Mga paraan para makaiwas sa mga asymptomatic COVID-19 patients

Ano ang mga senyales na ang isang tao ay asymptomatic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging asymptomatic sa COVID-19 symptoms? At paano makakaiwas sa isang taong wala namang ipinapakitang mga senyales ng sakit?

Asymptomatic COVID-19 symptoms

Bagama’t walang nararanasang sintomas ng sakit ang isang asymptomatic na patient, maari pa rin silang makahawa.

“Asymptomatic people are generally not being screened, at least in the United States. They can definitely spread the disease.”

Image from Freepik

Dahil dito, paano mo nga ba mapoprotektahan ang iyong sarili? Paano kung ang nakakasalamuha mong tao ay infected pala ngunit asymptomatic lang?

Ayon sa World Health Organization o WHO, ang paghuhugas ng kamay at pag-observe ng social distancing pa rin ang makatutulong. Palagi rin dapat nakasuot ng mask at iwasan na muna ang crowds kung kinakailangan.

Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19?

Mayroong dalawang klase ng pasyente kapag ito ay infected na ng COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang una ay yung mga tao na nakakaranas at nakikitaan ng common symptoms ng virus katulad ng pag-ubo o pagkakaroon ng lagnat. Ang sunod naman ay ang mga taong hindi mo alam na infected na pala ng virus. Ito ang mga tinatawag na asymptomatic. Sila ang mga taong positive na sa COVID-19 pero hindi nakakaranas o nakikitaan ng symptoms ng nasabing virus.

Malalaman lang na sila ay positive sa COVID-19 kapag sila ay nasuri ng medical.

Ngunit ang tanong ng karamihan, dapat ba na ikabahala rin ito dahil nakakahawa ang mga taong asymptomatic sa COVID-19?

Ayon sa World Health Organization, ang pagpasa ng virus mula sa taong asymptomatic papunta sa hindi pa infected ay bihira lamang kung mangyari. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maipapasa ito ng taong asymptomatic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19? | Image from Freepik

Matatandaan na sa unang mga pag-aaral, ang sabi ay makakahawa ang mga asymptomatic sa mga hindi infected kahit wala silang nararamdamang mga sintomas. Ngunit ngayon, paglilinaw ng WHO na bihira lamang itong mangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil nakukuha ang virus mula sa taong positibo dito at ang mga maliliit na water droplets mula sa kanyang ilong ay dahilan kung bakit ito napapasa sa iba.

“It passes from an individual through infectious droplets. If we actually followed all of the symptomatic cases, isolated those cases, followed the contacts and quarantined those cases, we would drastically reduce

Karamihan na nagiging asymptomatic ay mga kabataan o yung hindi high risk sa COVID-19 katulad ng mga senior citizen, buntis o kaya naman mga may current medical issue. Kadalasan, ang mga taong hindi high risk ay nagkakaroon lang ng mild symptoms sa virus.

Image from Freepik

Nakakahawa ba ang taong asymptomatic sa COVID-19? | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa head ng World Health Organization na si Dr. Maria Van Kerkhove, ang pagpasa ng virus mula sa asymptomatic na tao papunta sa hindi infected ay ‘rare‘ kung tutuusin.

“From the data we have, it still seems to be rare that an asymptomatic person actually transmits onward to a secondary individual.. It’s very rare.”

Dagdag pa dito, nagbigay ang WHO ng paalala na kailangang ihiwalay muna ang mga positibo sa COVID-19 na may sintomas. Alamin ang mga nakasalamuha nila at idaan rin sa pagsusuri.

Marami na ring bansa ang nagsagawa nito. Sinusuri nila ang mga asymptomatic na kaso at inaalam ang mga nagkaroon ng contact sa mga pasyente. Napagalaman rin na walang secondary transmission na naganap. Kaya naman masasabi na ang pagpasa ng virus mula sa asymptomatic na tao papunta sa hindi pa infected ay bihira lamang.

“We have a number of reports from countries who are doing very detailed contact tracing. They’re following asymptomatic cases. They’re following contacts and they’re not finding secondary transmission onward. It is very rare. And much of that is not published in the literature.”

Dagdag rin ng WHO, mas maganda na bigyang pansin ang mga taong nakikitaan ng sintomas ng COVID-19. Kung agad na ihihiwalay ang mga ito at alamin ang mga taong nagkaroon ng contact sa kanila, dahil dito maaaring mabawasan ang patuloy na pagkalat ng virus.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Aljazeera

Basahin:

Skin rashes, bagong sintomas ng COVID-19 ayon sa pag-aaral

Sinulat ni

mayie