X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation

5 min read

Troy Montero at Aubrey Miles daughter na si Rocket sumailalim sa major dental operation sa edad na apat na taon. Narito ang kuwento ng mag-asawa kung bakit ito kailangang mangyari.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Troy Montero and Aubrey Miles daughter, bakit sumailalim sa major dental operation?
  • Kondisyon ng anak nina Troy Montero at Aubrey Miles.

Troy Montero and Aubrey Miles daughter, bakit sumailalim sa major dental operation?

aubrey miles daughter rocket

Larawan mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Sa Instagram ay ibinahagi ng model-actor na si Troy Montero ang ipinagdaang major dental operation ng 4-year-old daughter niyang si Rocket Miller. Si Rocket ay na-diagnose na may autism spectrum disorder Abril lang ng nakaraang taon. Ito umano ang dahilan kung bakit sa murang edad ay kinailangang dumaan sa major dental operation ni Rocket.

Kuwento pa ni Troy sa Instagram anim na ngipin ang kailangang bunutin kay Rocket. Habang apat na crowns naman ang inilagay with new fillings. Ang procedure ginawa habang naka-anaesthesia si Rocket at natapos makalipas ang higit sa tatlong oras.

“A very successful procedure, which took 3 and a half hours. For us, it felt like an eternity but we are so happy with the outcome.”

Ito ang pahayag pa ni Troy.

Pagpapatuloy pa niya, kinailangang sumailalim sa dental surgery si Rocket dulot narin ng kaniyang ASD. Dahil ang pagto-toothbrush at pag-aalaga sa ngipin ay very challenging para dito.

Isa raw ito sa madalas na nararanasan ng mga batang may ASD. Sila ay may sensitive mouth area. Sa kaso umano ni Rocket ay kinakailangan pa nilang hawakan ng mahigpit ito para lang makapag-toothbrush.

Dahil sa ito ay very traumatizing para sa kanilang anak ay nag-give way sila. Kaya naman imbis na araw-araw ay naging every few days ang paglilinis ni Rocket sa kaniyang ngipin. Ito ang dahilan kung bakit ito nagka-cavities na at kailangang i-treat.

“Cavities have already set in and once they became sensitive to touch, we had no other choice but to treat them. So the Doctors planned to do everything one time big time while she was under anesthesia.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Troy Montero (@troymontero)

Pero ang paglalagay kay Rocket sa dental surgery ay hindi basta-basta nagawa ng mag-asawa. Para magawa nila ito ng relax lang tulad ng makikita sa video na ibinahagi ni Troy ay dumaan sila sa isang taong therapy bago tuluyang masanay si Rocket na mahawakan-hawakan ang bibig niya.

Ito rin ang pagkakataon na nasanay na si Rocket na magsipilyo twice a day. Pero huli na ang lahat dahil nasira na ilang ngipin niya na kailangang alisin para hindi na ito lumala pa.

“Once rockets started her therapy, her therapist focused on desensitizing her mouth area, which you have probably seen in a few of our videos posted before.

It has taken almost a year to get to where we are today. Thankfully, now we can brush her teeth twice a day, with no more resistance, no more holding her but the damage has already been done.”

Ito ang sabi pa ni Troy.

Sa IG video na ibinahagi ni Troy ay makikita ang pag-aalala nila habang sumasailalim sa dental operation si Rocket. Kaya naman laking pasalamat nila sa mga doktor na gumawa ng procedure sa anak na successful at ligtas.

“Thank you to all the Doctors and staff at the Pediatric Dentistry Center Philippines here in Quezon City. If you’re looking for a dentist for your child, especially if they are on the autism spectrum, or have special needs, please look them up.”

Ito ang pagbibigay tip pa ni Troy sa mga magulang na may ASD at nadadaan sa parehong sitwasyon sa kanila ng misis niyang si Aubrey Miles.

Kondisyon ng anak nina Troy Montero at Aubrey Miles

aubrey miles with daughter rocket

Nitong nakaraang taon lang ibinahagi ng mag-asawang sina Troy Montero at Aubrey Miles ang tunay na kondisyon ng kanilang anak na si Rocket.

Pagpapaliwanag pa noon ni Aubrey, tatlong taon na si Rocket ng ibahagi nila ang kondisyon nito sa publiko. Dahilan nila, ginawa nila ito upang malaman muna at mainitindihan ang kondisyon ng anak bago magbigay ng awareness sa iba.

“Autism awareness for Rocket. Yes, our Rocket has ASD, Autism spectrum disorder. We didn’t share this right away because we are still learning about ASD. It was important for us to educate ourselves about it.”

“At first we were confused, and questioned ourselves, how and why. We searched around to for an ASD specialist before anything else.”

Ito ang bungad in Aubrey noon sa kaniyang Instagram post tungkol sa kondisyon ng anak.

Kuwento pa ni Aubrey sa isang panayam ay sinisi niya noon ang sarili sa nangyari sa anak. Inisip niyang maaaring may nagawa siyang mali noong ipinagbubuntis si Rocket.

Pero ngayon daw ay natanggap niya na ang kondisyon ni Rocket. At ang goal nila ng mister niyang si Troy ay maibigay dito ang pagmamahal at pag-aalaga na kailangan ng anak.

Maliban kay Rocket, may isa pang anak sina Aubrey at Troy na si Hunter. Habang ang anak ni Aubrey na si Maurice sa nauna niyang naka-relasyon ay nasa puder rin nilang mag-asawa.

aubrey miles daughter na si rocket kasama ang kaniyang buong pamilya

Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation
Share:
  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.