Ang tanong ng misis na kasama ang babaeng biyenan matulog sa kwarto, paano kami makakabuo ni mister nito?
Mababasa dito ang sumusunod:
- Rant ng isang bagong kasal na misis tungkol sa kaniyang babaeng biyenan.
- Reaksyon ng kaniyang mister.
Rant ng isang bagong kasal na misis tungkol sa kaniyang babaeng biyenan
Larawan mula sa Shutterstock
Sa social media nalang nailabas ng isang bagong kasal na misis ang rant niya tungkol sa kaniyang babaeng biyenan. Ayon sa misis na kakasal lang daw nitong Oktubre sa condo sila nakatira ng kaniyang mister. Ang condo daw ay pag-aari ng kaniyang mister. Ito daw ay may isang kwarto, sala at kusina na kung saan kasama nila ang kaniyang babaeng biyenan na doon din nakatira. Ang kwarto ng condo ay may double deck na kung saan pinaghahatian nilang mag-asawa at kaniyang mother-in-law.
Hindi naman daw sa hindi kasundo ng misis ang kaniyang mother-in-law. Ang reklamo niya, dahil sa kasama nila ito matulog sa iisang kwarto ay paano sila makakabuo ng mister niya.
“Bukod sa wala kaming privacy ng asawa ko dahil kasama namin sa kwarto mama niya, malakas pa hilik ni mama kaya madalas hindi ako makatulog.”
Ito ang reklamo ng misis.
Reaksyon ng kaniyang mister
Larawan mula sa Shutterstock
Sinabi naman daw ng misis ang reklamo niyang ito sa kaniyang mister. Ito daw ang nangyari at parang siya pa ang lumabas na masama.
“Sinabi na daw niya kay mama na kung pwede sa pullout sofa bed muna siya para makabuo din kami pero hindi naman daw po umimik. Hindi daw po siya kinibo nung araw na yun. Sabi sakin ni hubby baka daw iniisip ni mama na pinagdadamutan siya ng kwarto. Ayaw niyang maoffend si mama.”
Ito ang pagkukuwento pa ng misis.
Larawan mula sa Shutterstock
Pagpapatuloy niya, may isang kapatid pa naman daw ang mister niya. Kaya naman nasabi niya dito na baka puwedeng doon nalang muna tumuloy ang mama niya. Ang mister niya, ito ang naging tugon.
“Sabi ni hubby baka daw mahirapan kapatid niya dahil may pamilya na nga kapatid niya tapos magdadagdag pa ng isang tao. Sapat lang po kasi ang sahod ng kapatid niya at nung asawa.”
Kaya ang misis, hindi na alam ang gagawin niya.
“Ang gusto ko lang sana is my privacy kami mag-asawa lalo na po ako. Parang tingin ko naman pa deserve ko po ang peace of mind tuwing gabi.”
Ito ang sabi pa ng misis.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, anong gagawin mo?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!