How Candy Pangilinan son Quentin changed her life.
Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:
- Paano binago ng anak ni Candy Pangilinan ang buhay niya.
- Mga aral na natutunan ni Candy Pangilinan sa anak niyang si Quentin.
Candy Pangilinan as a wife and a mother
Sa pinaka-latest vlog ng TV host na si Toni Gonzaga ay in-interview niya ang kilalang Filipina actress-comedian na si Candy Pangilinan. Dito ay ibinahagi ni Candy ang mga pinagdaanan niya bilang isang asawa at ina ng anak niyang si Quentin na may autism.
Ayon kay Candy, wala pang isang buwan ng maipanganak si Quentin ng iwan sila ng ama nitong si Gilbert Alvarado. Ito ay matapos ng higit sa 10 taon nilang pagsasama at sa pagpapatawad niya rito sa kabila ng mga pambabaeng ginawa nito sa kaniya.
“Even before I got pregnant medyo malabo na kami. We were together for 10 years tapos noong ikinasal kami medyo malabo na kami.
Even before kaming kinasal meron na akong nahuli. Pero kasi ‘di ba ang babae ang feeling mo, people change and feeling ko a baby will save it. Kaya nag-decide akong magbuntis.”
Ito ang pahayag ni Candy. Subalit mali pala ang inakala niya. Sapagkat kahit nagkaanak na sila ay hiniwalayan pa rin siya nito.
“Before I gave birth nandiyan pa naman siya pero sinasabi niya sa akin na iiwanan niya ako. Sabi pa nga niya, kapag lumabas iyan, at least meron na akong, ang term pa nga niya, ay souvenir. Hindi mo makakalimutan ‘yon.”
“After a month I gave birth, umalis na nga siya. Hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin na maggo-golf siya tapos iyon hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya.”
Ito ang pabirong kuwento ng actress-comedian sa pinagdaanan niya.
Kuwento pa niya ng mga panahong iyon, ay nakaranas siya ng depresyon at nagpunta pa sa psychologist para magpatingin at magpagamot.
Pero ayon sa psychologist ay wala namang mali sa kaniya. Kaya naman nagpatuloy nalang siya sa kaniyang buhay at nag-concentrate na lamang siya pagpapalaki sa kaniyang anak.
Candy Pangilinan son Quentin
Candy Pangilinan son/ Image screenshot from YouTube video
Makalipas ang ilang buwan, matapos iwan ng kaniyang asawa ay naharap na naman sa isang napalaking pagsubok si Candy Pangilinan.
Sa pagkakataong ito ang pagiging ina naman niya ang sinubok ng tadhana. Natuklasan ni Candy na ang kaniyang anak na si Quentin na wala pang isang taong gulang noon ay may autism.
Pagkukuwento ni Candy Pangalinan ,“Actually it was not me, it was my mom. Sabi niya paycheck-up mo iyong mata kasi minsan duling, minsan banlag.” Dagdag pa ni Candy, “So I brought him to a child eye doctor, chineck-up siya tapos biglang sinabi niya go to a developmental doctor.”
Doon niya nga nalaman na ang kaniyang anak ayon sa doktor ay naiiba at kailangan nito ng espesyal na pangangalaga.
“I will not give your son a diagnosis at this point because it is very early but I want you to go to a therapist. Sabi niya noong time na iyon, your son is different.”
“Sabi niya, have you heard about ADHD and autism sabi niya sa akin.”
Dagdag pa ni Candy, noong una ay hindi niya pa nare-realize kung gaano kaseryoso ang kondisyong hinaharap ng anak niya. Hanggang sa nagsimula na itong mag-therapy na kung saan nakita niya na naiiba nga ito kumpara sa mga batang ka-edaran niya.
“Noong nag-tetherapy na kami, doon nagdahan-dahang nag-dawn sa akin na, ay hindi pala ito nakukuha sa mga therapy lang.
Ay pang-habangbuhay na ata ito. Hindi ito nakukuha sa gamot. HIndi ito parang ipa-paracetamol mo tapos gagaling ‘yong ganoon.”
Kuwento pa ni Candy, “Tapos nakikita ko na iyong ibang bata, Oh my gosh! Iba nga iyong anak ko.” Pagkatapos noon ang inoobserbahan niya ang ibang bata, at doon nga niya napansin na iba talaga ang kaniyang anak.
Sapagkat nang panahon na iyon ayon kay Candy ay hindi pa nagsasalita ang kaniyang anak. Dapat din na lumalalakad na rin siya. Kaya nga sabi niya, “Idadasal mo na lang talaga.”
Mga aral na natutunan ni Candy Pangilinan sa anak niyang si Quentin
Mahirap man para sa isang ina ang pinagdadaanan ng anak niya, ayon kay Candy, marami siyang natutunan at na-realize ng dumating sa buhay niya si Quentin. Isa na nga rito na ang bawat nagaganap sa buhay niya ay isang blessing at bahagi ng mas malaking plano ng Diyos para sa kaniya.
“Yong paghihiwalay was also a blessing. Everything was a blessing.”
Ang pagkakahiwalay niya umano sa kaniyang asawa ay tila paghahanda umano sa kaniya ni Lord. Sapagkat binago nito ang kaniyang pagkatao at mindset. Para maihanda siya sa kaniyang anak na si Quentin.
Dati umano kasi pakiramdam ni Candy ang asawa niya ang Diyos niya. “‘Yong buhay ko sa kaniya umiikot e. Dahil wala akong ginawa kung hindi para akong detective e.”
Wala umanong ibang ginawa si Candy kung hindi magduda, magmatyag. Hanggang sa napagtanto niya na hindi ito dapat. Pahayag pa niya, “Kapag napapagod ka pala, inoffer mo na lahat kay Lord parang everything unfolds and becomes a miracle. Gumagaan.”
BASAHIN:
Zeinab Harake ipinanganak na ang baby girl nila ni Skusta Clee!
8 signs na maaaring may autism ang baby
Autism sa bata: Ang mga senyales, lunas at sanhi
Candy Pangilinan son/ Image screenshot from YouTube video
“So iyong dumating si Quentin, nilagay na sa harap mo ah may rason si Lord dito.”
Dagdag pa niya, na-realize rin niya na sa labang ito ay hindi siya nag-iisa. Marami ring ina ang dumadaan sa pagsubok na kinakaharap niya.
Tulad niya ay kailangan din nila ng encouragement at hope. Isang bagay na na-realize niya na isa sa mga purpose niya sa buhay at naging inspirasyon niya sa pagsusulat ng isang libro na kung saan tampok ang pinagdaanan nila ni Quentin bilang mag-ina.
“Ngayon iniisip ko kung hindi si Quentin ang anak ko baka nandoon pa ako sa dati kong buhay. Baka lumalabas pa rin ako, baka nandoon pa rin ako sa mga kapritso ko.
With all the affirmations I am getting, na-realize ko marami rin palang nanay ang dumadaan sa ganito. and they need the encouragement also and they need hope.”
“He is my ticket to heaven kasi grabe ‘yong itinuro niya sa ‘kin. Iyong pasensiya, iyong tolerance saka iyong to live simply.”
Si Quentin rin umano ang nagturo kay Candy na magkaroon ng simpleng buhay. Hangga’t wala kang ginagawang masama ay wala kang problema.
“’Yong ang simple ng buhay, sobra siyang grateful and appreciative of simple things. Dati kasi kailangan mo akong i-impress ngayon hindi na.”
“There was a time I felt so bad, medyo malaki na si Quentin. Tapos naiyak ako sa sobrang sama ng loob. Lumabas siya nakita niya, sabi niya sa ‘kin what’s wrong Mom.
Sabi ko, you know someone did something really bad to us. Ang tanong niya sakin, did you do bad? Sabi ko no. Sagot niya. “You have no problem.”
Na-realize umano ni Candy na ang simple ng buhay, kung wala umano kang ginagawang masama, wala kang problema. Wala kang issue.
“Do not compete, do not conform. Do not compare. So your life will be satisfied and content.”
Para hindi mahirapan sa pagpapalaki sa anak niyang si Quentin ay ito umano ang advice na ibinilin kay Candy ng spiritual counselor niya.
Isang bagay na tinandaan niya at mas naintindihan niya ng lumalaki si Quentin na naging daan din para ma-realize niya na ang mga bagay na maaaring normal para sa atin ay isang napakalaking blessing na dapat nating pasalamatan.
Dahil ang anak niyang si Quentin ay maraming hindi kayang gawin. Pero sa kabila nito ay minahal niya ng buong-buo ito at inalagaan ng abot ng makakaya niya.
“Our hands hindi natin nare-realized how blessed we are. We can touch, we can feel. We have grips, we have holds.”
Nang mag-first therapy umano si Quentin, iyong bente singko na napulot umano nito sa sahig ay inilagay niya sa alkansiya. Grabe umano ang nangyari na iyon para kay Quentin. Iniiyakan umano niya ito.
Sapagkat hindi niya kayang kunin at ilagay sa butas. Pero sa atin umano balewala iyon, subalit para kay Quentin mahirap itong gawin. Pagkukuwento ni Candy patungkol sa frustration niya noon sa kaniyang anak.
Candy Pangilinan son/ Image screenshot from Candy Pangilinan Instagram account
“The hardest part iyong rejection, discrimination iyon iyong pinakamasakit, for a mother.”
Ayon kay Candy, sa laban niyang ito, isa sa pinaka-mahirap ay ang diskriminasyon, hindi lang sa kaniya na isang single mother kung hindi pati na rin sa anak niyang si Quentin at ang kondisyon nito.
“Iyong nag-a-attend ka ng party, walang naglalaro sa anak mo. So Quentin umabot sa pag-alam niyang a-attend ng party nagdadala ng sariling laruan. Siguro alam niyang walang maglalaro sa kaniya.”
Dumating pa nga umano sa punto na naging hadlang ang kondisyon ng anak para hindi ito payagang maka-attend sa graduation sa school. Isang bagay na ipinagmakaawa ni Candy subalit hindi talaga pinagbigyan.
Nagmakaawa si Candy sa principal ng school na pinapasukan ng anak para pa-graduatin ito. Ngunit, ito ay hindi pumayag dahil sa iba si Quentin.
Pagkukuwento ni Candy, “Pumunta ako sa principal nagtanong ako bakit po? Hindi siya gra-graduate. Sabi niya hindi lang naman ang gra-graduate may ibang grade levels din. Paano kapag nawala ang bata nakakahiya.”
Sabi pa ni Candy, “Sabi ko iprapraktis ko ‘yong kami lang dalawa, ipa-graduate ninyo na ho. Parang awa ninyo ha. Pinagpraktis ninyo na po ‘yong bata, kawawa naman ho. Umabot ako sa kahit bigyan ninyo na lang ho ng bond paper, wala hong nakasulat.”
“Mothers are made for a purpose and God will help you do it.”
Pero hindi napigilan nito si Candy. Lalo pa’t nakikita niya kung gaano kabuti at kainosente ang anak niya. Bilang isang ina ay gagawin niya ang lahat para lang ito ay mapasaya.
“Noong pauwi na kami, inuwi ko na si Quentin. Ito na si Quentin, sabi niya “What’s wrong?” Sabi ko nothing. Tapos sabi ko sa kaniya, “Quentin, do you want to go back there later?”
Sinabihan din niya ang anak niya na,”Balik tayo dyan later, practice tayo up and down para for your graduation. Punta tayo dun tapos play tayong dalawa.”
Subalit sabi hinawakan umano ni Quentin ang kamay niya at sinabing, “No, Mom. I’m good. I’m okay.” Lalo umanong naiyak si Candy nang marinig niya ito mula sa kaniyang anak.
“Sa awa ko, gumawa ako ng sariling graduation sa plaza. Nag-invite ako ng mga taga-church, mga taga palakpak, grumaduate siya sa plaza namin.”
Sa puntong iyon ay labis-labis ang saya ni Candy na makita ring masaya ang anak niya. Sapagkat ayon sa kaniya, ito ang purpose niya sa buhay. Ang purpose niya na nagagawa niya sa tulong ng Diyos at pagmamahal niya sa anak niya.
“Nanay lang ako ang kayang maglaba, habang nag-aalaga ng bata at nanood ng TV. Nanay lang iyon, nagpapasabay lahat.
I think all mothers are like that kasi alam mong iyon ang kailangan mong gawin, iyong ang purpose mo. Mothers are made for a purpose and God will help you do it. Make it happen because that is your purpose.”
Ito ang pahayag pa ni Candy Pangilinan tungkol sa pagiging isang ina sa anak niyang si Quentin na ngayon ay 17-anyos na.
Source:
Youtube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!