Dagdag na naman sa listahan ng celebrity mom si Assunta De Rossi! Nitong October 23, 2020, 7:06 am lamang, matagumpany niyang ipinanganak ang kaniyang first baby sa edad na 37.
Assunta De Rossi gives birth to first baby!
Matapos ang halos 20 na taong pag-hihintay ay ganap na ngang mommy si Assunta de Rossi. Ang baby ang panganay nila ng asawang si Jules Ledesma.
Isinalang ni Assunta ang kaniyang baby girl sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Pinangalanan nila itong Giulia Fiorentina Alessandra o Fiore for short.
Ayon sa kaniyang publicist na si Jun Lalin, 5 pounds and 12 ounces ang timbang ni baby. Isinilang ito sa pamamagitan ng elective caesarean section at 38 weeks dahil sa “myoma uteri.” Hindi umano puwede ang mga bisita sa ospital. Ngunit nag-send naman ito ng mga picture ng kaniyang first born. Ayon ito sa talent manager na si Annabelle Rama na nagbigay ng pahayag sa The STAR’s Latestchicka.com.
Sa isang Instagram ng kapatid niya na si Alessandra De Rossi, pinahayag nito ang kaligayahan niya sa pagdating ng kaniyang pamangkin.
“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. ❤️🥺🙏🏻 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best!”
Miracle baby ni Assunta de Rossi
Noong December 2002 ay ikinasal ang aktres na si Assunta De Rossi kay Jules Ledesma. Si Jules, ang dating Negros Occidental Congressman, ay isang balo at may dalawang anak. Kaya naman mula ng sila ay ikinasal ay tumayo ng pangalawang ina ng mga anak niya si Assunta.
Sa pagdaan ng mga taon ay naging matahimik ang pagsasama ng mag-asawang Assunta at Jules. Marami ang nag-aabang sa pagkakaroon nila ng sariling anak lalo pa’t nasa 22 taon ang pagitan ng edad ng dalawa.
Nitong Mayo ay ginulat ni Assunta ang kaniyang mga kaibigan at tagahanga sa social media. Dahil matapos ang 16 na taon sa wakas ay buntis narin siya. Ibinahagi rin ni Assunta kung bakit hirap siyang mabuntis at magkaroon ng anak.
“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!”
Sa parehong post ay sinabi rin ni Assunta na kung bakit sa loob ng 16 na taon ay nahirapan siyang magdalang-tao. At kung bakit itinuturing niyang milagro ang pagbubuntis sa una niyang anak.
“Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!❤️🙏🏻❤️”
Uterine fibroids and endometriosis
Ayon sa Mayo Clinic, ang myoma ay tumutukoy sa pagkakaroon ng uterine fibroids ng isang babae o bukol sa uterus. Ito naman ay noncancerous ngunit maaring magdulot ng infertility o pregnancy loss sa isang babae.
Habang ang endometriosis naman ay isang painful disorder. Ito ay nangyayari kapag ang endometrium tissue na dapat ay nasa loob ng uterus ay tumutubo sa labas nito.
Ang endometrium ay lumalabas sa katawan ng isang babae kasabay ng regla. Pero para sa mga may endometriosis, walang paraan upang mailabas ito ng kanilang katawan. Kaya ito ay nagdudulot ng komplikasyon sa kaniyang reproductive organs na madalas ay nauuwi sa fertility issues.
With additional report from Irish Mae Manlapaz
Source: latestchika
BASAHIN:
Assunta De Rossi, emosyonal na binahagi ang sonogram ng kaniyang “miracle baby“
Miracle baby: Mum shares story of how her baby was brought back to life