Buntis, tumangging magpa-emergency CS dahil hinihintay ang suwerteng araw ng panganganak

Narito ang mga dahilan kung bakit kinakailangang gawin ang emergency CS delivery sa ilang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Auspicious date for cesarean birth pinilit sundin ng isang buntis kahit na sinabihan ng mga doktor na kailangan niya ng ma-emergency CS.

Buntis na kailangan ng i-emergency CS

Bumisita sa kaniyang doktor noong September 17, ang isang 37 weeks na buntis sa Zhejiang, China para sa kaniyang routine check-up. Ngunit, may natuklasang hindi inaasahan ang doktor sa kaniyang ultrasound. Siya ay may prolapsed umbilical cord na.

Nangangahulugan na kailangan niya ng ma-emergency caesarean section para hindi malagay sa peligro ang buhay ng sanggol na kaniyang dinadala. Dahil kung hindi, ang pressure mula sa prolapsed umbilical cord ay makakaapekto sa flow ng dugo at oxygen papunta kay baby.

Bilang resulta ang sanggol ay maaring makaranas ng fetal hypoxia o kakulangan sa oxygen. Ito naman ay maaring magdulot ng health complications, brain damage o mauwi sa pagkasawi ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Image from Pexels

Auspicious date for cesarean birth

Ngunit sa hindi inaasahan ay tumanggi ang buntis sa payo ng doktor at sinabing maghihintay siya ng September 20 para maipanganak ang kaniyang sanggol. Ito daw ang auspicious date for cesarean birth o lucky day para manganak na napili ng kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My family has already picked out an auspicious day. It is in two days, on the twentieth of September. Any other day is inauspicious.”

Kung ibang araw daw siya manganganak bukod sa September 20 ay malas daw. Ito ang naging pahayag ng buntis na hindi pinangalanan.

Nanindigan ang buntis sa paniniwalang ito kahit nakaramdam na siya ng pananakit sa kaniyang tiyan kinabukasan ng September 18. Ayon sa doktor, ang pananakit ng tiyan niya ay indikasyon na kulang na ang oxygen na nakukuha ng kaniyang baby sa loob ng kaniyang tiyan.

Pero hindi sumuko ang mga doktor na kumbinsihin ang buntis at buo niyang pamilya na isagawa na ang emergency caesarean section delivery para mailigtas ang buhay ng sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tulong ng hospital director ay nakumbinsi ang pamilya ng buntis at naisagawa ang emergency CS September 18 ng alas-6 na ng hapon.

Mabuti na nga lang daw at naagapan pang maisagawa ang procedure dahil nagkukulay-blue na ang sanggol nang maipanganak. Palatandaan na siya ay kulang na sa oxygen o nakakaranas na ng hypoxia.

Ang buntis ay matagumpay na nagsilang ng isang baby boy na muntik ng mawala sa kaniya kung mas pinatagal niya pa ang pagsilang rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Emergency cesarean section delivery

Ang emergency CS ay isinasagawa dahil sa mga dahilan na maaring malagay sa peligro sa buhay ni baby o ng kaniyang mommy kung patatagalin pa ang pagbubuntis. Ang mga dahilan na ito ay ang sumusunod:

  • Fetal o maternal distress
  • Prolapsed umbilical cord o kapag ang umbilical cord ay bumaba na sa cervix ng buntis at nasa itaas na ng baby
  • Maternal hemorrhage
  • Placenta abruption o ang paghihiwalay ng placenta mula sa uterine wall
  • Uterine rupture o ang pagkakapunit ng uterus kasabay ng nauna ng C-section scar

Kaiba ito sa ibig sabihin ng scheduled C-section na kailangan ring maisagawa agad bagamat hindi nangangahulugan na nasa life-threatening situation si baby at kaniyang mommy. Ang ilan sa dahilan ng urgent unplanned C-section ay ang sumusunod:

  • Walang progress sa pagle-labor.
  • Masyadong mahina ang contractions na nararansan ng buntis.
  • Hindi natotolerate ni baby ang pagle-labor.
  • Si baby ay nakapuwesto ng tagilid o breech ng magsimula ang pagle-labor.

Risk at komplikasyon

Ang emergency caesarean section delivery ay isang ligtas na procedure. Hindi ito irerekumenda ng isang doktor kung hindi kinakailangan at kung hindi life and death ang usapan sa buhay ng isang sanggol at kaniyang ina. Ngunit tulad ng ibang surgical procedures, ito rin ay may kaakibat na risk at complications. Ito ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Excessive bleeding
  • Infections
  • Allergic reaction sa mga gamot
  • Blood clots
  • Possible injury sa internal organs ng ina
  • Possible injury kay baby

Recovery time

Ang recovery ng isang CS delivery ay mas mahaba kumpara sa normal vaginal delivery. Dahil kailangang pagalingin ang tahi sa sugat na dulot ng procedure.

Kaya naman para maibsan ang sakit ay mag-rereseta ng painkillers ang doktor. Makakaramdam din ng labis na pagkapagod o tila pamamaga ng katawan ang isang inang dumaan sa CS delivery. Mahihirapan ka ring kumilos dahil sat ahi at maaring makaranas ng constipation o hirap sa pagdumi.

Bawal din ang magbuhat ng mabigat o gumawa ng kahit anong uri ng exercise sa loob ng 6-8 linggo matapos ang CS delivery. Para mas mapadali ang recovery time matapos ang CS delivery ay gawin ang gma sumusunod na hakbang:

  • Magpahinga.
  • Maglakad-lakad.
  • Kumain ng mga masusustansyang pagkain.
  • Humingi ng tulong sa mga kapamilya o kaibigan sa paggawa ng mga gawaing bahay.
  • Ugaliing i-check ang katawan at sarili. Magpunta agad sa doktor kung nakaramdam ng kakaiba o sa iyong katawan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: AsiaOne, KidSpot, WebMD, Healthline
Photo: Pexels

Basahin: Cesarean Section: Ang epekto sa kalusugan ni baby kapag ipinanganak ito via CS