Aubrey Miles nanganak na ng isang healthy baby girl

Aubrey Miles nanganak na ng isang healthy baby girl

Sexy actress na si Aubrey Miles nanganak na sa pangalawang anak nila ni Troy Montero kaninang madaling araw.

Aubrey Miles nanganak na sa second baby nila ni Troy Montero kanina sa St. Lukes Medical Center, Global City Taguig bandang 3:30am ng madaling araw.

Aubrey Miles nanganak na

Ibinahagi nga ng proud daddy na si Troy Montero ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan sinabi niya na si Aubrey ay nanganak na ng isang healthy baby girl.

“My sweetness gave birth at around 3:30am 12/14/18 to a healthy baby girl. Both are doing fine and now resting.”

Aubrey Miles nanganak na sa isang baby girl.

Screenshot from Troy Montero’s instagram account

Sa isang Instagram story post pa ni Troy ay ikinuwento niya na dapat ay magpapa-check-up lang si Aubrey sa ospital kahapon ngunit sinabi ng kaniyang doktor na siya ay 6cm nalang.

“It’s crazy… I’m realizing it’s happening right now. It’s funny we were like picking up Hunter from school, and we’re actually gonna be on our way home, and the doctor’s like, ‘No, no, no,”

Kaya naman magkahalong excitement at pag-aalala ang nararamdaman ni Troy Montero habang naghihintay sa delivery ng kaniyang baby. Habang naghihintay ay patuloy naman itong nagbibigay ng update sa Instagram niya na tinawag niyang the “waiting game.”

Nagpost din sa kaniyang Instagram ang hot mommy na si Aubrey habang nasa labor room kung saan pabirong sinabi niya na:

“Hindi naman ako ready today, dapat this weekend di ba?”

Aubrey Miles nanganak na sa isang baby girl.

Screenshot from Aubrey Miles instagram account

Ilang oras nga bago ang hindi inaasahang panganganak ay nakapagparamdam na rin si Audrey kahapon na nalalapit na nga ang oras na kanilang hinihintay sa pagdating ng kanilang baby girl.

Aubrey Miles nanganak na sa isang baby girl.

Screenshot from Aubrey Miles instagram account

Matapos nga ng ilang oras na paghihintay ay nagbigay silang si Aubrey sa isang healthy baby girl na magpahanggang-ngayon ay hindi pa nila sinasabi ang pangalan.

Sa isa sa pinakabagong pic nga nila ni Troy kasama ang kanilang baby girl ay nakapagbiro pa si Aubrey na:

“Ang pinakaimportante sa lahat nakapagkilay ako.”

Aubrey Miles nanganak na sa isang baby girl.

Screenshot from Aubrey Miles instagram account

Samantalang, makikitang super happy naman si Troy sa kaniyang new born baby girl na halatang nanggigigil dito sa isa niyang Instagram post.

Aubrey Miles nanganak na sa isang baby girl.

Screeshot from Troy Montero’s instagram account

Matatandaang inanunsiyo ni Aubrey ang kaniyang pagdadalang-tao noong Hulyo na kung saan sinabi niya ring next year pa siya inaasahang manganak.

Ilang buwan pagtapos ng kanilang announcement ay nag-upload din ng mga maternity pictures niya si Aubrey sa Instagram na kung saan sinabi niya namang ito na ang huli niyang pagbubuntis.

“Pretty excited for the final photos from [Nice Print Photo]. Sorry guys, yung Hindi ko na mapigilan mag post ng shoot kasi first and last ko to na maternity shoot. Ma experience Lang masaya naman pala haha Last because last pregnancy ko na rin so why not Enjoy ko na. I’m due end of December.”

Si Aubrey ay 40 years old na at ang newborn baby girl niya ay pangatlong anak na niya. Ang una ay sa dating kinakasama na si JP Obligacion at ang pangalawa ay ang 10 years old na anak nila ni Troy na si Hunter.

 

Sources: Inquirer, MSN, PhilNews

Basahin: Aubrey Miles buntis sa pangalawang anak kay Troy Montero

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner