5 na dapat gawin kung ayaw talagang magbago ng ugali ng asawa mo
Kung nakakasakit o abusive na ang ugali ng asawa mo, hindi mo kailangang hintayin siya na magbago.
Ayaw magbago ng ugali ng asawa mo? Narito ang mga dapat mong gawin.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit hindi mo basta-basta mababago ang ugali ng asawa mo.
- Ano ang dapat mong gawin kung ayaw magbago ng ugali ng asawa mo.
Pag-uugali ng mag-asawa
Woman photo created by drobotdean – www.freepik.com
Sabi ng matatanda, makikilala mo lang ng lubos ang isang tao kapag siya ay nakasama mo na sa iisang bubong. Ito ay madalas na nangyayari sa mga mag-asawa.
Sa una, noong kayo ay nagliligawan pa ay akala mo siya na ang perfect na tao para sa ‘yo. Hanggang sa kayo ay maikasal o magkasama sa iisang bahay na kung saan makikita mo ang tunay na ugali niya at kung sino siya talaga.
May mga ugali siyang maaaring maging dahilan para lalo mo siyang mahalin. May mga ugali rin siyang panigurado ay kaiinisan mo at gusto mong kaniyang baguhin.
Ilan nga sa halimbawa ng mga ugaling ito ay ang sumusunod:
- Hindi pagbibigay ng oras sayo at sa inyong mga anak.
- Emotionally o physically abusive.
- Madalas na pangloloko o pambabae.
- Pagsusugal.
- Paglalasing o madalas na pag-inom.
- Mayroong very negative na attitude.
- Hindi makahanap o makatagal sa trabaho.
- Pagiging magastos.
Ang mga nabanggit, ayon sa mga relationship experts, ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon.
Bagama’t madaling sabihin na kung mahal ka talaga ng asawa mo ay babaguhin niya ang ugali niyang ito para sayo. Pero ito ay hindi basta-basta at kinakailangan rin ng effort mo at hindi lang niya.
Bakit hindi mo basta-basta mababago ang ugali ng asawa mo
Ayon sa marriage consultant na si Sheri Stritof, kailangan mong tanggapin na hindi mo basta-basta mababago ang ugali ng asawa mo.
Paliwanag ni Tina Gilbertson, isang psychotherapist, dahil ang pagbabago ng ugali ng isang tao ay isang komplikadong proseso. Sapagkat ang abilidad at willingness ng isang tao na magbago ay naiimpluwensiyahan ng kaniyang mental at emotional health.
Maaaring ayaw niyang magbago dahil iniisip niyang tama naman ang kaniyang ginagawa. O kaya naman, tulad mo ay depress din siya at walang energy o motivation para magbago. Ano man ang dahilan ng asawa mo, may mga paraan o hakbang kang maaaring gawin para matulungan siyang magbago.
BASAHIN:
5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama
Epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa isang relasyon
Kung ayaw mong maging masama ang ugali ng anak mo, huwag mong gawin ang mga ito
Mga dapat gawin kung ayaw magbago ng ugali ng asawa mo
1. Ikaw ang magbago.
Para magsimula ang pagbabago sa inyong relasyon o sa asawa mo ay simulan mo ang pagbabago sa ‘yo. Gawin ito sa paraan kung paano ka nagre-respond sa mga ugali niyang hindi mo gusto.
Halimbawa, kung dati ay lagi mo siyang binubulyawan dahil wala siyang trabaho, mabuting maghinay-hinay ka muna. Imbis na magalit sa kaniya bakit hindi mo subukang intindihin ang sitwasyon niya.
Kausapin siya ng mahinahon, maging mas ma-diplomasya sa kaniya. Maaaring sa pamamagitan nito ay mabago rin ang pag-uugali ng iyong asawa.
Sapagkat sa nakikita niyang sa kabila ng pagkukulang niya ay nandyan ka pa rin at umiinitindi sa kaniya. Kaya naman ang resulta ay gagawa rin siya ng paraan o hakbang para masuklian ang iyong ipinapakita. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagbabago na ng ugali niya.
2. I-require sa iyong asawa na magbago siya.
Mahalaga rin na ipaalam mo sa iyong asawa na may kailangan siyang baguhin sa kaniyang pag-uugali para sa ikabubuti ng relasyon ninyo. Pero ito ay naka-depende sa pag-uugali niya.
Halimbawa na lamang sa pagiging magastos o palasugal niya. Ipaintindi sa kaniya na dapat ay mabago niya ito para sa kinabukasan ng inyong pamilya. Lalo pa ngayon na napakahirap kitain ng pera at kailangan ang magtipid.
Kung ang iyong asawa ay nananakit o emotionally abusive ay dapat ding ipaalam sa kaniya na ito ay dapat na mabago niya. Pero kung sumusobra na, hindi mo kailangang hintayin na magbago siya.
Kung pakiramdam mo ay mali na at hindi mo na kaya mas mainam na gumawa ka na ng hakbang na mas makakabuti sa ‘yo at sa inyong pamilya. Ika nga ng matatanda, bago mo mahalin ang iba ay kailangang mahalin ang sarili mo muna.
People photo created by azerbaijan_stockers – www.freepik.com
3. Mag-set ng deadline sa iyong asawa.
Para mas maintindihan rin ng iyong asawa na kailangan niyang baguhin ang ugali niya ay bigyan siya ng deadline o ultimatum para magawa ito. Pero kailangan mong ipaintindi na ito ay iyong ginagawa upang ma-save ang relasyon ninyo.
Ngunit tandaan, tulad ng unang sinabi ko, kung ang pinag-uusapang ugali ng iyong asawa ay nakakasakit na sa ‘yo, hindi mo kailangang maghintay. Hindi mo kailangan ng deadline. Hindi makakabuti ang pagpapatuloy sa isang relasyon na paulit-ulit ka lang sinasaktan.
4. Maging specific sa ugali ng iyong asawa na nais mong baguhin.
Para mabago ng asawa mo ang ugali niya ay kailangan mong ipaalam sa kaniya kung ano ang ugaling ito. Sapagkat malaki ang tiyansa na hindi siya aware dito.
O hindi niya alam na nasasaktan ka na pala o naiinis sa ugaling ipinapakita niya. Tandaan, hindi kayang basahin ng asawa mo ang isip mo. Kaya kailangan mong magsalita para maipaalam ito sa kaniya.
Photo by Ronny Sison on Unsplash
5. Magbigay ng consequences sa iyong asawa kung hindi niya babaguhin ang ugali niya.
Maliban sa pagpapaintindi sa kaniya kung paano ka naapektuhan sa ipinapakitang pag-uugali ng iyong asawa, dapat ay maipantindi mo rin sa kaniya ang maaring maging epekto nito sa inyong pagsasama.
Tulad na lamang ng hindi niya pagbibigay ng oras sa ‘yo at mga anak ninyo. Kung magpapatuloy ito ay maaaring lumaki ang mga anak ninyo na malayo ang loob sa kaniya.
Maging mapag-pasensiya sa iyong asawa. Bigyan siya ng pagkakataon para mabago ang ugali niya. Subalit kung lahat na ay iyong nagawa at patuloy na nagiging mabigat para sa ‘yo ang ugaling ipinapakita ng asawa mo, walang masama kung bibigyan ang sarili mo ng break.
Maaaring sa pamamagitan nito ay mabibigyan rin ng oras ang iyong asawa na makapag-isip sa kaniyang pagkakamali at gumawa ng paraan para ang inyong relasyon ay mag-workout na. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabago ng ugali niya.
Source:
- 5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama
- 7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."