Autism, puwede bang maiwasan habang nagbubuntis?

Matagal nang inaalam ng mga eksperto kung ano ba talaga ang sanhi ng autism sa sanggol. Ngunit posible ba itong maiwasan habang nagbubuntis pa lang?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga nagdadalang-tao, napakaimportante ang kalusugan ng iyong anak. At pagdating sa usapin ng autism sa sanggol, siguradong lahat ng magulang ay gustong malaman kung paano makakaiwas ang kanilang anak sa kanitong kondisyon.

Ngunit hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa mga doktor at eksperto kung ano ang mismong sanhi ng autism. Ito ay dahil posibleng environmental, genetic, o parehas ang sanhi ng autism sa sanggol.

Kung environmental, ibig sabihin ay galing sa iyong paligid ang sanhi ng autism. Kapag genetic naman, ibig sabihin ito ay talagang nasa lahi na ng pamilya.

Paano makakaiwas sa autism sa sanggol?

May mga paraan na makakatulong upang hindi magkaroon ng autism ang iyong sanggol. | Source: Pixabay

Pagdating sa mga genetic na sanhi ng autism, wala gaanong magagawa ang mga ina tungkol dito. Pero kung environmental na sanhi ang pag-uusapan, may mga hakbang na puwedeng gawin ang mga ina tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umiwas sa air pollution

Alam niyo ba na pati ang mga sanggol ay naaapektuhan ng air pollution? Kung ano ang hangin na nalalanghap ng ina ay siguradong nakakaapekto sa kalusugan ni baby.

Kaya’t mabuting umiwas sa air pollution, dahil halo-halo ang mga kemikal na laman ng maduming hangin. Kung mausok sa inyong lugar, mabuting iwasang masysadong lumabas ng bahay upang masigurado ang kalusugan ng iyong anak.

Umiwas sa mga masasamang kemikal

Kapag nagbubuntis, mabuting umiwas sa mga pagkain na naka lata, sa mga softdrinks na naka lata, at sa pag-inom ng tubig na galing sa plastic na bote.

Ito ay dahil posibleng may mga kemikal sa mga ganitong lalagyan na maging sanhi ng autism sa sanggol.

Mabuti ring umiwas sa mga cosmetic products na may dagdag na pabango, dahil minsan nakakasama ang mga pabango na ito sa kalusugan ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mag-research sa iyong mga gamot

Napag-alaman sa mga pag-aaral na may kinalaman ang mga gamot na iniinom ng ina sa pagkakaroon ng autism. Ito ay dahil may ilang uri ng gamot, tulad ng mga antidepressant na may SSRI, ay posibleng maging sanhi ng autism para sa mga sanggol. Ngunit hindi pa rin alam ng mga eksperto kung ito ay dahil sa antidepressant mismo, o sa depression ng ina.

Ang gamot din na valproate, na ginagamit sa mga may epilepsy at iba pang sakit ay puwedeng magdulot ng autism.

Kung mayroong mga ganitong kondisyon ang isang inang nagbubuntis, mabuting magpakonsulta sa iyong doktor at alamin kung may alternatibong gamot na puwedeng inumin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magkaroon ng 2-5 taon na pagitan sa pagbubuntis

Napag-alaman sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of the American Academy of Child & Adolescent Psychiatry na ang pagkakaroon ng 2-5 taon na pagitan sa pagbubuntis ay nakakababa ng panganib ng autism.

Dagdag pa rito, nalaman ng mga researcher na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng autism sa sanggol kapag isang taon o mas konti pa ang pagitan ng pagbubuntis.

Uminom ng folic acid

Ang folic acid ay mahalaga para sa brain development ng iyong anak. Ang pag-inom nito ay posibleng makabawas sa posibilidad ng autism sa mga sanggol.

Bukod dito, mahalaga rin ang folic acid supplements para sa overall na development ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alagaan ang iyong kalusugan

Malaking bahagi ng kalusugan ng iyong anak ang iyong kalusugan. Ugaliing kumain ng tama, mag-ehersisyo, at umiwas sa mga bagay na makasasama sa iyo at sa iyong sanggol.

Mabuti rin ang pagkakaroon ng matibay na resistensya upang makaiwas sa sakit na posibleng makaapekto sa iyong dinadalang sanggol.

Magpahinga

Mahalaga ang pag-relax at pagkakaroon ng oras para magpahinga sa mga buntis. Malaking tulong ito upang makaiwas sa dagdag na stress at anxiety, na hindi mabuti para sa mga nagdadalang-tao.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Fit Pregnancy

Basahin: Kapag nilagnat ang buntis, tumataas ang chance na magkaro’n ng anak na may autism

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara