LOOK: Princess-themed 7th birthday ng anak ni Yasmien Kurdi

LOOK: Princess-themed 7th birthday ng anak ni Yasmien Kurdi

Punung-puno nga ng surpresa ang enggrandeng 7th birthday ng anak ni Yasmien Kurdi sa asawang si Rey Soldevilla Jr. na si Ayesha Zara.

Princess-themed birthday

Ika-22 ng Nobyembre, Biyernes, ang araw kung saan piniling ipinagdiwang ni Yasmien Kurdi at mister nitong si Rey Soldevilla Jr. ang ika-7th birthday ng kanilang anak na si Ayesha Zara.

Princess-themed nga ang naging theme ng 7th birthday ni Ayesha, kung saan present din ang ilang Disney princesses sa kaniyang birthday.

Tutok na tutok nga ang paghahanda dito ng celebrity mom na si Yasmien sapagkat personal na hiling ito ng kaniyang anak para sa kaniyang birthday celebration.

Bago nga ang bonggang 7th birthday celebration ni Ayesha, nag-post si Yasmien sa kaniyang Instagram ng isang pagbati sa anak.

Aniya, "Happy Birthday. To my fun daughter who always makes me smile and laugh!"

Dagdag pa niya, "You bring so much joy to my life, and with each birthday, I am reminded of how thankful I am to have you. I Love You! #AyeshaZara #AyeshaZaraTurnsSeven #birthdaygirl"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

Seven dances ni Ayesha

Isa nga sa mga highlights ng 7th birthday ni Ayesha Zara ay ang kaniyang seven dances, kung saan nagkaroon ito ng pitong sayaw kasama ang ilan sa kaniyang mga bisita.

Kabilang nga sa mga nakipagsayaw kay Ayesha sa kaniyang seven dances ay ang direktor na si Direk Neil del Rosario,ang aktor na si Rodjun Cruz, ang amang si Rey Soldevilla Jr., at siyempre ang kaniyang mama na si Yasmien Kurdi.

Isang surpresa ngang maituturing ang sayaw ni Ayesha kasama ang inang si Yasmien, sapagkat nagbihis lalake ang ina para sa anak, kung saan nagsuot pa ito ng bigote para sa kanilang dance number.

Ito pa ang ilan pang mga litrato sa naganap na 7th birthday celebration ni Ayesha.


Source: Nice Print Photography

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner