REAL STORIES: "Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko."

Alamin kung ano ang maaaring dahilan kung bakit ayaw magtrabaho ng inyong mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang mommy mula sa theAsianparent community ang nag-share ng kaniyang istorya tungkol sa kaniyang partner na ayaw magtrabaho. Ayon sa kaniya, frustrated siya dahil tila buhay binata ang ama ng kaniyang anak.

Mababasa sa artikulong ito

  • Ayaw magtrabaho ng kaniyang partner
  • Ano ang dapat gawin kung ayaw magtrabaho ni mister?

Ayaw magtrabaho ng kaniyang partner

Sa theAsianparent community app, isang mommy ang nanghingi ng advice dahil sa nangyayari sa kaniyang partner. Lahad ng anonymous sender, siyam na taon na ang kanilang pagsasama.

Siya ay college graduate habang ang kaniyang partner ay huminto sa pag-aaral. Ang dahilan daw kasi nito ay kinailangan niyang tumigil sa studies para maalagaan ang kanilang anak. Ngunit duda ang mommy dahil nakikitaan na niya ang kaniyang partner noon ng pagiging hindi interesado sa pag-aaral.

“Pakiramdam ko hindi talaga para sa kanya ang pag-aaral kasi dati pa pinapaaral siya, lagi siya nagka-cut classes at hindi pumapasok. Naglalaro lang sa computer (DOTA). Tamad talaga siya mag-aral.”

Noong sila ay nagkaroon na sila ng anak ay sa kanila na tumira ang kaniyang partner. Naging busy ang lalaki sa pag-aalaga ng kanilang baby, ngunit hindi ito naghahanap ng trabaho.

“Sagot kami lahat ng magulang ko, lahat ng pangangailangan namin pati ng baby.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naglabas din ng pagkadismaya ang sender sa mga magulang ng kaniyang partner. Nangako raw kasi ang mga ito na tutulong sa kanilang gastusin lalo’t walang trabaho ang kanilang anak na lalaki.

Ngunit nasa P3,000 na raw ang pinakamalaking naibigay sa kanila ng mga ito para panggastos sa bakuna.

“Oo, hindi nila kami obligasyon pero noon nagkausap sila ng pamilya ko ang sabi nila ay tulungan daw pero parang wala naman sila naitutulong.”

Kaya naman napilitin ang sender na magtrabaho kahit dalawang buwan pa lang ang kanilang baby. Ang kaniyang partner ang nagbantay sa kanilang anak.

Ngunit napansin ng mommy na imbes na sabayan matulog ng kaniyang partner ang kanilang anak, busy pa raw ito kakalaro ng cellphone.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sinasabi niya sa’kin na lugi daw siya sa pagbabantay ng baby. Eh mas puyat pa siya sa paglalaro niya kaysa bantayan si baby at anak naman niya ‘yon.”

Bukod pa rito ay lumalabas din daw ang kaniyang partner para maglaro kasama ang barkada sa computer shop. Ilang oras nawawala sa kanilang bahay ang kaniyang partner, na sana ay ginugol na lang daw dapat nito sa pagtatrabaho.

Masama rin ang loob ng anonymous sender dahil lagi raw sinasabi ng kaniyang partner na kaya lang raw ito nagii-stay ay dahil sa kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maintindihan ng mommy kung ano ang mali. Lalo’t pinapabayaan naman niya ang kaniyang karelasyon sa mga luho nito. At hindi rin inoobliga sa mga gastusin para sa kanilang anak.

“Kaya sobrang sama ng loob ko at palaging umiiyak kasi hindi ko alam kung ako ba yung mali. Ultimo bisyo niyang yosi at laro binibigyan ko siya at galing ‘yon sa magulang ko.”

Minsan ay gusto na niyang humiwalay sa kaniyang partner, ngunit nais niya sana ng buo at masayang pamilya.

BASAHIN:

REAL STORIES: “Nakunan ako kasi sinunod ko ‘yong in-laws ko na magpahilot imbis na pumunta sa ospital.”

Mas malaki ang income ni misis kaysa kay mister? Heto ang posibleng epekto nito

No more work from home? 3 tips para maging mas madali ang work on site set-up for parents

Reaksyon ng iba pang mommies

Marami naman ang nagbigay ng advice sa problemang kinakaharap ng nag-post sa theAsianparent app. Ayon sa kanila, dapat ay kausapin ng masinsinan ang lalaki para malaman kung ano ba ang gusto nitong mangyari.

“Mag-usap kayo ng masinsinan, ilatag mo lahat ng gusto mong sabihin. Alamin mo kung ano bang plano niya sa buhay niya at sa pamilya niyo. Kung maganda man ang magiging response niya at sasabihin niyang magbabago siya, maghahanap ng work para sa pamilya niyo. Then that’s a good sign na may pag-asa pa, baka kailangan lang talagang i-push si Kuya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nako, sis mag-usap muna kayo mabuti at masinsinan ng hindi nag-aaway.”

Samantala, marami naman ang nagsasabing hindi pa handa sa buhay pamilya ang lalaki. Anila, hindi pa nito kayang panindigan ang mga responsibilidad bilang isang asawa at ama.

“I think buhay binata nga siya. And hindi pa talaga siya ready sa mga responsibilities at nasanay siya na andiyan ‘yong parents mo na handang sumuporta sa inyo financially. So petiks siya.”

“May mga bagay talaga madam na hindi natin lubos maintindihan. Pero sa ipinapakita ng partner mo mukhang hindi siya handa sa buhay na pinasok niya. Hingi ka ng wisdom kay Lord.”

Ano ang dapat gawin kung ayaw magtrabaho ng lalaking partner?

Mahirap solusyunan ang isang problema na hindi alam ang dahilan. Ganito ang kadalasang sitwasyon kapag dumadating ang puntong ayaw na magtrabaho ng lalaki sa isang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya mahalaga na kausapin ni misis ang kaniyang asawa at alamin ang puno’t dulo kung bakit ayaw na magbanat ng buto ng kaniyang mister.

Ilan sa mga posibleng dahilan nito ay ang mga sumusunod:

  • Posibleng nawala ang self-confidence sa dating trabaho
  • May problema sa depression
  • Pagtingin niya sa role niya sa inyong pamilya
  • May factor kaya unmotivated ang lalaki na magtrabaho

Kapag nalaman na ang rason kung bakit ayaw magtrabaho ni mister ay gawan na ito ng solusyon. Kung hindi naman masolusyonan ay pwedeng sumangguni sa isang marriage counselor.

Sakaling hindi pa rin ito magbago at ayaw pa rin magtrabaho, baka kailangan na nito ng ‘tough love’. Bigyan ng ultimatum ang inyong mister.

Kung hindi ito magbabago ay sabihin sa kaniya na kung hindi siya maghahanap ng trabaho ay lilipat ka muna ng tirahan. Ngunit dapat klaruhin na hindi mo nais na kayo ay magkahiwalay.

Bagkus ay para lang mapaintindi sa kaniya ang hirap ng paghahanap ng means para sa mga gastusin sa bahay habang kayo ay wala sa iisang bubong.