Atasha Muhlach may sweet na mensahe sa amang si Aga Muhlach sa 55th birthday nito. Tingnan dito ang nakakatuwa at nakakaantig sa pusong mensahe ni Atasha kay Aga.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Atasha Muhlach message to dad Aga Muhlach.
- Mensahe ni Charlene Gonzales sa mister na si Aga Muhlach.
Atasha Muhlach message to dad Aga Muhlach
Nitong August 12 ay nagdiwang ng kaniyang 55th birthday ang actor na si Aga Muhlach. Isa nga sa mga naunang bumati sa kaniya ay ang anak niyang si Atasha na nagbigay ng sweet na mensahe sa beteranong aktor. Si Atasha tinawag na partner in crime ang kaniyang ama. Nagpasalamat din ito sa impluwensiya niya sa kaniya at sa mga tao sa paligid nila.
“Happy birthday to my partner in crime!! thank you for always being such joy to not just me but everyone around you. Your love, wisdom, and unwavering support shaped me to who I am today.”
Ito ang sabi ni Atasha sa ama.
Pagpapatuloy pa niya, excited siya sa mga adventures and iba pang exciting moments kasama ito.
Larawan mula sa Facebook
“I’ll always be grateful for every moment we share even if it involves bike accidents or getting hit by a golf ball 😂 to more adventures ⛳️🚴🌊🏄 and laughter with you from your little tashing love you dad and HAPPY BIRTHDAY!! 🎂🕺♥️”
Ito ang mensahe pa ni Atasha Muhlach sa amang si Aga Muhlach.
Ang kakambal ni Atasha na si Andres may maikli at sweet na birthday message rin sa kaniyang ama.
“Happy Birthday Dad!! Love u! Alam mo na yan. ;)”
Ito ang pagbati naman ni Andres sa amang si Aga Muhlach.
Mensahe ni Charlene Gonzales sa mister na si Aga Muhlach
Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach
Ang dating beauty queen at aktres na si Charlene Gonzales ay binati rin ang mister na si Aga. Ito naman ang birthday message niya para dito.
“Thank you for always spreading your love and kindness ❤️ You are deeply appreciated & you are such a blessing ❤️ Here’s to many more years of happiness & Joy ❤️❤️❤️ Love you B ❤️ Happy Birthday ❤️.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!