After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

Kuwento ni Aubrey, minsan na nilang plinano ni Troy na magpakasal pero hindi ito natuloy. Pero noon ay wala silang engagement, kaya naman this time ay isinakatuparan na nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Engagement nina Aubrey Miles at Troy Montero.
  • Love story nina Aubrey Miles at Troy Montero.

Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

Image from Troy Montero’s Instagram account

Kahapon sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor na si Troy Montero na sila ng aktres na si Aubrey Miles ay engaged na. Ito ang magandang balitang ikinatuwa at ikinagulat ng marami.

Sapagkat lingid sa kaalaman nila, matapos ang tagal ng pagsasama ng dalawa ay kahapon lang sila na-engage. Ayon nga kay Troy, 18 years na silang nagsasama ni Aubrey sa oras ng maisagawa niya ang engagement proposal.

“Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you! @milesaubrey.”

Ito ang caption ng post ni Troy Montero kagabi na kung saan makikita ang mga larawan nila ni Aubrey na magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Troy at Aubrey ay kasalukuyang nasa Boracay ngayon. Sa kanilang engagement photos makikitang sila ay nakasakay sa isang transparent na bangka habang proud na ibinibida ni Aubrey ang kaniyang engagement ring.

Marami ang natuwa sa magandang kaganapan na ito ng celebrity couple.

Karamihan nga sa kanila ay mga kaibigan nila sa showbizness na hindi makapaniwala na ngayon pa lamang sila na-engage. Ang iba inakalang kasal na sila matagal na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement


eruption23

Dang that’s a long time! Congrats fam! 

therealmauitaylor

Finally! Congrats you two.

Kahit nga ang kapatid ni Troy na si KC Montero ay nagulat rin sa engagement na ito nina Troy at Aubrey.

kcmontero

Hang on… so the whole time? You guys were just dating?

Ang mga netizen hindi rin naitago ang pagkagulat nila at sinabing all this time ay inakala nilang kasal na sina Aubrey at Troy.

Pero magkaganoon man very happy sila sa magandang balitang ito na ibinahagi nina Aubrey at Troy. Sapagkat maliban sa engagement nila ay pinatunayan nilang dalawa na may forever sa mga relasyon at walang tamang oras sa pagpapakasal.

Love story nina Aubrey Miles at Troy Montero

Base sa isang interview nila Aubrey at Troy nagkakilala sila sa pamamagitan ng tulong ng TV host na si Kris Aquino. Ito ay matapos mag-guest noon si Troy sa show ni Kris na kung saan sinabi niyang interesado siyang makilala si Aubrey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad namang tinawagan ni Kris si Aubrey para hingin ang pahintulot nitong maibigay ang mobile number niya kay Troy. Um-oo naman si Aubrey na noon ay nasa parehong istasyon rin at nagte-taping.

Kaya naman sa parehong araw na nagsabi si Troy na interesado siyang makilala si Aubrey, ang wish niya ay nagkatotoo. Hindi niya naman sinayang ang pagkakataon at niligawan niya agad si Aubrey. Matapos ang apat na buwan na panliligaw ay sinagot siya ni Aubrey at nagsimula ang kanilang relasyon.

BASAHIN:

Aubrey Miles at Troy Montero sa pagtira ng kanilang pamilya sa Boracay: “We just want to show the kids how‘s life around the island”

Aubrey Miles nanganak na ng isang healthy baby girl

Buboy Villar malungkot na inihatid sa airport ang bunsong anak na si George pa-Amerika

Wedding plans nina Aubrey at Troy

Image from Troy Montero’s Instagram account

Nitong nakaraang taon sa kanilang vlog ay ibinahagi nina Aubrey at Troy na sa kanilang pagsasama ay hindi naman nila priority ang pagpapakasal. Kasi kahit hindi sila kasal ay masaya sila at may maayos na relasyon.

“We were satisfied with our relationship. Everything that we want gusto namin and ‘yong wedding is not really on our list before.

Hindi talaga siya ‘yong nasa wish list namin kapag may mga list sa relationship because ganun talaga kami mag-isip.”

Ito ang sabi noon ni Aubrey sa kanilang vlog. Bagama’t dagdag niya ay minsan naman nilang plinano ni Troy na magpakasal na. Ito dapat ay magaganap noong 17th anniversary nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“‘Yong 17 years na ‘yon hindi namin naisip magpakasal kasi we had so many things planned na gagawin. ‘Yong wedding, ‘yong ceremony parang later on but we weren’t scared to talk about it.

And yung 17 years na ‘yon, feeling lang namin, we’ve been through a lot, we’ve done so much, ano pa ba? Maybe let’s get married already! That’s why.”

Ito ang sabi pa ni Aubrey.

Kuwento pa niya, April 2020 na dapat sila magpapakasal noon ni Troy. Ito ay dapat ganapin sa Batanes na dream place umano ni Aubrey.

Halos handa na nga ang lahat at bayad na ng bigla namang nagsimula ang COVID-19 pandemic. Kaya naman ang nakaplano na sana nilang kasal ay hindi natuloy.

Paglilinaw pa ni Aubrey, noong panahon na iyon ay wala silang naging engagement ni Troy dahil nagdesisyon sana sila na ideretso na sa pagpapakasal. But unfortunately ng dahil sa pandemic ay naunsyame pa.

Pero sabi ni Aubrey sa kabila ng hindi pagpapakasal sa loob ng 18 taon na ngayon nilang pagsasama ay naging maayos ang takbo ng relasyon nila ni Troy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano patagalin ang relasyon tulad ng kanila ni Troy at Aubrey? Ito ang sikreto na ibinahagi Aubrey sa kaniyang Instagram account.

“For me, it’s not really complicated. Always remember when you enter a relationship, could you see a future with this person? Maybe even growing old together? No guarantees though, Nothing is guaranteed.”

“All I can say is everything is a choice. Wrong or right, you know what you’re doing. Of course, there’s always struggle and Ups and down.

Definitely, nothing is perfect, but make sure you have more ups than downs. Stay the same or hopefully you want to be different, be better. One more thing, Control, balance and keep it to yourself.”

“Take note: Don’t forget to ENJOY IT WITH CAUTION.”

Ito ang pahayag ni Aubrey sa kaniyang Instagram account.

Sa ngayon sina Troy at Aubrey ay mayroong dalawang anak. Ito ay sina Hunter, 13 years at Rocket, 3 years old. Nasa puder din nila ang anak ni Aubrey na si Maurice, 21 years old. Siya ay anak ng sexy actress sa dating karelasyon nito na si JP Obligacion.

Image from Troy Montero’s Instagram account