Kadalasang nating naririnig ang kwento ng lalaking nagloko sa kanyang asawa. Ngunit hindi rin naman madalas ang kwento ng babaeng nangangaliwa sa kanyang asawa. Hindi na rin ito normal sa tenga ng mga tao.
Pero nakarinig kana ba ng kwento tungkol sa asawang nilagyan ng super glue ang ari ng kanyang kinakasama dahil sa pagtataksil?
Normal pa ba itong maituturing na ganti sa asawang babaeng nangangaliwa?
Mister, nilagyan ng super glue ang ari ni misis dahil nangangaliwa
Noong March 9, 2013, isang babae sa Kenya ang naospital matapos lagyan ng super glue ang kanyang ari dahil sa pangagaliwa.
Arestado ang isang Kenyan national na si Dennis Mumo, 36-year-old, ng lagyan nito ng super glue ang ari ng kanyang asawang babae dahil nahuli diumano nito na nangangaliwa.
Text messages at hubad na mga larawan ang nakita ni Mumo sa cellphone ng kanyang asawa. Dahil dito, nalaman ni Mumo na may ibang karelasyon ang kanyang asawa sa apat na mga lalaki.
Napagalaman ding dinadala pa ng asawang babae ang kanyang mga karelasyon sa kanilang tahanan sa Kitui.
Sa isang text message na nabasa ni Mumo, dito na nagsimulang ma-disappoint.
“Next week there will be fireworks!”
Kalakip rin ng message na ito ang isang hubad na litrato ng asawang babae.
Ngunit makatarungan ba ang paghihiganti ni Mumo? Ayon sa kanya, ginawa lang naman niya ito para sakaling masalba ang kanilang pagsasama.
Asawang babaeng nangangaliwa
Ayon sa babae, na hindi natin papangalanan para sa kanyang kaligtasan, ang kanyang asawang si Mumo ay dati pa siyang sinasaktan. Ngunit mas lalo itong lumala ng pinagbintangan siya nito na nakikipagrelasyon sa kanyang uncle.
Dagdag pa nito, tuwing sasapit ang buwan ng Marso, naaalala nito ang mga kalupitang ginawa ng kanyang asawa. Nilalabas nito ang kanyang itak at inuutusan siyang hubarin ang kanyang damit. Sinubukan niyang pumalag ngunit binantaan lang siya nito na puputulin ang kanyang ulo. May pagkakataon pa nga na balak rin itong putulin ang kanyang mga daliri ngunit nakatakas lang siya.
Ganito rin ang nangyari sa tagpo kung saan nilagyan siya ng super glue sa kanyang ari. Sapilitan siyang pinabukaka ng kanyang asawa at saka nilagyan ang kanyang ari ng pandikit. Nanigas na lamang ang babae sa takot.
Pagkatapos ma-ospital ng asawang babae, hindi na ito kagaya ng dati. Hirap na itong makaihi at maaaring hindi na rin makapagtalik sa iba.
Sa ngayon, humaharap sa kasong domestic abuse si Mumo at ang kanyang asawa naman ay adultery.
Charges on Adultery
Ayon sa Article 333 ng Revised Penal Code, kung sakaling magtaksil ang iyong asawang babae, ang ipapataw na kaso rito ay Adultery.
Hindi mo kailangan ng ebidensya na nakikipagtalik sa ibang lalaki ang asawa mo (ngunit pwede rin itong magamit). Sapat na ang statement ng mga witness na nakita nila ang iyong asawa na may kasiping na ibang lalaki. Ang mga litrato na nagpapakita ng hindi kanais-nais na pwesto sa iyong asawa at ibang lalaki ay malakas rin na ebidensya.
Kung ang asawa mo naman ay dinahilan sa korte ang pag aabandona mo sa kanya, hindi pa rin ito sapat upang mapawalang sala siya sa kasong Adultery. Ngunit maaari itong mabawsan ang mga penalty ng kaso.
Ang pagkakakulong sa kasong Adultery ay tumatagal ng 2 years hanggang 6 years. Nasa batas rin na mabibigyang sala ang kalaguyo ng asawa.
Sources: Indiatimes , Move!Mag
BASAHIN: Alamin dito ang 3 uri ng pangangaliwa na walang kinalaman sa sex , 8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister