halos maiyak si Franklin sa saya dahil unti-unting luminaw ang resulta.

Dahil hindi pa rin kumbinsido si Arny Ross Roque ay inulit niya ang pregnancy test kinabukasan kung saan ay sobrang linaw na ng dalawang guhit. Saad ni Franklin Banogon, tatlong araw nilang inulit-ulit ang pregnancy test para makasiguro.

arny ross roque

Screenshot mula sa vlog ni Arny Ross Roque

Ngayon nga ay sobrang saya ng dalawa dahil siguradong-sigurado na ang pregnancy ni Arny Ross Roque. Una raw nilang ipinaalam sa ate ng aktres ang balita ng pregnancy at ito umano ang magiging OB Gyne ni Arny.

Nakakatawa naman ang ginawang reveal ng mag-asawa sa mga magulang ni Arny. Sa pamamagitan ng isang prank ay ipinaalam nila sa kanilang parents ang good news!

BASAHIN:

Anne Clutz sa pumupuna ng weight gain ngayong buntis: “Hindi niyo na kailangan sabihin—alam ko naman ‘yon”

Angeline Quinto may naisip ng pangalan kung magiging baby girl ang anak niya

Winwyn Marquez sa kaniyang pagbubuntis: “Me and my partner, we’re both so happy!”

Love Story ni Arny Ross Roque at Franklin Banogon

Ayon kay Franklin Banogon nagsimula bilang college crushy ang kanilang love story ni Arny.

Nagkakilala sina Arny at Franklin Banogon noong sila ay nag-aaral sa De La Salle University Dasmariñas, 14 years ago. Kapwa sila AB Communication students at myembro ng banda ng college nila si Franklin.

Isang araw ay napanood ito ni Arny na mag-perform at naisip niyang mayabang ito. Ngunit hindi alam ni Arny kung bakit habang pinapanood niya itong mag-perform ay unti-unting kinikilig na rin siya rito tulad ng ibang mga schoolmate.

Doon na raw nagsimulang mag-blossom ang kanilang love story. Nagpapadala ng mga love letter si Franklin kay Arny sa get-to-know-each other stage nila.

Hanggang sa grumaduate, nagkatrabaho, at nagkaroon ng sariling business ay magkatuwang sina Franklin at Arny.

 

Partner Stories
The Power of your Hug: 5 ways cuddling benefits mom and baby
The Power of your Hug: 5 ways cuddling benefits mom and baby
Young lives strengthened: Batang Matatag Campaign upholds World Children’s Day mission to invest in every Filipino child’s future
Young lives strengthened: Batang Matatag Campaign upholds World Children’s Day mission to invest in every Filipino child’s future
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
New kid on the block: Enfagrow AII Nurapro Four, with all-natural A2 milk proteins!
Shake Shack Takes The Stage at Araneta City
Shake Shack Takes The Stage at Araneta City
arny ross roque

Larawan mula sa Instagram ni Arny Ross Roque

Sabi pa ni Arny noong 2019 sa kaniyang Instagram post, hindi niya inaasahan noon na si Franklin Banogon na ang kaniyang magiging “The One.”

“Ang lalaking akala ko kung sinong ‘long hair na drummer,’ siya na pala ang habang buhay kong makakasama!” saad ni Arny.

Napakasentimental daw na tao ni Franklin at napakabait. Grabe rin aniya ang value na ibinibigay nito sa pamilya at mga kaibigan at mataas ang tiwala sa Diyos.

From college crushy to boyfriend/girlfriend, ay naging fiancé ni Arny si Franklin noong November 2019. Two years after ng engagement nina Arny ay naging officially married na sila ni Franklin Banogon at ngayon nga ay ine-expect na nila ang pagdating ng kanilang first baby!

 

Instagram, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • LOOK! Arny Ross pregnant sa first baby nila ni Franklin Banogon!
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko