Kamakailan lang ay ini-report ng mga medical researchers mula sa London na posibleng ang skin rashes ay sintomas ng COVID-19.
Skin rashes sintomas ng COVID-19
Naiulat ng King’s College London and Zoe Global Ltd sa London ang posibilidad na indicator ng COVID-19 ang skin rashes. Ito ay matapos na magkaroon ng skin rash ang 8.8% na individuals na nag-positibo sa virus.
Ayon sa World Health Organization at National Health Service o NHS, ang pangunahing sintomas ng COVID ay lagnat, ubo at pagkawala ng pang-amoy.
COVID toes o rashes sa paa posibleng sintomas ng COVID-19
May tinitingnan na posibleng bagong sintomas ng sakit na COVID-19 ang mga eksperto. Ito ay ang COVID toes o ang pagsusugat o pamumula sa balat sa paa ng ilan sa mga nag-positibo sa sakit.
Ito ay ayon sa pahayag ni Dr. Esther Freeman, isang dermatologist mula Massachusetts General Hospital sa Boston. Paliwanag ni Dr. Freeman maliban sa mga respiratory symptoms tulad ng ubo at lagnat, ilan sa mga nag-positibo sa COVID-19 ang nakitaan ng mga sugat sa paa at rashes sa balat. Paglalarawan ni Dr. Freeman tulad ito ng sugat o pamumula sa balat na dulot ng labis na lamig o frostbite. Ngunit ito umano ay epekto ng pamamaga o inflammation sa circulatory system.
Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Raman Madan, isa ring dermatologist na nagmula naman sa Northwell Health Huntington Hospital sa Huntington, New York. Ayon sa kaniya ang COVID toes ang isa rin sa mga iniindang sintomas ng mga naging pasyente niyang nagpositibo sa antibody test ng COVID-19, ngunit nag-negatibo sa kanilang viral culture. Kaya hinala niya maaring ang COVID toes ay lumalabas bilang palatandaan na nalabanan na ng katawan ang virus na nagdudulot ng sakit.
“COVID toes is the most common finding I have seen in patients via tele-dermatology. It is a fairly new symptom that we usually do not see with a lot of viruses.”
“A lot of patients have been asymptomatic aside from the toes and have been testing negative on their viral culture, but positive on their antibody test. This has led me to believe that this may occur at the convalescent stage of illness, meaning after the body has cleared the virus. We are still working on the best guidance to give patients.”
Ito ang pahayag ni Dr, Madan.
Iba pang syndrome na related sa COVID
Noong April 27 ay may isang urgent alert ang ibinahagi ng Pediatric Intensive Care Society UK o PICS sa Twitter. Ito ay tungkol sa bagong inflammatory syndrome na tumatama ngayon sa mga bata sa UK. Ayon sa PICS, ang impormasyon ay mula sa National Health Services England. At ang bagong inflammatory syndrome ay COVID-19 related umano.
Base sa urgent alert, ay may hindi bababa sa 12 na bata ang kinailangang mailagay sa intensive care unit o ICU matapos mag-positibo sa coronavirus disease. Ito ay sa kabila ng una nang ipinahayag ng ahensya na hindi nakakaranas ng malalang sintomas ng sakit ang mga bata kumpara sa matatanda. Dahil maliban umano sa sintomas ng COVID-19 sa bata ay nagpapakita rin sila ng multisystem inflammatory state. O mga sintomas na may kaugnayan sa toxic shock syndrome at Kawasaki disease.
“There is a growing concern that [a Covid-19-related] inflammatory syndrome is emerging in children in the UK, or that there may be another, as yet unidentified, infectious pathogen associated with these cases.”
Ito ang nakasaad sa inilabas ng urgent alert ng NHS UK.
Pahayag ng mga eksperto
Sa kabila ng bagong inflammatory syndrome na ito, siniguro naman ng mga health experts na wala dapat ipag-alala ang mga magulang tungkol sa kaligtasan ng mga bata laban sa sakit na COVID-19. Kung magpositibo man ay mild symptoms lang ang kanilang nararanasan.
Kailangan pa ng dagdag na impormasyon at pag-aaral
Habang para kay Dr. James Gil, honorary clinical lecturer sa Warwick Medical School sa UK kailangan pa ng ibayong pag-aaral at ebidensya upang masabi ngang may kaugnayan ang bagong inflammatory syndrome sa COVID-19. At kung ito nga ay masabing totoo, dapat daw ay maglabas rin ng instructions kung paano i-hahandle ng mga health professionals ang kondisyon na ito.
“The PHE surveillance guidance on children with regard to COVID-19 does not currently mention issues with a multi-system inflammatory response. In many ways, there is no change here. Clinically health professionals have a heads-up about possible presentations, but will not change their current high level of caution.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gil.
Source:
Thailand Medical News
Basahin:
Mga kilalang ospital hindi na kayang tumanggap ng COVID-19 patients
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!