Ilan beses na nating narinig na kailangan din ng pag-aaway para maging healthy ang relasyon. Sa case ninyo ni partner, ano ang tingin mo ang macoconsider pang “healthy fight?”
Kung hindi mo pa maidentify, inilista namin ang ilan sa mga paraan ng pag-aaway na nakapagpapatibay ng relasyon ninyong mag-asawa.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang healhty fights sa isang relasyon
- 4 paraan para magkaroon ng “healthy fights” ang mag-asawa
Ano ang healhty fights sa isang relasyon
Isa ka rin ba sa naghahanap ng secret to long-lasting relationship? O napapaisip kung ang madalas na pagbabangayan ninyo ni mister o misis ay may hindi na magandang dulot sa relasyon?
Ang isang mga pag-aaway ng mag-asawa ay normal lamang. Nakakatulong pa ito para maging matibay ang inyong relasyon. Pero minsan may mga pag-aaway na hindi nagbibigay ng magandang dulot sa relasyon. Kumbaga, itong mga pag-aaway na ito ay mas nagpapalayo at nakakapagpasira pa ng inyong relasyon.
Kaya naman mas magandang magkaroon ng tinatawag nilang “Healthy fights”, ito yung pag-aaway na nagpapatibay sa isang relasyon.
“Healthy disagreements can help strengthen your relationship and deepen your connection with your partner.”
Ayon sa isang licensed psychologist sa California na si Aliana Liu.
Hindi dapat lahat ng pag-aaway ay mauwi sa pag-iisip ng hiwalayan. Natural ang pagkakaiba ng opinyon ninyo dahil parehong magkaibang tao kayo. Kaya nga mahalagang mayroong pagtatalo kung saan pareho ninyong nasasabi ang mga hinaing ng isa’t isa.
Dagdag pa ng psychologist na si Liu,
“We now know that the secret to long-lasting relationships is not to eliminate any disagreements or conflicts, but rather how we disagree and reconcile differences.”
Hindi raw dapat nagbabatuhan ng dumi sa isa’t isa, isa sa susi ay ang pag-unawa at pagpaparaya.
Sa pag-aaral ng Gottman Institute, ay binuo nila ang “Four Horsement of the Apocalypse.” Ito ang apat na uri ng communicative behaviors sa pagtatalo na maaaring mauwi sa destructive outcomes.
Kasama dito ang criticism, defensiveness, stonewalling, at contempt. Ito ang kanilang mga kahulugan at kung paano makakaisip ng paraan para maiwasan ang gawin healthy fight ang inyong pag-aaway.
4 paraan para magkaroon ng “healthy fights” ang mag-asawa
1. Huwag gumamit ng masasamang krisismo sa iyong asawa
Nakapagti-trigger ng strong signal para i-defend ang sarili at hindi na mag-engage sa conversation ang labis na kritisismo. Ayon kay Gottman, maaari pa rin namang mag-open ng criticism pero dapat ay, “gentle start-up.”
Sa halip na sabihing, “Hindi ka naman marunong makinig napaka wala mong kwentang tao!” May tendency kasing pasigaw rin ang kanyang sasabihin at pareho na kayong magtataasan ng boses.
Gawing mas malumanay ang pagsisimula ng usapin, pwedeng sabihing, “May mga time na pakiramdam ko hindi mo ako pinakikinggan at hindi mo pinapansin ang mga bagay na gusto kong pag-usapan.” Sa ganitong paraan ay sasagot ang partner nang malumanay rin na paraan.
Iwasan din ang pagsasabi ng mga katagang “palagi kang ganito” at “kahit kailan hindi ka naging ganito.”
BASAHIN:
Parents, here’s what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak
2. Iwasan ang pagiging defensive
Hindi naiiwasang parehong magdepensa ang isa’t isa kung nagbabatuhan na ng mali. Kumbaga para raw itong tug-of-war kung saan pareho kayong naghihilaan at sa huli at pareho lang kayong nagkasakitan. Maaaring subukang kunin ang ibang responsibilidad upang maglight nang bahagya ang pagtatalo.
Halimbawa ang mga pagsasabi ng, “Hindi ka naman kahit kailan nagliligpit man lang dito sa bahay!” Pwede namang sabihing, “Ako na lang muna maglilinis sa ngayon, ikaw na lang siguro sa ibang gawain na sa tingin mo mas kaya mong gawin.”
3. Iwasan ang mga below the belt na komento sa iyong asawa
Binigyang kahulugan ni Gottman, kung ano ang salitang contempt,
“Contempt is an expression of superiority, a costly emotional jab that is corrosive to one’s insecurities and sensitivity.”
Ito raw ay kadalasang mga komentaryong maaaring makasakit ng damdamin ng partner dahil sa below the belt na. Emotional poison daw ito na nakapagtutulak ng tao papalayo.
Para raw maiwasan ang ganito, dapat ay magkaroon ng culture of appreciation and respect. Pwede pa rin namang maging tapat sa nararamdaman ngunit hindi nakasasakit ng damdamin at hindi nagiging superior sa partner.
Iwasan na ang pagsasabi ng, “Wala ka nang dulot sa relasyon na ito! Hindi ko alam bakit kailangan ko pang magstay!”
Maaari naman itong ibukas nang hindi nakakaoffen sa iyong partner, katulad ng “Napapansin kong hindi na pantay ang effort ng relasyon, pwede ba nating pag-usapan ano ang pwedeng gawin dito?”
4. Laging isipin ang inyong pagsasama at mararamdaman ng iyong asawa sa tuwing nagkakasagutan kayo
Fight-or-flight talaga ang kadalasang nangyayari sa gitna ng mga maiinit na pagtatalo. Kasabay nito ay tumataas ang blood pressure maging heart rate kaya naman ang abilidad na magproseso ng mga impormasyon ay nababawasan na.
Nawawala ang emotional attachment sa tuwning nangyayari ito. Para maiwasan ito, dapat ay huwag kalimutan ang emotinal connection ng isa’t isa kahit pa wino-work out na ninyo ang mga hindi pagkakasunduan.
Sa halip na sabihing, “Naiirita na ako sa bunganga mo! Lalayas na ako!” mas mainam na sabihing, “Lalabas lang muna ako para pakalmahin ang sarili. Babalik ako kapag kalmado ka na rin.”
Wala naman talagang perfect na relasyon, pero pwede maging healthy ito. Communication is the key for that.