X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ang rason kung bakit feeling mo kailangan mo parating i-text si mister

3 min read
Ang rason kung bakit feeling mo kailangan mo parating i-text si misterAng rason kung bakit feeling mo kailangan mo parating i-text si mister

Ano nga ba ang attachment style, bakit ito mahalaga, at ang ang nagiging epekto nito pagdating sa inyong buhay mag-asawa ni mister?

Nagkaroon ka na ba ng pakiramdam na dapat palagi mong ka-text si mister? Nangyari na ba sa'yo ang feeling na parang sobrang attached ka kay mister, at nagseselos ka kahit sa simpleng mga bagay? Dito papasok ang tinatawag na mga attachment style, at importanteng malaman mo kung ano ang style mo para maging mas mabuti ang inyong relasyon.

Attachment style, anu-ano nga ba ito?

Mayroong 3 pangunahing uri ng attachment style. At mahalagang malaman ito upang maging mas secure ka sa relationship ninyo ni mister. 

Ang attachment styles na ito ay ang mga paraan kung paano mo malaman ang attachment mo sa isang tao. Dito mo makikita kung secure o insecure ka ba sa relasyon ninyo, at kung ano ang magagawa mo para mapabuti ito.

1. Secure Attachment

Ang mga taong may ganitong style ng attachment ay madalas mas secure sa kanilang mga relationships. Ibig sabihin, hindi sila mabilis magselos o kaya magduda sa kanilang asawa.

Hindi rin possessive ang ganitong mga tao dahil may kompyansa sila na hindi sila lolokohin o pagtataksilan ng kanilang asawa. Umaabot rin to kahit na sa pakikipagkaibigan. 

Maganda kapag parehas kayong secure ng inyong asawa sa attachment dahil halos hindi kayo magkakaroon ng problema pagdating dito. Hindi kayo magiging seloso o selosa, at hindi kayo matatakot na maghihiwalay kayo o kaya lolokohin ninyo ang isa't-isa.

2. Anxious Attachment

Ang anxious attachment naman ay isang style kung saan desperado ang isang tao sa atensyon o closeness. Ang mga taong may ganitong style ng attachment ay dependent sa ibang tao upang maging "complete."

Ibig sabihin, nahihirapan sila kapag wala ang kanilang asawa. Madalas ay nagiging problema sa kanila ang pagiging seloso o selosa, at kawalan ng tiwala sa asawa. Nagiging paranoid din sila, lalong-lalo na kung biglang naging busy ang partner nila.

Ganito ang attachment style ng mga taong mahilig mag-text sa kanilang asawa, o kaya mga kaibigan. Sila rin ay madalas na nagagalit o kaya naiinis kung hindi makapag-reply agad sa kanila.

Madalas ay nagiging abusive at controlling din ang ganitong mga relationships. Hangga't-maaari ay dapat umiwas sa ganitong klase ng attachment dahil nakakasira ito ng buhay mag-asawa.

3. Avoidant Attachment

Ang avoidant attachment naman ay para sa mga taong mas independent. Ang mga mayroong ganitong attachment style ay ayaw na maging dependent sa ibang tao, at ayaw rin nilang maging dependent sa kanila ang ibang tao.

Ang mga partner ng mga taong may avoidant attachment ay madalas na nagsasabing distant ang kanilang asawa. May mga pagkakataon rin na kulang sila sa intimacy, at nahihirapang gumawa ng connection sa ibang mga tao, kahit sa asawa pa nila.

Bakit ito mahalagang alamin?

Importanteng malaman ang iyong attachment style dahil ito ang magdidikta sa dynamics ng inyong relasyon. Kung ikaw ay may anxious attachment na style, importanteng matutunan mo na maging independent, at huwag masyadong pag-isipan ng masama ang iyong asawa.

Kung may avoidant attachment ka naman, importante na subukan mong maging mas malapit sa iyong asawa. Posibleng binabalewala mo na ang inyong relasyon dahil sa kagustuhan mong maging independent, at nakakasama ito sa inyong dalawa.

Importante na magkaroon ng balance sa inyong relationship. Walang problema kung ma-miss mo ang iyong mister, pero kung palagi mo itong iniisip at hindi ka mapakali kapag wala siya, ay kailangan mong i-address ang problema na ito.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source: Women's Health

Basahin: Dear TAP: Help! Merong nanlalandi sa mister ko, anong gagawin ko?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ang rason kung bakit feeling mo kailangan mo parating i-text si mister
Share:
  • 5 Stage ng pag-ibig sa inyong buhay mag-asawa

    5 Stage ng pag-ibig sa inyong buhay mag-asawa

  • Kailan magiging pinakamasaya ang inyong buhay mag-asawa?

    Kailan magiging pinakamasaya ang inyong buhay mag-asawa?

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • 5 Stage ng pag-ibig sa inyong buhay mag-asawa

    5 Stage ng pag-ibig sa inyong buhay mag-asawa

  • Kailan magiging pinakamasaya ang inyong buhay mag-asawa?

    Kailan magiging pinakamasaya ang inyong buhay mag-asawa?

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.