Aubrey Miles at Troy Montero sa pagtira ng kanilang pamilya sa Boracay: "We just want to show the kids how‘s life around the island"

Aubrey Miles at Troy Montero napagdesisyunang tumira sa Boracay ng isang buwan ang kanilang buong pamilya. Alamin ang kwento dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Troy Montero at Aubrey Miles, nais iparanas sa kanilang mga anak ang pagkakaroon ng island life kaya naman piniling manirahan sa Boracay sa loob ng isang buwan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Troy Montero, Aubrey Miles, at kanilang mga anak titira sa Boracay
  • 6 Bagay na maaaring gawin sa Boracay

Troy Montero, Aubrey Miles, at kanilang mga anak titira sa Boracay

Sa loob ng isang buwan ay maninirahan ang buong pamilya ng aktres na si Aubrey Miles at kaniyang asawa na si Troy Montero sa isla ng Boracay. Ito ay dahil nais nila maiparanas sa kanilang mga anak kung paano mamuhay at maipakita ang buhay sa isla.

Pagbabahagi ni Aubrey Miles,

"We just want to show the kids how ‘s life around the island."

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 

 

Bukod pa rito, maraming paaralan sa bansa ang nagsimula na para sa face-to-face classes at malakingg usap-usapan na halos lahat ng school ay muli nang magbubukas. Kaya naman sinusulit ng mag-anak na ito ang pagkakataon upang makapagbakasyon.

"We feel that school will be opening soon and this is our only chance," pagsasaad ni Aubrey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Very active naman ang mag-asawang Aubrey at Troy Montero sa pagbabahagi ng ilan sa mga kaganapan sa kanilang buhay-pamilya. Sa pamamagitan ng kanilang IG account, ibinahagi ng dalawa ang ginawa nilang pagpunta sa Boracay.

Larawan mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Sa isang litrato ng mag-anak ay makikita kung gaano karaming maleta ang kanilang dala-dala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"3 weeks sa Boracay, but packed like we’re going abroad lol," pabirong pagbabahagi ni Troy Montero.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 

Samantala, isa din sa mga rason ng paglipad nila sa isla ng Boracay ay upang i-celebrate ang birthday ng aktres na si Aubrey at ng kaniyang panganay na anak.

Ayon kay Aubrey,

"t’s my BIRTHDAY MONTH as well as my eldest son so we’re staying in Boracay for a MONTH."

Turning 40 years old na ang fresh na fresh at sexy mom na si Aubrey Miles. Samantalang ang kaniyang panganay na anak na si Maurice ay 20 years old na ngayun ding buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinadya ng mag-anak na umalis habang nakasailalim pa sa Alert level 1 ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Dahil dito, mas higit lumuwag ang COVID-19 restrictions sa bansa at mas mapapadali ang pagta-travel.

Larawan mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Sa unang araw ng kanilang pananatili sa lugar ay tinanong ni Aubrey ang kaniya mga follower at supporter kung anu-ano ang mga bagay na maaari nilang gawin sa lugar. Ibinahagi rin niya na ang posibilidad na maiparanas sa mga anak pag magkaroon ng part-time job sa Boracay.

Pagbabahagi ng aktres,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Officially day 1 of our 1month ISLAND LIVING. Now what to do? Any suggestion? I might ask the kids to work part time here."

Larawan mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

BASAHIN: 

Miriam Quiambao sa positibong epekto ng paninirahan sa Boracay: "Mas naging sociable ang anak ko."

Top 8 local's pick of budget family-friendly resorts in Boracay (beyond Station 3)

5 Reasons why you should not bring your family to Boracay Island

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5 Bagay na maaaring gawin sa Boracay

1. I-explore ang white beach

Ang white beach ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na dinarayo ng mga turista ang isla ng Boracay. Sa lugar na ito, maaari kang mag-chill lamang at mag-relax habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa lugar.

2. Island hopping

Island hopping ang isa sa mga rason kung bakit ninanais ng mga tao na pumunta sa dagat. Isa ito sa mga fun at exciting experience na maaari mong gawin at maranasan kapag ikaw ay pumunta sa isla ng Boracay.

Maaari kang mag-swimming sa malinis at napakalinaw na tubig sa dagat habang iyong nadi-discover ang napakagandang mga isla sa lugar.

Magic Island, Crocodile Island, at Crystal Island ang mga pangunahing isa na talaga naman hindi mawawala sa Boracay island hopping tours.

3. Subukan ang exciting water activities

Inirerekomenda ng mga taong nanggaling at bumisita na sa Boracay ang subukan ang napakaraming water activities sa lugar. Mas masaya at exciting ito kung kasama mo ang iyong pamilya at mga kaibigan.

Ilan sa water activities na ito ay ang mga sumusunod:

  • Banana boat ride
  • Fly fish
  • Jets Ski
  • Paddle boarding
  • Paraw Sailing

4. High-altitude activities sa Bulabog beach

Kung nais mo na makita ang panoramic view ng isla, maaari mong subukan ang ilan sa mga inirerekomendang high-altitude activities. Halimbawa na lamang ng mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Windsurfing
  • Kiteboarding
  • Parasailing

5. Underwater activities

Very colorful ang marine life sa Boracay, maaari mo itong makita kung iyong susubukan ang ilan sa mga exciting underwater activities sa lugar. Kasama na rito ang mga sumusunod:

  • Snorkelling
  • Freediving
  • Scuba diving