TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Babae nanganak ng 6 na sanggol sa loob lamang ng isang oras!

2 min read
Babae nanganak ng 6 na sanggol sa loob lamang ng isang oras!

Isang babae sa Pakistan ang nanganak ng sextuplet o anim na sanggol sa loob lamang umano ng isang oras. Hindi ito pangkaraniwan!

Isang babae sa Pakistan ang nanganak ng sextuplet o anim na sanggol sa District Headquarters Hospital nito lang Abril.

6 na sanggol isinilang ng babae sa Pakistan sa loob lang ng isang oras

Ayon sa report ng Philstar Life, isang 27-anyos na babae sa Pakistan ang nagsilang ng anim na sanggol sa loob lamang ng isang oras.

Ang new mommy ay kinilalang si Zeenat Waheed ayon sa local media outlet na Dawn. Ito raw ang unang beses na nanganak ang babae kaya mangha ang mga netizen at kinaya ito ni Zeenat.

sextuplet

Larawan mula sa Shutterstock

Sa interview ng Dawn, napag-alaman na apat na lalaki at dalawang babae ang isinilang ni mommy Zeenat.

Ayon naman kay Dr. Fanza, medical superintendent ng ospital kung saan isinilang ang anim na sanggol, nasa maayos na kondisyon naman ang mga baby. Kaya lamang ay kinailangang ilagay ang mga ito sa incubator.

Nakasaad din sa report ng Dawn, na ayon sa duty officer ng labor room, hindi umano normal delivery ang paraan ng panganganak ni Zeenat. Katunayan ay nakaranas daw ito ng mga komplikasyon matapos na manganak.  Ngunit magiging maayos din naman daw ang lagay ni Zeenat sa mga susunod na araw.

sextuplet

Larawan mula sa Shutterstock

Mga dapat malaman tungkol sa sextuplet

Sextuplet ang tawag kapag nagsilang ang isang babae ng anim na sanggol sa isang delivery. Pwedeng fraternal (multizygotic), identical (monozygotic), o kaya naman ay kombinasyon ng mga ito ang maging anak kung magsilang ng sextuplet.

Pwede rin na puro lalaki, o puro babae, o kaya naman ay kombinasyon ng babae at lalaki ang anim na sanggol.

Lahat ng multiple birth ay hindi pangkaraniwan o rare, lalo na ang pagsilang ng triplets o higit pa sa tatlo. Ayon nga sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong 2019, mayroon lamang 87 multiple births out of 100,000.

sextuplet

Larawan mula sa Shutterstock

Nakasaad sa report ng Very Well Family website, na ang first surviving set ng sextuplets ay ipinanganak sa South Africa noong 1974 pa.

Posible ring hindi pare-pareho ang birthdate depende sa interval ng delivery. Ang ganitong kaso ay tinatawag naman na iatrogenic asynchronous birth. Ibig sabihin, ang bawat baby ay posibleng isilang nang ilang araw o linggo ang pagitan.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Babae nanganak ng 6 na sanggol sa loob lamang ng isang oras!
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko