6 things na dapat mong malaman tungkol sa AUTISM

Narito ang kahulugan ng autism at mga sintomas nito na mapapansin sa isang bata na may taglay ng kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano bang meaning ng autism in Tagalog? Mayroon ba? Alamin ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa kondisyong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang autism?
  • 6 bagay na dapat mong malaman tungkol sa autism
  • Anong dapat gawin ng magulang kung na-diagnose ng autism ang anak

Lahat ng magulang ay gustong lumaki at mabuhay ng normal at masaya ang kanilang anak. Subalit paano kung habang lumalaki ang iyong anak, ay mapansin mong may kakaiba sa kaniyang pagkilos? At anong gagawin mo kung malaman mong mayroon pala siyang kondisyon na maaring makaapekto sa kaniyang pamumuhay?

Ang pagkakaroon ng autism spectrum disorder o mas kilala lang sa tawag na autism ay isa sa mga kondisyong pinangangambahan ng maraming magulang. Maaaring dahil sa mga naririnig nilang kuwento o napapanood nila sa mga palabas sa TV kung gaano kahirap ito para sa mga bata.

Minsan, sa kasamaang palad, nagiging masama ang pananaw nila sa mga batang mayroong autism. Pero bago natin husgahan ang mga bata na mayroon ng kondisyong ito at ang kanilang mga magulang, dapat ay intindihin muna natin kung ano ba talaga ang autism.

Ano ang autism?

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung hahanapin mo kung ano ang meaning ng autism in Tagalog, maaaring hindi matapos ang iyong pananaliksik. Walang literal na translation ang autism sa wikang Tagalog.

Pero itinutukoy nito ang isang kondisyon o disorder na may kaugnayan sa brain development ng isang tao. Ang karaniwang paglalarawan nito ay kapag ang isang bata ay may limitadong kakayahan sa pakikipag-usap.

Ganoon din ang paggamit ng kaniyang social skills o kaya naman kapag parang paulit-ulit o hindi karaniwang ang kaniyang pagkilos.

May ibang bata naman na may autism ang very sensitive o nakakaramdam ng sakit sa mga tunog, lasa, amoy o mga tanawin na normal lang para sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman sila ay itinuturing na special kumpara sa ibang bata. Maaaring mild o banayad lang ang mapansin mong senyales ng autism sa iyong anak, pero mayroon rin namang iba na kapansin-pansin talaga ito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 1 sa 160 bata ang nada-diagnose ng autism. Pero ano ba nga ba ang mga bagay na dapat malaman ng isang magulang tungkol sa autism?

5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa autism

1. Ang autism ay hindi isang disease

Ang autism ay hindi isang sakit kung saan pwede kang uminom ng gamot at gagaling agad ito. Hindi rin ito nakakahawa.

Ito ay isang neurodevelopmental disorder na nailalarawan ng hirap sa pakikipag-usap at social skills o pakikitungo sa ibang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga taong autistic na na kayang mamuhay ng normal at malaya, at marunong makitungo sa iba sa tulong ng therapy at professional intervention.

2. Mapapansin mo ang autism sa unang tatlong taon ng buhay ng bata

Maaaring mapansin mo na ang ilang sintomas ng autism pagdating ng 10 o 12 buwan ng iyong anak, at lalo na sa kaniyang ika-18 na buwan.

Pero maaari lamang magbigay ng diagnosis at makumpirma ng doktor na mayroong autism ang bata pagdating niya ng 2-taong gulang.

Ipinapayo ng mga eksperto ang early intervention, o maagang pagkakakilala ng kondisyon sa ating mga anak para maturuan sila ng mga tamang paraan ng pagkilos at pakikitungo sa iba.

Narito ang ilang senyales ng autism na maaaring mapansin ng mga magulang:

  • Hirap na makisalamuha o makipaglaro sa ibang bata
  • Nahihirapang tumingin ng diretso at makipag-eye contact
  • Limitado ang pagsasalita
  • Hindi makontrol na paulit-ulit na galaw ng katawan gaya ng pagkumpas ng mga kamau, paikot-ikot o pagpadyak ng mga paa.
  • Nahuhuli sa kaniyang developmental milestones
  • Nahihirapang mag-focus sa paaralan
  • Paglalaro ng kaniyang laruan sa kakaiba o paulit-ulit na paraan
  • Clumsiness o kakulangan sa spatial awareness

3. Hindi nagdudulot ng autism ang mga bakuna

Nagsimula ang sabi-sabi na nagdudulot raw ng autism sa mga bata ang ilang vaccine noong taong 1990. Subalit pinabulaanan agad ito ng mga eksperto dahil walang sapat na dahilan at ebidensya ang paniniwalang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi pa talagang nakukumpirma ng mga eksperto kung ano talaga ang sanhi ng autism sa isang tao. Maraming mga paniniwala na may kinalaman ang maling pagpapalaki ng bata sa pagkakaroon niya ng autism. Subalit hindi naman ito napatunayan at nagdudulot pa ng stress sa mga magulang.

Ngayon, pinaniniwalaang ang autism ay dulot ng pinaghalong problema sa genetics at sa kapaligiran. Ayon sa pinakamalaking pag-aaral tungkol sa autism na isinagawa noong 2019.

Natuklasan na ang 80 porsyento nito ay dahil sa genetics (o nasa lahi at namamana ng bata) at 20 porsyento naman dahil sa kapaligiran.

4. Walang gamot sa autism ngunit mahalaga ang early diagnosis sa kondisyong ito.

Ang pagkakaroon ng autism ay hindi isang yugto lamang sa buhay ng isang bata na malalagpasan o “makakalakihan” lang niya. Sa kasamaang palad, ito ay isang lifelong na disorder na makakaapekto sa pagkilos ng isang tao.

Bagama’t walang gamot para sa autism, maaari namang mapabuti ang kalagayan ng isang batang mayroon nito sa pamamagitan ng early intervention at therapy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Paano nga ba mada-diagnose ng autism ang isang bata?

Nakakatulong ang developmental monitoring o pag-oobserba ng mga ikinikilos ng iyong anak habang siya ay lumalaki. Bantayan kung nagagawa ba niya ang mga developmental milestones para sa kaniyang edad pagdating sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglalaro, paggalaw, pagsasalita at pagkatuto.

Maaari kang sumangguni sa isang checklist of milestones para malaman kung naaabot ba ito ng iyong anak. Kung sa palagay mo ay hindi ito nagagawa ng iyong anak, kumonsulta sa kaniyang pediatrician para mabigyan siya ng mas masusing pagsusuri.

Pwede ring ipayo ng doktor na kumonsulta kayo sa isang developmental pediatrician, at ang bata ay sasailalim sa developmental screening test para makumpirma kung mayroon nga siyang autism o kaya naman ibang developmental delay disorder.

Kuwento ng ilang nanay dito sa ating TAP community, mahaba ang proseso na pagdaraanan bago makumpirma kung may autism ang iyong anak, at mahirap ring kumuha ng appointment sa mga developmental pediatricians (halos 6 na buwan ang inantay ng iba) kaya huwag nang magdalawang isip na kumonsulta kung may napapansin kang kakaiba sa iyong anak.

BASAHIN:

8 signs na maaaring may autism ang baby

“Nanay lang iyong nagpapasabay lahat. I think all mothers are like that.”- Candy Pangilinan

Ano ba ang maitutulong ng mga developmental pediatrician?

5. Bagama’t nahihirapan nilang ipahayag ito, nakakaramdam din ng emosyon ang mga batang may autism.

Maaaring hirap sa pagsasalita at pakikitungo sa iba ang mga batang may autism, pero hindi dahil hindi nila naipapakita ito ay ibig sabihing wala na silang nararamdaman.

Ang mga taong may autism ay nakakaramdam rin ng mga emosyon. Minsan ay parang wala silang interes sa ibang tao, pero ang katotohanan ay nahihirapan lang silang ipahayag ito.

Minsan ay nahihirapan lang rin silang intindihin ang damdamin at emosyon ng ibang tao,at sa kasamaang palad, inaakala ng iba na marahas at bayolente ang mga batang may autism. Subalit gaya ng ibang bata, gusto rin nilang makipaglaro at magkaroon ng mga kaibigan.

Maaaring makatulong ang pagsasailalim sa therapy para matuto silang magpahayag ng kanilang emosyon at makitungo sa iba sa tamang paraan.

Makakatulong din kung hahayaan ang isang autistic na bata na mamuhay ng normal tulad ng pagpasok sa school at pakikilahok sa mga activites kasama ang ilang bata.

6. Napakahalaga ng papel ng magulang sa pamumuhay ng isang batang may autism

Para sa mga magulang, bagama’t isang napakalaking hamon ang pagkakaroon ng anak na may autism, napakaimportante ng iyong gagampanang papel para maisaayos ang kondisyon ng iyong anak.

Larawan mula sa Freepik

Narito ang mga bagay na maaring makatulong sa iyo sa pag-aalaga ng iyong anak na may autism:

  • I-educate ang sarili tungkol sa autism.

Makakatulong na magbasa-basa ng mga pag-aaral tungkol sa autism. para mas maintindihan mo ang kondisyong ito. Siguruhin rin na mapagkakatiwalaan ang mga sources ng mga article na babasahin mo. Kung mayroon kang hindi maintindihan, huwag mahiyang tanungin ang doktor ng iyong anak.

  • Humanap ng suporta.

Gaya nga ng nasabi, hindi madali ang maging magulang ng isang batang may autism. Kaya naman makakatulong kung mayroon kang support group na makakaintindi sa iyong pinagdadaanan.

Humanap ng mga online groups ng mga magulang na mayroon ring anak na may autism para makahanap ka ng kausap.

  • Bigyan ng oras ang iyong sarili.

Para maalagaan mo ng maayos ang iyong anak, kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili. Bagama’t parang gusto mong umikot ang buong mundo mo sa bata.

Makakatulong pa rin kung magkakarooon ka ng oras para sa iyong partner, sa iyong mga kaibigan at mga sariling interes para maiwasang makaramdam ng burnout.

Tandaan, kailangan ng mahabang pasensya at oras ang pag-aalaga sa isang batang may autism. Pero kung maaagapan ito ng maaga, matutulungan mo ang iyong anak na mamuhay ng normal at malaya.

 

Source: Kid’s Health, WebMD, WebMD, Independent UK, Mayo Clinic, One Central Health,

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.