Kapag ikaw ay natanong kung ano ang mga disadvantage ng pagkakaroon ng guwapo o magandang asawa, maaaring ang sagot mo ay ang pagiging insecure dahil sa maaari silang magtaksil sa iyo. Ngunit narito ang isang bagay na maaaring hindi mo pa naririning: isang pag-aaral ang nakatuklas na ang pagkakaroon ng guwapong asawa ay nakapagdudulot sa kanilang mga misis na magkaroon ng unhealthy eating habits.
Ayon sa pag-aaral ng Florida State University, ang pagkakaroon ng guwapong mister ay hindi lamang nakapagdudulot ng disordered eating, kundi pati na rin strain sa pag-iisip ni misis. Kung iniisip ng isang babae na ang asawa n’ya ay mas makisig o mas attractive kaysa sa kanya, mas malaki ang posibilidad na siya ay magkaroon ng poor eating habits.
Paano? Una, lalo silang nagiging mapagpuna sa kanilang timbang o pangangatawan, na s’yang nagreresuklta sa pagkakaroon ng pressure para bilangin niya ang kanyang calorie intakle, magbinge eat, o kaya naman ay pilitin na isuka ang kanyang kinain.
“If we understand how women’s relationships affect their decision to diet and the social predictors for developing unhealthy eating behaviors then we will be better able to help them,” sabi ng doctoral student and study researcher na si Tania Reynolds sa Medical Daily
Ano ang disordered eating?
Ito ang resulta na nakuha ni Reynolds at kanyang team matapos ang panayam sa 113 na bagong kasal na nasa late 20s.
Ayon naman sa EatingDisorders.org, hindi magkapraho ang disordered eating sa iba pang easting disorders, bagamat ito raw ay tumutukoy sa abnormal na pagkain.
Hindi rin daw ito kasing lubha ng pagkakaron ng esting disorder dahil hindi daw ito kasing dalas ng kung paano magkaroon ng unhealthy esating habits ang mga may eating disorders.
Ano baa ng dapat gawin kung ikaw ay dumaranas ng disordered eating?
Kung sa tingin mo ay dumaranas ka ng disordered eating, mahalagang malaman mon a hindi lamang kalusugang pisikal ang naaapektohan nito kundi pati na rin ang kalusgan ng iyong pagiisip. Matutong tumingin bukod sa panlabas na anyo o iitsura kundi sa paguugali mo at kung ano ang nagpapasaya sa iyo.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Bianchi Mendoza.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!