Assunta De Rossi kids madadagdagan na ng isang “miracle baby” matapos ang 16 na taon. Aktres naging emosyonal sa pagbabahagi ng sonogram ng first baby niya.
Assunta De Rossi kids
Noong December 2002 ay ikinasal ang aktres na si Assunta De Rossi kay dating Negros Occidental Congressman Jules Ledesma. Si Jules noon ay isang balo at may dalawang anak. Kaya naman mula ng sila ay ikinasal ay tumayo ng pangalawang ina ng mga anak niya si Assunta.
Sa pagdaan ng mga taon ay naging matahimik ang pagsasama ng mag-asawang Assunta at Jules. Habang marami ang nag-aabang sa pagkakaroon nila ng sariling anak lalo pa’t nasa 22 taon ang pagitan ng edad ng dalawa.
Nitong Mayo ay ginulat ni Assunta ang kaniyang mga kaibigan at tagahanga sa social media. Dahil matapos ang 16 na taon sa wakas ay buntis narin siya. Kalakip ng magandang balita ay ibinahagi rin ni Assunta kung bakit hirap siyang mabuntis at magkaroon ng anak. Kaya naman sa pagdating ng halos hindi niya na inaasahang balita ay itinuring niya itong milagro na sobrang pinagpapasalamat niya.
Assunta De Rossi pregnancy
Pagkukuwento ni Assunta sa kaniyang Instagram post noong May 5, dalawang buwan na siyang nakahiga lang sa kama. Habang nakakaranas ng fatigue, nausea, swollen breast, dizziness, heartburn, hirap kumain at constipation. Noong una ay hindi niya naisip na buntis siya hanggang ang period niya ay ma-delay at nagdesisyon siyang magpunta na sa OB-Gyne niya. At doon niya nga nalaman ang magandang balita na pinapangarap niya.
“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!”
Sa parehong post ay sinabi rin ni Assunta na kung bakit sa loob ng 16 na taon ay nahirapan siyang magdalang-tao. At kung bakit itinuturing niyang milagro ang pagbubuntis sa una niyang anak.
View this post on Instagram
Assunta’s miracle baby
“Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!❤️🙏🏻❤️”
Ito ang pahayag pa ni Assunta sa kaniyang Instagram post.
Ayon sa Mayo Clinic, ang myoma ay tumutukoy sa pagkakaroon ng uterine fibroids ng isang babae o bukol sa uterus. Ito naman ay noncancerous ngunit maaring magdulot ng infertility o pregnancy loss sa isang babae.
Habang ang endometriosis naman ay isang painful disorder na kung saan ang endometrium tissue na dapat ay nasa loob ng uterus ay tumutubo sa labas nito. Ang endometrium ay lumalabas sa katawan ng isang babae kasabay ng regla. Pero para sa mga may endometriosis, walang paraan upang mailabas ito ng kanilang katawan. Kaya ito ay nagdudulot ng komplikasyon sa kaniyang reproductive organs na madalas ay nauuwi sa fertility issues.
Kaya naman sa kaso ni Assunta ay isang napakalaking milagro ang pagbubuntis niya. Base nga sa pagbati ng kaniyang kapatid na si Alessandra De Rossi, ito ay milagro ng birhen.
“Ayan nahipo ng birhen! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma. God really answers prayers. 16 years of praying! Heto ka na, tita na me!”
Ito ang pagbati ni Alessandra sa mag-asawang Assunta at Jules.
Jules Ledesma and Assunta De Rossi baby
“It was totally unplanned and it happened naturally. I’ve long accepted that I won’t be able to conceive the natural way and that I needed medical intervention, so it really was a pleasant surprise for both of us.”
Ito naman ang pahayag ni Assunta tungkol sa hindi inaasahang pagbubuntis sa isang panayam sa ABS-CBN.
Dagdag pa nga niya bagamat mahirap ang pagbubuntis ay ginagawa niya ang lahat para maging ligtas at malusog ang baby niya.
“Pregnancy is not at all glamorous, but it’s the most beautiful miracle. I’m stuck in bed all day, feeling horrible. Nausea and dizziness are my enemies these days. I can’t even gain weight kasi hirap akong kumain. Pinipilit ko naman and I take vitamins. I do miss being active, but my body feels overworked. Right now, not that much since I feel tired all day. Minsan late na ako nakakaligo kasi tulog nga ako maghapon.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Assunta.
Sa ngayon nga sa gitna ng COVID-19 pandemic ay tinetake-advantage niya nalang ang sitwasyon at kumuha ng mas maraming pahinga na kailangan niya.
Assunta’s baby ultrasound
Hanggang kahapon ay nagbahagi ng emotional update si Assunta sa pagbubuntis niya. SIya ay may larawan na o sonogram ng anak na ipinagbubuntis. At hindi niya nga maitago ang kasiyahang nararamdaman niya.
“Heartbeat ✅ Weight ✅ Size ✅ Gender… no way of knowing yet if I’m having a coccolino or a coccolina. Hmm… my little miracle from heaven is being pasaway. Alam na kung kanino nagmana! 😈🤣”
“But seriously, I’m feeling a bit emotional because the last time I had a scan, the baby was as small as a jellybean, if not smaller. It’s the fear of not knowing. But I survived my 1st and 2nd trimester during a pandemic and lockdown without any complications! Cheers! #5monthspregnant #MiracleBaby”
View this post on Instagram
Ito ang pahayag ni Assunta sa kaniyang latest Instagram post. Siya ay inaasahang manganganak sa kaniyang first baby Oktubre ngayong taon.
Source:
Star Cinema, ABS-CBN Lifestyle, Mayo Clinic
Basahin:
Myoma: Ano ito at paano nakaka-apekto sa kalusugan ng babae?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!