Isang 17-year old na babaeng yellow belter sa taekwondo ang labis ang tinamong bugbog sa taekwondo training. Ito raw ay dahil sa pinag-sparring umano siya ng kaniyang coach sa isang lalaking black belter.
Teenager nabugbog umano sa taekwondo training
May benda sa ilong, may pasa sa mata, maga ang mukha ng 17-year old taekwondo yellow belter na itinago sa pangalang Cindy.
Screenshot mula sa report ng 24 Oras
Sa report ni Oscar Oida sa GTV Balitanghali noong March 27, 2024, nangyari umano ang insidente noong February. Kung saan ay dinala sa ospital ang teenager dahil sa tinamong bugbog sa mukha at katawan nito, matapos ang taekwondo training.
Varsity player daw sa Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc. sa Bocaue, Bulacan si Cindy. Ang problema umano, yellow belter pa lang ito ngunit itinapat na ng kaniyang coach sa isang lalaki na black belter. Bukod pa roon ay mas mabigat din daw ang timbang ng ka-sparring ni Cindy.
“Muntikan na po ako mamatay dahil sa bugbog. Binugbog ako na wala akong laban,” pahayag ng biktima.
“Gustung-gusto ko po magsalita kasi sobrang drain na drain na po ako di ko na po kaya,” dagdag pa nito.
Larawan mula sa Shutterstock
Sinadya ng coach dahil sa selos?
Ayon sa ina ng biktima, selos ang dahilan ng insidente. Naniniwala umano siya na sinadya ng coach ang nangyari dahil may gusto umano ito sa kaniyang anak.
“Sinadya po dahil may gusto siya sa anak ko. Meron daw pong biglang inaakap siya, inaakbayan. Tapos inaaya siyang kumain sa labas, magkape nang silang dalawa lang. Sabi ko ‘di na normal ‘yon,” saad ng in ani Cindy.
Larawan mula sa Shutterstock
“Mentally, physically damaged. Lahat ng damaged. May gising pa po na minsan bumabagsak siya. Pinapa-MRI siya”.
Kasalukuyan nang sinuspinde ang training pati na ang mga coach sa JILCF habang isinasagawa ang imbestigasyon. Saad naman ng pamunuan ng eskwelahan, titiyakin nilang mananagot ang may sala.
Sa ngayon ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, ang taekwondo coach ng biktima.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!